They're Arrival

347 5 6
                                    

Lester's POV

I'm here at the airport kasama ang mga loko. May susunduin kasi kami. A friend of ours.

"Ang bagal naman nilang dumating!"

Sabi ni Kats. Eh paano ba naman kasi, halos one hour na kami dito naghihintay.

"Konting tiis na lang Kats. At hindi naman nila kasalanan yun eh. Kasalanan nung piloto." Sabi naman ni Seth

"Baka naman nagkaroon na ngayon ng traffic sa himpapawid" sabi naman ni JC.

"G*go! Meron ba nun" sabi ko

Loko loko talaga to si JC.

"Hindi talaga kayo nagbabago" rinig ko mula sa likod ko

Lumingon kaming apat at nakita namin sina Albie at Diego.

"Buti naman at dumating na kayo" sabi ko

" Ay hindi, imagination niyo lang to. Sa sobrang pagod niyong paghintay, naghahallucinate lang kayo." Sabi naman ni Albie

"K. Sige. Iiwan na namin kayo. Naghahalucinate pa la ha. Bahala kayo diyan kung ano ang sasakyan nyo pag-uwi"

Tumayo na kaming apat. Aalis na sana kami ng bigla silang humarang sa harapan.

"Joke lang naman, eto naman di mabiro. Tara na" sabi ni Albie

Naunang umalis sina Albie at Diego. Psh. Pustahan tayo, hindi nila yan alam kung saan nakapark ang mga sasakyan namin.

Pumunta na kami nang parking lot ng airport. Pero, biglang huminto ang dalawa.

"Bakit kayo huminto?" Lester

" hindi pala namin alam kung nasaan yung mga sasakyan nyo hehe" Albie

See? Told yah. Oh, saan na yung bayad nyo?

"Meron kaming kanyang-kanya na dinala na sasakyan. Kay Lester na lang kayo sumabay. " Seth

"Ba't ako?" Sabi ko.

Kilala ko yan si Seth eh, hindi lang yan sanay na may kasama sa kanyang sasakyan. Kaya, tinuturo nya yung iba.

"Bakit, ayaw mo ba kami makasama Les? Parang wala naman tayong pinagsamahan?" Nakita kong parang naluha-luha pa si Albie.

Fraternity vs. Sorority(KathNielFanFic.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon