No Words Can Express

2 0 0
                                    

how happy she was.....

-------

Kadarating ko lang galing school, grabe matapos ang bakasyon grande namin ng 5days, binigyan naman kami agad ng gagawin para sa finals at bagong requirements ulit before midterm exam. Kanina nga three lesson plans ang pinasa ko. Pinagpuyatan ko yun kagabi, buti nalang medyo madali yung inexam namin kanina. Yung scrapbook sa math at book sa literature natapos na namin. Mahabaang review na naman dahil may matitindi pa kaming exam sa monday. Grabe na talaga!

Pero syempre ok lang, eto nga kumakain muna ako bago ako magreview, naalala ko na naman yung mga nakaraang araw. Para akong nagkaroon ng motivation or inspiration o kahit ano pang tawag dun mula nung nakausap ko siya ulit.

Natapos ko kasi agad yung book namin before deadline, tapos yung scrapbook na hindi pa man deadline dahil for finals pa yun, naipasa ko na before midterm exam. Hahaha! Ang hyper ko, ewan ko ba, nakabase sa lahat ng nangyayari sakin yung mga nagagawa ko. Kung badtrip man ako o masaya apektado lahat. Ganun ba talaga?

Papunta kasi ako sa isa sa kaklase ko non, yung lugar nila malapit lang din kina Jham. Kailangan ko kasi makuha yung para sa report namin dahil ako ang gagawa ng draft. Si Mae naman kasi, yung classmate ko, hindi daw siya pwede ng araw kaya early evening ako pumunta sakanila. Sobrang lapit lang ng bahay ng kaklase ko kina Jham, mga limang bahay siguro. Bago ako aabot kina Mae madadaanan ko muna yung bahay nila Jham. Habang papunta ako nun nakita ko pa yung terrace ng bahay nila kung saan ang lagi niyang pwesto. May ilaw na yon dahil gabi na, gusto ko man tignan kung naroon siya hindi ko magawa. Para pa akong tanga na nagmamadaling makalagpas. Meron kung ano sa tiyan ko na hindi ko maintindihan, parang bulate, o baka yung intestine ko gumagalaw, di ko maexplain yung nararamdaman ko, parang may umiikot. Pagdating ko kina Mae, nakita ko siyang inaabangan ako.

"Oh ano? Nakita mo si kuya Jhames? "

Natawa ako bigla, gaga talaga tong Mae na to, kinakabahan nga ako eh. Tsk!

Bukod kasi kay Cris na self proclaimed kong bff na alam na may kaya kami at yung tungkol kay Jham, alam din ni Mae na ex ko siya. Minsan kasi kinausap ako ni Mae, classmate kami diba? Parang daw familiar ako sakanya, parang matagal na raw niya akong nakikita. Nung tinanong ko kung saan siya nakatira, nalaman kong magkalapit-bahay lang pala sila ni Jham sa isang subdivision. May kaya rin sila Mae, eh magpinsan pa pala sila ni Jham, yung bestfriend ni Jham na si Bryan ay eldest brother ni Mae. Small world talaga nga po ano? Matanda lang ako kay Mae ng three years pero ate ang tawag niya sakin. Nagmumukha tuloy na matanda ako. Hehe!

"Sira! Wag ka ngang ganyan, hindi ko alam pero nilalamig nga ako eh, hindi ko siya nakita. Hindi ako tumingin, kinakabahan ako."

Saka ko inihawak sakanya yung kamay kong malamig. Bago kinuha yung notes niya at yung idadraft na report namin. Habang siya tawa ng tawa. Lokong to! Tuwang-tuwa!

"Itext mo na siya ate, sabihin mo andito ka, dali." Nakatawa pa rin siya.

"Ayoko! Nahihiya ako, kinakabahan din ako, Haha! Besides hindi na lalabas yun, alam mo naman yun, taong bahay. "

"Sayang ate, minsan dumadaan yun dito, hindi mo natyempuhan. "

"Yaan mo na, hindi naman siya ang ipinunta ko dito," may lungkot kunwari na turan ko.

"Nagbakasakali lang ako na makikita ko siya. Hahaha" dagdag ko pa na bigla namang ikinatawa niya.

"Ate kasi in-denial pa, two way purpose naman talaga ang pagpunta mo dito, kala mo hah! Hahaha! "

Napatawa na din ako, huling-huli na in-denial queen pa. Tumawa na lang din ako, alam ko naman na malabo ko siyang makita. Hindi talaga lumalabas ng gabi yun ng walang dahilan. Nasa bahay lang. Saka baka hindi siya pwede. Kagagaling niya sa sakit.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 10, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Her Greatest LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon