Epilogue

970 19 3
                                    

Salamat sa lahat ng nagbasa! Godbless!

Epilogue
Pretzel's POV

4 years later

[Hoy! Nasan ka na?]

"Saglit! Papunta na!"

[Anong papunta na? Goshhhh! Nag uumpisa na yung graduation ceremony wala ka pa rin. Ano eeksena ka huh?!]

Di ko na sya sinagot at pinutol na ang tawag. Kinuha ko yung susi at nilock yung bahay. Tsk. Kasalanan ko bang malate ako ng gising.

Pagkasara ko ng gate pumara agad ako ng trycicle. Habang nasa daan may tumawag na naman.

Honey calling ......

"Ano?!"

[Hoy tanga! Nasan ka na ba?!]

"Papunta na bye"

Pinutol ko kaagad yung tawag. Kakababa ko lang nung tawag eh may natawag na naman.

Bebeko calling ......

Di ko na tinignan yung tawag basta sinigawan ko na lang.

"BUSET! PAPUNTA NA NGA DI BA?!"

[Init ng ulo ng bebeko ko ah?] narinig kong sabi nung nasa kabilang linya. Teka Sean? Tinignan ko yung screen ng cp ko at sya nga ang natawag.

"Tss papunta na ako."

[Sge. Ingat ka! I love you.]

"Sige nandyan ka na?'

[Yup.]

"Uhmmm. Sige, i love you too." sabi ko at binaba na ang tawag. Saktong pagkababa ng tawag ay saktong pagkadating ko sa school. Shit nag uumpisa na nga. At nasa section na namin.

Habang papalapit ako ng papalapit sa gym naririnig ko ang tawag ng pangalan sa mga kablock ko.

"Vanessa Dumlao." sabi nung mc. Mas binilisan ko pa ang takbo ko. Dalawa na lang ako na.

"Jewel Fernandez" ayan na malapit na ako. Nakapasok na ako sa loob ng gym without noticing ng kahit nino man.

"Liezel Flores." ako na! Ako na"

"Pretzel Ericka Galves." sabi nung mc. Saktong tawag nya nakarating na ako ng stage. Inayos ko muna ang sarili ko. At lumakad with poise.

"Wuhhh! Go Pretzel! Girlfriend ko yan." narinig kong sigaw ni --

Sean?!

Bakit nandito yan?

Nakatayo sya sa may pinakalikod with matching banner. Grrrr. Ang hawt nya.

Ngumiti ako at naglakad ng parang model with matching kaway kaway parang sa beaucon. Nakarinig ako ng tawanan. Nang nasa tapat na ako ng principal namin ay kinamayan nya ako at binati.

"Congratulations Ms. Galves."

Ngumiti ako at binawi ang pagkakakamay nya sa kanya. Lumakad na rin ako at kumaway pa sa ibang nandun sa stage.

Pagkababa ko ay sumalubong agad sakin si Sean.

"Zel!!" sigaw nya sakin. Itinaas ko ang kanang kamay ko. "Yesss!!" sigaw nyang malakas. Sumalubong ako sa kanya at binuhat nya ako.

"Napakasaya ko Ka."

"Ako din Sean. I love you."

"I love you too."

- - - -

Natapos ang graduation at nandito kami sa bahay nila Sean para sa celebration. Nakakahiya nga ee pero tita insist. Tuwing tutungting ako dito sa bahay na to naaalala ko yung nangyari 4 years ago.

Flashback

"Sige na Iha. Halika na pasok na tayo." sabi ng nanay ni Sean. Naramdaman kong may humawak sa braso ko.

"Mama." sabi ko ngumiti sya sakin at inakay ako.

Pumasok kami at pinaliwanag nila ang lahat ng nangyari. Hindi talaga si papa ang pumatay sa papa ni Sean bagkus sya pa ang tumulong dito na nagdala sa ospital. May tao daw sa likod nito kaya nalaman nila ang totoong nangyari. Kalimutan na daw namin yun. Isa pa at nakahanap na din daw si tita ng bagong aalalay sa kanya hanggang pagtanda. Tanggap naman ito nila Sean.

End of Flashback

Bumalik na din si Honey sa bahay nila. Nagkaayos na silang lahat. Kay Hansel at Gretelle wala akong balita. Pero minsan ko lang makita yung si Hansel.

May naramdaman na naman akong mabigat sa balikat ko. Ang hilig nilang unakbay ngayon ah.

"Bebeko."

"Sean." sabi ko in danger tone

"Ang saya ko kasi maayos na ang lahat."

"Oo nga Sean."

"So, sa tingin ko kailangang maglog out na tayo?"

"Ayaw ko pa eh."

"Sige na. Hayaan mong yung kakambal ko naman."

"Hmmmm. Sige na nga."

"Sabay na tayo."

"Hmm. Sige. Pano naman aber?"

"Eto may sinulat ako." sabi nya at may nilabas na papel sa bulsa nya.

"Handa much huh." sabi ko at inabot ang papel na hawak nya

"Kami po ang tambalang pagkain. Ako po si Pretzel Galves. And Im Cream-o Alonzo signing off. Hanggang sa susunod!"

*****************************************

Hello! Salamat sa lahat ng nabasa. Kahit pangit ito. At may book two toh. Di ko muna sya ipopost. Pero tungkol sya kay Hansel at Gretelle.

God bless!

It started with my sketchy love story (Completed) #Wattys2015 WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon