----
Fourth year high school ako at graduating na nung una akong nagkaroon ng boyfriend. I was 16 back then.
Medyo may pagkaboyish kasi ako noon saka masungit, minsan nga nasabihan pa akong maganda nga, suplada naman. Wala lang talaga sa isip ko na magpaligaw pa, parang alam mo yon! Kadiri lang, kasi may nakikita akong HHWWSS pa. Tapos meron pang "143, 143" na nalalaman,"iloveyou to the highest level" pa. Err. Gross! I mean parang di ko kayang makita yung sarili kong ganun. Sabihan na akong KJ pero never in my entire life.
Hanggang nakilala ko si Nick, yung first boyfriend kong hangal. Di namin ginagawa yung mga ganung nakakadiring bagay. College na kasi siya non kaya malayo kami sa isa't isa, samantalang ako fourth year palang. So bihira kami magkita. Pero it turns out na ginagago niya pala ako. Dun ko narealize na mas okay pa pala na nakakasama mo ang isang tao para mas makilala mo siya.
"Hello? Ano ba! bakit ayaw mo magsalita! Ano bang nangyayari. Nick naman eh!"
Kanina pa ako salita ng salita ah. Mokong na to. Di man lang marunong sumagot. Pinipilit kong hindi maiyak, paano ba naman kasi maramdaman mo yung ganitong binabalewala ka. Pero talagang masakit na yung lalamunan ko. At anytime babagsak na tong luhang pinipigil ko. Ilang araw na akong nagtitext sakanya pero wala akong makuhang reply. Nagpalit pa ako ng sim card ko para lang sakanya. Para siya lang ang katext ko. Mga kabataan kasi noon. Uso palitan ng sim, chinicheck kung may textmate na iba. Hays! Pero di niya pa rin ako sinasagot. Nasa kabilang linya lang siya alam ko naman yun eh. Pero bakit? Bakit di niya ako magawang masagot? Saka ano tong pakiramdam kong masamang mangyayari.
"Nick ano ba?!!"
Naiinis na talaga ako, paiyak na talaga ako! Konting konti nalang talaga! Hanggang sa di ko napigilan, tuluyang na akong naiyak. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, hindi siya nagsasalita, ayaw niya sagutin yung mga tanong ko. Paano ko malalaman ang problema. Nick parang nararamdam ko kung bakit ganyan ka. Confirmation lang talaga, pero hindi yata ako handa.
"Sabihin mo na kasi" may narinig akong nagsalita sa kabilang linya pero alam kong hindi si Nick yon. Baka yung bestfriend niya.
"Sabihin mo na Nick" narinig ko may isa pang nagsalita, boses babae. Ano to? Pinagkakaisahan nila ako. Bakit nakaspeaker siya? Nakakainis na talaga.
"I hate you Nick!" yun lang yung huling nasabi ko bago ko ibinaba yung tawag. Pagod na ko maghintay sa sagot niya na hindi mo malaman kung sasagot ba siya. Saka sino yung babae? Eto na ba ung ikinakaba ko kanina. Ginagago ba ako nito! B-/$#!+. Iyak na naman. Sh*t lang talaga Nickolai.
Napaiyak nalang ako at nagkulong sa kwarto maghapon. Weekend kasi kaya dito lang ako sa bahay. Wala akong panahon at tamad akong lumabas. Gawa ng hindi ako tinitext at tinatawagan ni Nick. Affected ang body system ko. Kakatapos lang nung insidenteng muntik kami malunod ng kapatid ko. May trauma pa ako! At kailangan ko siya para gumaan yung loob ko pero siya pa ang magpapabigat nito. Ang sakit lang isipin na yung unang taong aakalaing mong dadamay sayo siya pa yung magpapabigat ng loob mo.
Di ko alam kung ilang oras akong nakatulog. Napabalikwas nalang ako nung naalala kong hindi pa pala ako nagchicheck ng SNS. Kaya kinuha ko yung lappy ko bago nagbukas.
Pagbukas ko nung account ko, wala man lang siyang message sakin kaya nalungkot ako. Ganon na ba talaga ako kawalang importansya. Dinalaw ko yung account niya hanggang sa nagulat nalang ako sa nakita ko. Bago ko pa tuluyang narealize na wala na pala talagang patutunguhan to.
"Hi babe, nagdrop by lang ako sa account mo. Missyou"
May nakita akong post ng isang babae sa profile niya. Girlfriend niya? Bakit babe? Bigla ako nakaramdam nang paninikip ng dibdib. Parang di ako makahinga, nagbabadya na naman ang mga luha kong gustong pumatak.
Tinignan ko yung profile nung babae saka ako napasimangot na nainis. So ipinagpalit niya ako sa babaeng mahaba ang baba? Really? Ganito na ba ang taste niya? Hindi ako makapaniwala. Ang sakit lang sa ego. Ako? Ipinalit niya sa babaeng to? Ako? Ako na si Shee Ann Garcia? Anong meron sa babaeng to na wala ako? Hindi ko na kailangan ng explanation niya. So ito pala yung hindi niya masabi sa akin. Bakit Nick? Di hamak naman na maganda ako sakanya.
Tinignan ko pa yung ibang picture ng babaeng to bago ako nakakita ng picture nila na halos matusok niya na ng baba niya yung ulo ni Nick. Medyo nakatayo yung babaeng mahaba ang baba tapos yung cleavage niya pinapahalata pang pinapasayad sa mukha ng tabachoy na Nick na to. Ang gross naman netong dalawang to. May picture pa sila animo parang magkikiss pero hindi nakasayad ang labi. Now I know Nick! So ang gusto mo yung ganyang tipong babae. Kadiri lang talaga! Anong nangyari sa taste mo Nick? Bumaba masyado! Magsama kayo!
Pero naiyak na naman talaga ako! Hindi ako makapaniwalang pinatulan ko si Nick na tabachoy tapos ipagpapalit niya ako sa babaeng mahaba ang baba na mukhang pokpok. Ano ba nangyari sa taste ko. Maniniwala na ba akong Love is Blind. O kaya! Humanap ka nang pangit at ibigin mo ng tunay! Err lang talaga.
Simula nun parang nawalan na ako ng tiwala sa mga lalaki. Minsan ka na nga lang magmahal lolokohin ka pa. Pagkakataon nga naman. As if true love na talaga yun. Pero sobrang bitter ko talaga.
Hindi na ako makapaghintay gumraduate, pero for sure mamimiss ko itong high school. Sabi kasi nila pinakamasaya daw ang High School life. Weh? Di nga?
----
Masabaw na UD. Hehe. 16 si Shee Ann nung maggagraduate siya. Hindi pa po uso K-12 noon kaya gang 4th year High School lang po. Hehe
BINABASA MO ANG
Her Greatest Love
General Fiction"Sometimes it's better to be friends, than lovers. " Because there are things that friends can do but lovers cannot. Greatest Love, puwede bang iyong greatest love mo, at first true love mo ang maging forever love mo? Ewan! Pero sana! Sana siya n...