Charotera 36

9.1K 382 36
                                    

PRINCESS' POV:

"What the f*ck! Seryoso ka dyan Phoebe?! As in baba---" inis na tinakpan ko yung bibig ni Patricia dahil baka marinig kami ng mga tao sa labas. Bwisit na 'to, gusto pa ata akong ibuking sa mga magulang ko.

Ikinwento ko na kasi sa kanya lahat-lahat ng tungkol sa amin ni Maine. Kaya ayan, ang bruha, hindi makapaniwala. Hindi lang talaga sya makapagkomento habang nagkkwento ako kanina kasi sabi ko, oras na magcomment sya, hindi ko na itutuloy yung kwento. Kaya yan, ngayon nagreact. At ang oa pa ng reaction. Tsk.

"Sige ilakas mo pa! Megaphone gusto mo?" inis pero pabulong na sabi ko sa kanya.

Nagpeace sign naman sya sa akin.

"Sorry na. Sorry na talaga. Hindi lang kasi ako makapaniwala, insan. Seryoso? Babae? As in babae yung mahal mo?" mahinang tanong na nya. Yan, ganyan dapat.

Nakangiting tumango ako.

"Bakit? Anong nangyari? Kelan ka pa naging tomboy?" tanong kaya bigla akong natawa.

"Sira! Hindi ako tomboy. Hindi naman ako naaattract sa ibang babae eh. Kay Maine lang talaga. And hello, nagkakacrush pa rin ako sa mga otoko no. Tulad ni Potpot. Aba, ang gwapo nya ngayon ha. Kung wala lang siguro si Maine sa buhay ko, aba malamang, ako pa yung atat na magpaligaw dyan." natatawang sabi ko pa sa kanya.

"Oh gosh! Papa'no yan? Eh gusto daw makilala ni Tiyo Julian yung manliligaw mo diba?" bigla naman akong napamasahe sa sentido ko nung pinaalala ni Patricia yung kanina ko pa pinoproblema.

"Hindi ko nga alam eh." problemadong sabi ko.

"Tapos hindi pa kayo in good terms ngayon diba? Galit ka pa sa kanya. Papa'no talaga sya makakapunta dito?" ayan, sabi naman sa inyo, kakampi ko 'tong pinsan ko eh. Tingnan nyo o, parang mas problemado pa sya sa akin.

"Yeah. Niloko nya 'ko eh!" ayan, bumangon na naman yung pagkabadtrip ko kay Jarmaine.

"Alam mo, ang sarado lang kasi ng isip mo kaya hindi mo magawang makinig sa paliwanag nya. Dun sa buong kwento mo, sure na sure ako na mahal ka nung Maine na 'yon. Siguro nga nagkamali sya nung itinago nya sa'yo yung totoo na sya si JAM pero hindi ibig sabihin non na gusto ka nyang lokohin at saktan talaga." sabi pa ni Patricia kaya inis na tumingin ako sa kanya.

"Seriously insan? Pati ikaw, sya yung kakampihan. Duh, ako yung nasaktan dito!" inis na sabi ko sa kanya. Hello naman kasi, bakit kasi lahat sila, sinasabi sa akin na hindi naman talaga ginusto ni Maine na lokohin ako. Eh rinig na rinig ko nga na wala syang planong sabihin sa akin yung totoo diba? Duh.

"So tingin mo, hindi sya nasasaktan sa nangyayaring 'to sa inyo? Tingin mo okay lang sa kanya na nasaktan nya yung taong sobrang mahal nya, ganun ba yon?" tanong pa nya sa akin kaya natigilan ako.

"Uh--"

"Minsan kasi insan, hindi dapat yung puro nararamdaman mo na lang yung iniisip mo. Try mo rin isipin yung nararamdaman ng ibang tao. Hindi ko sinasabi na tama sya sa ginawa nya pero sana, binigyan mo sya ng pagkakataon para ipaliwanag sa'yo yung side nya. Hindi yung nagwalkout ka agad sa kanya at eto nga ngayon, lumayo ka pa." naiiling na sabi pa nya.

"Nagalit nga kasi ako dun sa narinig ko." pangangatwiran ko naman.

"So dahil galit ka, hindi mo sya pinakinggan. Aba, nasaan na yung advice mo dun sa isang caller mo na bago magalit, makinig muna sa paliwanag?" tanong pa nya sa akin kaya napatingin ako sa kanya. Nakikinig sya sa program ko?

"Oo. Alam kong itatanong mo kung nakikinig ako sa The Love Guru. And yeah, gabi-gabi, nakikinig ako sa inyo ni Marlo. And sobrang hinahangaan kita sa lahat ng advices mo sa mga callers mo. Pero sa ginagawa mo ngayon, parang nagbabago na yung isip ko. Hello, nag-aadvice ka pero ikaw mismo hindi marunong sumunod? Ano pang sense na pakinggan ka namin dyan sa program mo diba?" derechong sabi pa nya.

My Love GuruTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon