Chapter 10: Past

898 37 3
                                    

Chapter 10: Past
Pretzel's POV

Unti unting umupo si mama sa upuan nya. Umiiyak sya habang nailing na animoy baliw. Nanay ko sya kaya nasasaktan akong makita syang nagkakaganyan pero masakit din para sakin na malaman na nanay ko sya pero sya mismo ang gumagawa ng masama.

"Anak. Patawarin mo ako."

Iyak lang ako ng iyak di ko alam kung saan ko pa nakukuha ang lakas ko at hanggang ngayon ay nakatayo pa rin ako.

Umiling ako kay mama. Basang basa na ang damit pangbahay ko dahil sa luha ko.

"Ma, maiintindihan ko pa kung bakit mo ginagawa mo to kung dahil lang kay papa. Pero yung pati kaming magkakaibigan idadamay nyo sa gulo nyo. Ma, napakasakit. Na-" hindi ko na naituloy yung sasabihin ko dahil naninikip na yung dibdib ko. Sobrang sama ng loob ko. Kung sana lang itinama na nila ang pagkakamali nilang yun edi sana di na sana aabot ang lahat sa ganito.

[Flashback:]

13 years ago

Umpisa ng klase ko sa elementarya. Mag isa akong naglalakad patungong room ko ng makita kong binubully ng mga bata yung isang bata.

"Boo! Wala ka pala ee! Iniwan ka lang nang magulang mo ganyan ka na. Pakamatay ka na din! Kaya ka nila iniwan kasi wala kang kwenta."

"Hindi. Hindi dahil sakin kaya nagpakamatay si mama. Sinundan lang nya si Papa kasi namimiss nya to." Depensa ng batang lalaki na punong puno ng putik. Marahil itinulak ito ng batang kausap nya doon.

"Aba! Sumasagot ka aa?!" Susuntukin na dapat ng lalaki yung batang puno ng putik pero pinigilan ko sya.

It started with my sketchy love story (Completed) #Wattys2015 WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon