Flashback 102 (Break Up)

5 0 0
                                    

AN: Meron pong two UD before ito, baka po hindi nabasa. Hehe

--------

But everything went wrong.

Minsan kapag nasanay ka na sa isang bagay na komportable ka hahanap-hanapin mo. Pero minsan pinagsasawaan mo. Sad to say ganun talaga eh.

Second year college na ako nang mapabarkada ako. Kung dati rati, lagi ako kila Jham at nag-aaral ng lessons, kada after class sinusundo niya ako, school-bahay-bahay nila ang gawa ko,  ngayon naiba na. Dati rati matataas ang grades ko ngayon bumaba na. Nawalan na rin ako ng maraming time for him. Minsan kapag sinusundo niya ako hindi niya na ako nakikita sa school. Kapag tinitext niya ako at tinatawagan hindi ko pinapansin, laging nakasilent. Yun yung time na nagrerebelde ako kay mama, nakakainis kasi, ayaw ko nga ng course ko at hindi mo talaga mababali ang gusto ni mama. Nadagdagan pa nung kinausap ako ng tito ni Jham minsan, ang sabi non,

"Bata ka pa, walang mangyayari sayo kung lagi ka rito, mag-aral ka nang mabuti. Layuan mo na si Jhames."

Sobrang sama ng loob ko noon kaya wala din akong ibang takbuhan kundi yung mga barkada ko. Akala naman nung matandang yun napapabayaan ko ang pag-aaral ko. Bakit ganun yung mga pananaw nang tao ngayon, kala niya siguro may ginagawa kaming kababalaghan ni Jham, eh siya pa nga ang tumutulong sa mga pag-aaral ko. Bakit ang hilig manghusga ng tao kahit hindi naman nila alam yung totoo. Tss!

Kaya ganyan ang gawa ko noon, ayun, badtrip ako eh, at kapag naiinis ako apektado lahat. Natuto na ako magcutting classes, nagpapaalam ako sa instructor na magccr pero tatakas na ako. Minsan pagdating ko palang ng school hihilahin na ako ng mga barkada ko para mag-inuman.

Kung saan saan kami umaabot ng mga barkada ko para lang magjamming. And dun ko nakilala si France, friend siya ni Rose na isa sa mga barkada ko. Si France? Ok siya, mabait, caring, gwapo, at malakas ang appeal. Matanda lang si Jham ng isang taon sakanya pero nakuha niya ang atensyon ko. Hindi siya tulad ni Jham na over protective. Gusto lagi ko siyang kasama kahit saan ako magpunta, gusto lahat ng ginagawa ko sinasabi ko sakanya. Seriously? It made me sick. Alam ko naman na kahit na anong gawin ko mahal ako noon, malakas ang tama non sakin eh.
Sa laging ganun ang gawa namin ng mga barkada ko, napalapit na ako kay France. Sweet siya sakin, at hindi naman lingid sa kaalaman naming magtotropa na may gusto siya sakin. Nasasabayan niya lahat ng ginagawa ko, at naaamaze daw siya sakin dahil yung tipong akala mo hindi ko kayang gawin ay ginagawa ko. Actually ang tingin kasi nila sakin napakastraight. Kapag tipsy maingay na, tawa ng tawa, ganun. Kaya when France ask me one time, we're drunk, if I could be his girlfriend pumayag ako. Dineny ko din kasi na may boyfriend ako. What for pa? Hindi naman niya malalaman.

Since that day, lagi na kaming magkasama ni France, pati mga pinsan niya. Nanonood ng laro nila ng basketball, or hinahatid ako kung saan ang jamming namin. In short hindi KJ si France. I can do whatever I want to do, kahit na kami parang tropa lang. Just kissing. Hindi na bago yun. What happened to Jham? Wala, hindi ko kinakausap, pero nagtitext parin na he misses me. Blah blah blah. So corny. Naiinis ako sa tito niya, siya yung dahilan kung bakit halos ayaw ko ng pumunta sila. Nahuhusgahan ako eh. Ikaw ba kapag hinuhusgahan ka sa isang lugar, pupuntahan mo pa? Siguro yung iba ganon, ako hindi,baka magwar freak lang ako. At yun din yung hindi ko narealize noon. Ang tanga ko talaga.

One day I received a text from Jham. I am currently traveling to Batangas with Joyce. One of our friends.

"Totoo ba? " text ni Jham.

"Ang alin? "

"Si France? "

Bigla akong nakaramdam ng kaba and uneasy at that time. My hands are trembling. Parang noong oras na yon nararamdaman ko ang galit ni Jham sa mga texts palang niya.

"France what? " maang-maangan ko,

"Ow c'mon Shee, do not fool around. I know you know him. "

"I know France, but France what to be exact? "

malamig ang mga kamay ko at pinagpapawisan habang nagtitipak ng keypad sa phone ko. Yung kaba sa dibdib ko hindi mawala.

"France Veloso, Is it true that he is your newest boyfriend?"

"No it's not he's just a friend."

Then my phone rings.

Jham calling......

I answered it at nanggagalaiting Jham ang narinig ko.

"Sh*t Shee, a friend? Kissing? You are trying to say that you just kissed your friend? Shee hindi ako tanga! Ano bang palagay mo sakin? Bobo!? All this time that I'm trying to understand you, pleased you, yun pala ganito pa? "  he exclaimed. 

"Someone sees you barhopping, drinking, and kissing that guy. And you're telling me that he's just a friend? For not just one time Shee? Really? " naging garalgal ang boses niya. Hindi ko alam pero naramdaman kong tumulo ang luha ko. It's better to say the truth kesa pahirapan ko pa siya. Alam kong mahal na mahal niya ako at kasalanan kong hindi ko napahalagahan yon. I have my reasons.

Hindi pa rin ako umiimik ng magsalita siya ulit.

"Saan na yung Shee na nakilala ko? Nagbago ka na, hindi na ikaw yan, malayong malayo ka sa Shee na kilala ko. " halata ko ang disappoinment sa boses niya.

"Okay! Fine, boyfriend ko si France, and I thinks this is over. "

Saka ibinaba ang phone. It's better to end this kaysa mahirapan siya. I'm not happy anymore. He is too perfect for me, I doesn't deserve him. Ilang beses pang nagring ang phone pero hindi ko na sinagot. Mahihirapan lang ako.

-----

Note: I'm going to meet my classmate, hoping to see Jham too. Hehe.

Her Greatest LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon