Chapter 12: Say who?

805 30 4
                                    

Chapter 12: Say who?
Cream-o's POV

Naglalakad ako papunta ng school ng girlfriend ko. Ang Sugar Fundant Academy. Nagtext sya sakin kanina na magkita sa dating tagpuan. First anniversary nga namin ngayon ee, kaya may balak akong isurprise sya. Pero dahil sa makulit ako sabi ko susunduin ko sya. Sinabi nya na sa puno ng mahogany sa tabi ng elementary school kami magkita. Pumayag qgad ako kasi namimiss ko na sya.

May dala akong isang boquet ng rose at isang box ng chocolate. Di ko alintana ang tinginan ng tao dahil para sakin sweet tong gagawin ko.

Pagkatanaw ko sa tagpuan namin, di ko mapigilang di mapangiti.

Lumapit ako sa kanya at hinalikan ko sya sa pisngi. Napansin kong namumutla sya at mukhang di mapalagay.

"Ka, are you alright?"

"Y-y-ye-yes. Just d-dont mind me." Sabi nya sakin.

Tinignan ko syang maigi. Alam kong may problema sya.

"Hey Ka. Anong problema? Namumutl--" di ko pa natatapos ang sasabihin ko ng

"Sean lets break up."

"But. Why?"

"Di ako para sayo. At kahit kelan di ako naging sayo."

"K-ka."

"Goodbye Sean. Find your happiness." Sabi nya at tumakbo na palayo. Naibagsak ko ang lahat ng hawak ko.

Bakit?

Bakit kailangan pa tong mangyari? Ginawa ko naman ang lahat. Minahal ko sya pero,

Napabuntong hininga ako dahil sa mga nangyari. Napakabilis. Parang kanina lang ang saya saya ko.

Lumakad na ako paalis. Bahala na yung mga yun kung sino kukuha.

Nang palabas na ako ng school nakarinig ako sigaw dun sa kumpulan ng mga tao. Pagkatapos ng sigaw biglang natahimik ang lahat.

Sunod na narinig ko ay hikbi galing sa isang babae.

Sumingit ako sa mga nagkakagulo. Habang papalapit ako ng papalapit naririnig ko na malinaw ang usapan nila.

"Ka, patawarin mo ko."

Teka? Ano daw Ka. Nagmadali akong pumunta sa harapan. At ang naabutan kong eksena ay pinagtutulungan nung dalawang babae yung isang babae. May biglang dumating na lalaki tapos pinigilan sila, teka pamilyar siya?

Nagulat ako ng biglang sampalin nung isang babae yung bagong dating na lalaki. At ang mas ikinagulat ko ay Ate ko yun!

Tae! Ate ko yung sumampal sa lalaki!

Sa sobrang gulat ko napasigaw na lang ako.

"ATE??!!"

Napatingin sa gawi ko lahat ng tao at may nakapukaw ng paningin ko. Yung babaeng kakatayo lang at padabog na hinagis yung ulo ng kaaway nila ni ate.

WTF? Ang astig nya man!

- - - -

Honey's POV

Sa sobrang inis ni Pretzel kay Treshelle sinabunutan nya ito. At bilang support nakisali akong makisabunot, kaya ending kawawa ang bitch.

Kaya lang dumating yung knight in shining putik ng bruha. Kaasar.

Kaya sa sobrang inis ko nasampal ko sya. Kung ano ano kasi sinasabi di na lang sabihin 'hoy wag nyong saktan ang mahal ko.' Asarr ╰_╯

Sasagot pa sana sya at sasampalin ko pa sana sya nang may biglang tumawag sakin. Kainis naman. Ang sarap pa naman manampal.

It started with my sketchy love story (Completed) #Wattys2015 WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon