Charotera 13

21K 565 56
                                    



PRINCESS' POV:

"O tapos?" excited na tanong ni Marlo nang mabanggit ko sa kanya yung pagkakakulong namin ni Maine kagabi sa booth.

At etong mahal kong kaibigan, imbes na itanong kung okay lang ba 'ko, mas inuna pang itanong kung anong nangyari samin ni Maine nung kami lang yung magkasama dito. Malamang wala, ano pa bang dapat mangyari? Muntik ko pa nga syang ipakain sa monster sa tyan ko dahil ginutom nya ko eh. Buti na lang talaga dumating si Kuya guard ng hindi ganon ka-late kase wala sa plano ko na matulog dito sa station no! And worse, kasama pa si beach. Wichikels ko bet, papano na lang kung bigla akong sapian ng kapwa ko at may magawa akong hindi maganda dun sa babaeng yon. Masyado pa mandin syang maganda at sexy, charot lang!

And nung nasa byahe naman kami, walang imikan kase nagffeeling pa rin ako dun sa you're worth the wait ek ek nya. Tapos sya, wala din namang sinasabi. Basta nakangiti lang na parang naka-katol habang nagddrive. Minsan-minsan nga, sumasabay pa sa kanta. Ang weird talaga nya. Tsk!

"Beks, walang labis, walang kulang yang kinwento ko sayo!"

"Sure na sure na yan beks?" tanong pa nya na parang may hinihintay na kung ano.

"Wala na, yun lang beks!" hindi ko na kinwento sa kanya yung pinagsasabi si Maine about sa love of her life. Naiinis lang ako. Ang landi-landi sakin pero may mahal na pala, kaloka diba?

"Seriously Fi? Walang hug or kiss?" parang hindi makapaniwalang sabi nya.

Ginamitan ko naman sya ng ray gun! Ayun, patay si beks. Charot lang. Haha!

"Eh kung yang feslak mo yung kinikiskis ko dyan sa pader beks? What the hell? Kiss ka dyan, eh ni hindi ko nga maimagine na nanghahalik ako ng kapwa babae no?" sabi ko sa kanya sabay irap.

"Talaga?"

"Yeah! Duh!"

"Promise? Di ka talaga naattract sa babae?"

"Di no! Sa lalaki lang pwedeng tumingin 'tong mga matang 'to no! Duh!"

"Weh?"

"Beks, wag mong pangarapin na makasama ko dyan sa federasyon nyo kase hanggang crush lang yung nararamdaman ko sa girl no!"

"Ay keri na yan beks, sa kras nagsisimula ang lahat, tandaan mo yan!"

"Eh basta, ayoko pa rin. Hindi ko talaga kering makipagkissing scene sa girlalu!"

Tumango-tango naman si Marlo sabay napangiti.

"Sige nga, tumingin ka nga don" sabi nya sabay nguso sa may pinto.

Bigla naman akong napatingin sa direksyon ng nguso nya. As usual, napatulala na naman ako nang makita ko si beach na papasok sa office at nakangiting nakatingin sakin. Gosh, bakit ba kasi ganito yung nararamdaman ko sa babaeng 'to. C'mon Princess, inaakit ka lang nyan. And please lang, wag kang magpaakit dahil isasama ka lang nya sa mga lalaking pinaiyak nya.

Agad ding nanlaki yung mata ko nang mapansin kong ang lapit-lapit na ng mukha nya sakin. And oh my gee, she kissed me. She actually kissed me. What the fk?! Hindi ba nya alam na andaming nakatingin samin? Gusto nya ba talaga ng issue? And bakit parang okay lang sakin yung nangyayari? Nararamdaman ko rin yung sarili ko na tumutugon sa halik nya. Oh c'mon Princess, pigilan mo, itulak mo!

Nagulat na lang ako nang biglang may tumapik sa likod ko. Nakita ko rin na kumakaway sa harap ko si Maine.

"Princess, may problema ka ba?" takang tanong nya.

Takang tumingin ako sa kanya. Huh? Bakit parang wala lang sa kanya yung nangyari? Hinalikan nya ko sa harap ng maraming tao no, duh!

"P-problema?"

My Love GuruTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon