Charotera 29

13.1K 458 54
                                    

A/N: O sabi ko naman sa inyo diba? Ittry ko syang dugtungan dahil nakakahiya naman sa inyo diba? Haha. Hindi ko na sya papaabutin ulit ng 6 months, pangako yan. Hahaha.

Idinededicate ko pala 'to sa isang tao na super idol ako. Hahaha. O ayan michie mich, inunahan na kita kase ayokong napapagod ka. Haha. Alam kong hindi mo aaminin pero ramdam ko naman, hahaha. Salamat sa lahat. Sa mga payo, pambabara, at pagsakay sa mga kalokohan ko. The best ka, mwah! Dahil dyan, meron kang jacket! Hahaha. O sya, sana maenjoy mo din 'tong chapter na 'to. Pinipilit ko na talagang tapusin dahil nakakahiya naman sa'yo kung paghihintayin kita diba? Haha.

Di ko sya ulit inedit, bahala na kayong umunawa. Haha. Enjoy!

Btw, yes, nag-update ako dahil gagawa na din ako ng Alyden na story. Super crush ko si Denden eh. Hihi.

==============================================================================

                  

PRINCESS' POV:

"Eh bakit hindi nya po kayang ipaglaban kung ano yung meron kami? Bakit kailangan po nyang ipangalandakan sakin at sa lahat na in a relationship sya dun sa lalaking hindi nya mahal? Dahil ba babae din ako tulad nya kaya hindi nya kayang ipagmalaki?" ramdam na ramdam ko yung sakit na nararamdaman ngayon ng last caller namin ni Marlo.

Yeah, you heard her. Tungkol na naman sa same sex relationship yung topic naming ngayon. Kanina pa nagrarant samin 'tong babaeng 'to. Papa'no daw kase, meron syang ka-MU na girl din kaso lagi na lang daw syang sinasaktan. Unang-una, tinatago kung ano yung meron sila. Pangalawa, sinagot daw yung manliligaw na lalaki na alam naman daw nya na hindi mahal nung girl. At pangatlo, feeling daw nya, sya yung mas nagmamahal.

"Jeng, kinausap mo na ba sya tungkol sa nangyari? Kung bakit nya ginawa yon?"

"Hindi pa po. Ayoko po kasing kausapin sya habang ganito yung nararamdaman ko dahil baka may mga magawa lang po ako at masabi na pagsisisihan ko din po sa bandang huli. Gusto ko munang pakalmahin yung sarili ko bago ko sya kausapin."

"I've a question. Ramdam mo ba yung pagmamahal nya sa'yo?"

"Opo. Lagi naman po nyang sinasabi at pinaparamdam tuwing magkasama po kaming dalawa. Kapag free time po nya, sakin po agad sya pumupunta, kahit nga po napapagalitan na sya sa kanila, pinupuntahan pa rin po nya ako. Minsan nga po, pinagluluto pa nya ako kapag alam nya pong sobrang pagod na ako sa school and sa work eh. Nung isang beses pa nga po, dinalhan pa nya ako ng pagkain dun sa work place ko kase alam nyang dumerecho ako don from school. Hindi nya ako tinigilan hangga't hindi ko kinakain yung dala nya eh. Papa'no ba naman daw namumutla na ako ng time na yon." Biglang nagbago yung timbre ng boses nya habang nagkukwento samin. Biglang nawala yung galit at napalitan ng pagmamahal yung bawat pagbigkas nya sa bawat salita habang inaalala lahat ng mga ginawa sa kanya nung ka-M.U. nya.

"Yun naman pala eh. Bakit ka nagddoubt ngayon? Base sa kwento mo, halata namang mahal na mahal ka ni--- what's her name again?"

"Itago na lang po natin sya sa name na Jonah."

"As I was saying, base sa kwento mo, halata naman na mahal na mahal ka ni Jonah. Bakit hindi mo sya pakinggan kung bakit nya sinagot yung manliligaw nya? Bakit kailangang pangunahan ka agad ng galit imbes na makinig ka sa sasabihin nya?"

"Dahil nasaktan po ako."

"At sya, tingin mo hindi nasasaktan ngayon? Na yung kaisa-isang taong alam nyang maniniwala sa kanya at makikinig sa kanya, yun pa mismo yung unang tumalikod at nang-iwan sa kanya. Oo sabihin na natin na mali yung ginawa nya. Pero she has her reasons kung bakit nya ginawa yon. Pinakinggan mo ba? Hindi diba? Ang ginawa mo, umiwas ka at hindi sya hinayaan na magpaliwanag."

My Love GuruTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon