At School

27 1 0
                                    

SHEE ANN'S POV

"Merete, Merete. In favor of Merete" sigaw ni Cris. Kahit kailan talaga ang ingay nito.

Tuwang-tuwa silang nanunuod ng naglalaro ng badminton para sa P.E. subject namin, habang ako, nakaupo lang dito sa damuhan at nakatulalang nagmamasid sa kanila.

I'm with my classmates, vacant namin kaya nag-eenjoy lang kami or maybe I can say sila. First year palang kami sa kursong Elementary Education, ewan ko ba bakit ito pa ang kinuha kong course hindi naman ako mahilig sa bata. Mahilig lang ako magsulat kaya nag-aral ako ulit. Ang layo lang ng dalawang kurso ko. From Customs and Logistics Services to Elementary Education, oh di ba? Ang konti tuloy ng nacredit kong subjects. Minsan talaga wala ako sa sarili ko. Naglalakbay. Haha!

Two year course yung nauna at 4year course naman to. Engot ko talaga. Next year shift naman ako journalism. Hehe joke. Nakakamiss kasi mag-aral, at para sakin na mahilig magsulat parang Education yung fit dahil sa mga lesson plans. Ayoko pa ng journalism, wala akong lakas ng loob. Education nalang muna.

Kahit hindi ninyo tanungin sasabihin ko na, sa hilig ko magsulat madami akong ballpen. Mahilig kasi ako magsulat talaga promise. Kahit saan. Sa notebook. sa papel. Kung ano ano lang. Saka mahilig din ako sa notebooks. Yung magagandang notebooks. Haha. Share lang powsz!

Kahit hindi ko ipaalam na matanda ako ng halos apat na taon sa mga batang to, napapansin nila daw dahil sa pananalita ko. Para daw ang dami ko ng alam. My God. Ganun na ba ako katanda sa edad na 20? Halos lahat kasi ng mga kaklase namin ni Cris naglalaro lang sa edad na 16 to 18. Samantalang kami ni Cris, 20 na. Pero sa panahon ngayon hindi na hadlang ang edad sa pag-aaral. Sa love nga hindi, sa pag-aaral pa. Aral lang ng aral marami naman kayong pera. Ako Scholar. Haha

"Hoy, tulaley ka na naman"

"Ay putakteng tumalon sa daga"

Napasigaw ako! Nakakagulat naman. Ano ba to si Cris, may pagkabading pa yata, anong tulaley? Hindi ko agad napansin nasa tabi ko na pala itong bruhang to. Maganda naman si Cris, sexy, maputi, hindi nga lang katangkaran. Manipis ang labi, matangos ang ilong at may hanggang balikat na buhok.

"Wag ka ngang nanggugulat, mag kakasakit ako sa puso dahil sayo eh. "

"Hello! Tulala ka na naman kaya, saka matagal ka nang may sakit sa puso no! Mula nung iniwan mo siya"

Mahina lang ang pagkakasabi niya nung huli kaya di ko masyadong nagets. Anu daw yung sinabi niya? Ito talagang babeng to! Sobra ang bibig pag magsalita. Kala mo kinakain bawat words. Di maintindihan e.

"Anong sinabi mo? "

"Wala! Sabi ko time na natin, baka naghihintay na si Sir Mike dun. Logic and Reasoning na natin"

Aww, shocks! Logic and Reasoning ampupu! Kalbaryo ko na naman. Dibale andiyan si Cris. Ibigay mo na sakin lahat ng subject huwag lang ang Math at Science. Dahil pagdating sa Math forte yan ni Cris. Nakikipagbangayan pa nga yan kay sir. Ultimo point something di niya papalagpasin. Di mo alam kung may pinaglalaban talaga o nagpapaimpress. Pero mabait naman siya. Sadyang ganyan lang talaga.

"Hoy! Cristina Asuncion, hintayin mo kaya ako."

Ayun na siya sa mga bata naming classmates. Hindi kasi katulad niya sobra siyang friendly, sa sobrang friendly pati sagot niya sinishare niya, kaya kami naman kapag oras ng Chapter Test sinasabihan pang paganahin daw yong mga side mirror namin kasi di niya raw tatakpan yong sagot nya. Kalog talaga to. Ako kasi hindi katulad niya. Boring ako kasama o siguro sadyang OP lang ako sa mga classmates namin. Sakanya lang ako malapit. Bakit nga ba? Eh kasi! Magkaedad kami, hindi ko lang pala alam may pagkaisip-bata itong si Cristina.

"Gaga, ang bagal mo kaya! Magagalit na iyon si Sir." sigaw niya pabalik.

Hay nako Cristina, kung hindi ko lang alam crush mo si sir.

As usual tabi naman kami lagi. College na kami at hindi uso samin ang sitting arrangements. Manigas sila noh!! Ano? High School lang.

Katatapos lang ng Logic at Reasoning and thanks to Cris. Vacant na naman. Ano ba yan! Puro vacant!

Tulala sa kawalan!

"Hoy Shee, napapadalas ang pagkatulala mo ah! ." Ang ingay talaga nitong Cris na to, nagmumuni muni ako eh. Tsk. Paano ko ba napagtiyagaang maging kaibigan to!

"Wala, may naiisip lang" balewalang sagot ko.

Umayos siya ng upo niya bago kinuha yung pressed powder niya. Nakatingin siya sa doon at sinisipat yung mukha niya sa salamin bago nagsalita.

"Huwag mo na isipin yon, hindi ka na nun mahal"

Oopss..

"Sira." Yun lang ang naisagot ko bago ako tuluyang napaisip. Alam na alam talaga niya kung ano, o mas madaling sabihing "kung sino" ang nasa isip ko.

Kumusta na kaya siya? Matagal na rin, almost 3 or 4years na. Tumaba kaya siya? Mas lalong gumwapo? Yummy pa rin kaya. Hays. Ano na kayang lagay niya?

----

AUTHOR'S NOTE:

Natutuwa talaga po akong magsulat. Hehe. Please huwag niyo ako ijudge. Nagtatry lang po ako. Hehe.

-- Sashee

Her Greatest LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon