Charotera 15

21.8K 516 22
                                    

A/N: Chanan! Hay, dapat kahapon pa 'to, saka isang chapter ng DFY kaso late na ko nakauwi eh. Kaya pasensya na kung na-late. Pa-balentayms ko sana sa inyo to eh, kaso fail. hahahaha! O sya, basahin nyo na lang. Kayo na bahalang humusga kung wala na namang kwenta, hahaha!

Dedicated pala 'to sa makulit kong tutor. Na kahapon pa ko kinukulit sa update na 'to. hahaha! O eto na Kokey ha! May mababasa ka na! P.S. Tigilan mo na yung pagkakatol mo okay? hahaha! Nga pala, may ultimatum ako, dapat after one month, marunong na marunong na ko. hahaha! Galingan mo pagtuturo ha!

Di ko pala sya na-edit so kung may mali dyan, kebs! Charot!

PS ulit, yung nasa media box, wala lang, gusto ko lang kanta, hahaha!

==============================================================

PRINCESS' POV:

"Ano na namang pakulo yan ha Joel?" medyo napataas yung boses ko habang nagtatanong.

Papano ba naman kase, ang aga-aga nya kaming pinapasok dito kase magmemeeting daw at may importanteng pag-uusapan tapos malalaman ko na eto lang yung plano nya? No! As in hindi ako papayag dyan. At sure akong pati 'tong mga kasama ko, hindi rin papapayag.

"Pinaliwanag ko na kanina Princess" nakangiting sabi pa nya.

Wow makasmile naman sya. Anong akala nya, maaapektuhan pa ko dyan sa may paganyan-ganyan nya at mapapa-oo ako ng wala sa oras? Nah, never gonna happen again. I swear. Wala nang epekto sakin yang killer smile ng Joel na 'to.

"No! Hindi kami papayag dyan sa plano mong yan. Ang alam ko kase Joel, radio station 'to, hindi naman siguro 'to club at ikaw yung mamasang para ibugaw kami diba?" inis pa rin na sabi ko.

Ayoko. Ayokong makipagdate sa kahit kanino. Ang bwisit na Joel na 'to, meron daw syang pa-contest sa mga callers, tapos pag nanalo daw, mamimili kung sino yung gustong i-date saming mga DJs. Tama ba naman yon? Porke sya yung boss, dapat sya na yung masusunod? Kahit ndi naman maganda yung idea nya? Nasaan ang hustisya?

"Sure ka? Eh mukhang ikaw lang naman yata yung hindi payag sa plano ko eh" medyo mapang-asar yung ngiti nya ngayon. At kung hindi ko lang sya boss, nasapak ko na talaga 'to. Ang yabang ng datingan eh.

Napatingin naman ako sa mga kasama ko. Nakatingin lang sila saming dalawa ni Joel habang nagtatalo sa unahan.

"Beks?" tanong ko kay Marlo.

"Uh, Fi kase wala namang masama sa plano ni Joel. Saka wala namang malisya yung date diba?"

"Papano yung boyfriend mo pag nalaman nya yan?"

"Okay lang sa kanya 'to. Alam naman nyang trabaho lang."

Napailing na lang ako. If I know, gusto lang talagang makipagdate ng Marlo na 'to sa isang lalaki kase sawa na sya na laging yung boyfriend nya yung kasama. Psh! Makasabi sya na dahil sa trabaho ah, utot nya! Kung hindi ko pa sya kilala. Kelan pa ba nya binigyan ng importansya yung trabaho. Nakakaloka, ako pa yung lolokohin nya. Psh!

"Andy?"

"Cess, single din naman ako diba? So kesa mag-emote ako sa bahay, eh di, papayag na lang ako sa gusto ni Joel"

What? Eh akala ko ba si beach yung gusto nya? Diba dapat loyal sya don? Ano ba naman 'tong mga taong to. At syempre, halos lahat ng mga kasama namin dito na tinanong ko, sang-ayon din sa gusto ni Joel.

"See Princess? Ikaw lang naman yung may ayaw o. Saka aarte ka pa ba, eh wala ka din namang date bukas diba?"

Kung nakakamatay lang sana yung tingin, kanina pa bumagsak yang si Joel. At hindi pa sya nakuntento na ibebenta nya kami bukas ha, ipinahiya pa talaga nya ko sa harap ng mga kasama namin. Humanda talaga sya sakin mamaya.

My Love GuruTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon