----
Anong sorry? Why sorry? Does anything happens? Oh my god! Natataranta ako!
Magrereply palang sana ako nung magmessage siya uli.
"I'm sorry Shee, but I dunno either. Hindi pa kami nakakapag-usap. "
Pagkabasa ko sa reply niya medyo nakahinga ako ng malauwag. So hindi naman pala yung nasa isip ko ang nangyari.
"Ano po bang sakit niya ate? " curious na tanong ko.
"Hindi ko rin alam Shee eh " may malungkot na emoti sa message niya.
"Itext mo nalang siya. Yun pa rin naman ang number niya. " dagdag pa ni ate Karla.
Nagpasalamat nalang din ako then I turned off. So kaya ko ba siya napapanaginipan dahil may sakit siya? Ang weird lang. Tss.
..........
Three days na mula nung nagkausap kami ni ate Karla, pero hindi ko pa rin mahanap ang lakas ng loob ko para kamustahin siya personally. Nandito kami ngayon sa isang resort hindi malayo sa condo ko. Nagkayayaan kasi ang mga classmates ko na mag-outing tutal weekend naman at nacomply na namin ang mga requirements for midterm. Saka weekend naman at malapit lapit na ang bakasyon, it means matagal tagal kaming di magkikita. For sure busy na kami dahil malapit na ang finals. At sino pa nga ba sa palagay niyo ang utak ng kaganapang ito? Sino pa nga ba? Eh di si Cristina. Kahit puro happy happy ang gusto ng babaeng to hindi siya nagkukulang pagdating sa pag-aaral. And hindi niya isasama ang mga batang ito kung alam niyang hindi pupwede.
Hindi naman sana sako sasama dito kaso alam ninyo naman si Cris, kung magpumilit sobra! Saka naisip ko rin naman malapit sa condo ko so, go na diba!
Naliligo sila sa pool habang ako narito lang sa cottage. Ganito naman talaga ako diba, mas feel ko mag-isa.
Nakatingin lang sakanila habang naliligo suot ang kanya kanyang swimsuits. Malaki din ang olympic size pool nila, may children's pool sa other side at three big slides. We bring enough food that will satisfy us. Chopped kamatis and sibuyas together with sili at konting toyo. Indian mangoes, fried chicken, fruits, at mga ulam na iihawin. Nothing special.
Nagchicheck ako ng SNS accounts ko nang makita ko ulit yung conversation namin ni ate Karla. Nagdadalawang isip pa ako kung ititext ko siya. Sabi ni ate Karla hindi pa siya nagpapalit ng number, ibig sabihin ginagamit niya pa rin yung number na binigay ko sa kanya. Kailangan ko nang gawin to para mapanatag ako.
So, I texted him.
"Kamusta?"
Hindi ko alam kung magrereply siya, hindi ako sigurado. Hayss.
Ilang minuto na wala pa rin akong narereceive na text galing sa kanya. Sabagay, sino ba ako para replyan niya. Dati ang bilis bilis niya magreply. Dati yun Shee! DATI!!
So lumipat ako sa sun bathing chairs at nahiga wearing my most daring swimsuit pero syempre may patong na see through. I've been there for almost half hour when I decided to get some food to eat. At pagbalik ko napansin kong nakailaw yung phone ko, so I pick it up. May message ako at pagbukas ko nun, boom!! Parang may kung ano sa loob ng tiyan ko na gumagalaw na hindi mo mawari.
"Sheet, sheet, sheet. Oh my Gosh! Oh my Gosh!! "
Hindi ko napigilan mapatili. Oh my Gosh talaga. I can't believe this. Grabe! I can't imagine ganito pa rin ang epekto niya sakin. Para akong nilalamig, kinakabahan at excited sa mababasa ko. Oh my God! Nireplyan niya talaga ako, kaya dali dali kong binuksan yung message habang hindi pa rin mapakali sa pagkakatayo ko.
Para namang napukaw ko ang atensyon ng mga kaklase ko. Narinig ko pa si Cris na sumigaw ng "Hoy Shee, anong nangyayari sayo? " Hindi kasi talaga ako makapaniwala na rereplyan niya ako.
"Ok lang, ikaw kumusta na?" Waaah! Can't explain talaga itong nararamdaman ko. Akala ko "Hu u?" ang irereply nya. That means hindi niya binura ang cell. number ko.
Nagreply ako agad. Atat na atat ako eh! Hindi ako makapaniwala. Kaya hindi na ako nagpaliguy-ligoy pa. Kilala ko si Jham, gusto niya direct to the point.
"Sure ka? Wala ka nang sakit?"
Aba Shee? Ikaw ba ang may katawan. Ok nga lang daw e.
Etong kunsensya ko epal!
Lakas ng loob mo kausapin siya nang ganyan parang walang nangyari sa past niyo ah.
Mag move-on ka na konsensya. Tss. Ilang minuto pa bago siya nakapagreply.
"Bakit mo alam na may sakit ako?"
Lagot ka Shee, sa kadaldalan mo nadulas yang dila mo. May pasabi sabi ka pa kay Karla na huwag sabihin sa kanya. Tss, paano na gagawin mo ngayon. (Evil laugh)
Ayoko magsinungaling, nung huling nagsinungaling ako sakanya, nasaktan ko siya.
Hay nako Shee, kahit magsinungaling ka ngayon sakanya wala na siyang pakialam. Iba yung nuon iba yung ngayon. Wag mo ipagkumpara. Marami nang nagbago.
Wheew! Nililitanyahan ako nang konsensya ko. Oo na, oo na. Pero hindi na ako masisinungaling. So, nag-explain ako.
"Tinanong ko si ate Karla, nagwoworry kasi ako dahil madalas kita mapanaginipan. Nagpapaalam ka sakin na parang mamamatay ka na. Ayaw ko naman magdirect na magtanong sayo baka busy ka."
Waah! Shee ang haba nun ah! Di ka naman sobrang excited nyan? Manahimik ka mga konsensya, pagkakataon ko na to para kamustahin siya. Tss.
Hindi pa siya nagrereply pero nagtext ako ulit.
"Hindi lang kasi isang araw yon, almost a week na ganun, so I'm bothered that's why I don't hesitate asking ate Karla about you."
"Haha! You're funny, so multuhin pala kita? Ganon? Ok lang ako, dont worry maglalactum na ako. "
"Hah? Lactum?"
"Oo, para mapanatag ka na. Hahaha."
Loko talaga tong Jham na to, narelieve naman ako na malamang ok lang siya. Hays! Namiss ko siya.
"Sure ka ok ka lang hah?" tanong ko pa.
"Oo ok lang ako, nagpapagaling na. Saka baka sumagi lang ako sa isip mo kaya napanaginipan mo ako." sabi niya.
"Hindi naman, pero mula nung napanaginipan kita, kahit saan ako pumunta para kitang nakikita. "
"Hay naku Shee, bawas bawasan mo nga kakakape mo. Haha"
Bakit kaya tawa ng tawa si Jham? Tss.
"Hindi ako nagkakape noh!" Nakapout pa ako habang nagrereply. Di naman ako nagkakape eh!
"Sige na, papahinga na ako." sabi niya sakin na parang bigla kong ikinalungkot.
"Sige. "
"Sure ka ok ka lang talaga hah."
"Oo, ok lang ako."
"Wait, ano palang sakit mo?" nakalimutan kong itanong sakanya.
Pero ilang minuto at oras ang lumipas wala na akong natanggap na text mula sakanya. Nakulitan siguro siya sakin. Hays! Jham, namiss talaga kita. Kahit na saglit lang kami nagkausap pakiramdam ko ang saya saya ko.
---------
Note: Hihi! Ok lang ba?
BINABASA MO ANG
Her Greatest Love
General Fiction"Sometimes it's better to be friends, than lovers. " Because there are things that friends can do but lovers cannot. Greatest Love, puwede bang iyong greatest love mo, at first true love mo ang maging forever love mo? Ewan! Pero sana! Sana siya n...