Her Life

343 8 1
                                    

Kathryn's POV

" Tara Chandy! Laro tayo, dun oh" sabi nung 5 years old na batang lalaki sa isa pang batang babae.

Hindi ko makita yung mukha ng mga bata. Pero pakiramdam ko, kilala ko sila.

"Sandali lang naman, Quen-quen- Aaaah!! Huhuhuhu" nadapa yung batang babae dahil hinabol niya ang lalaki.

"Hahahaha! Ang lampa lampa mo naman!! Hahaha!" Tumawa yung batang lalaki kaya mas lalo pang umiyak yung babae

"Waaaaah!!! Huhuhuhuhuhu!"

"O- oy!! Wag ka na ngang umiyak!" Lumapit yung batang lalaki at pinunasan ang mga luha ng batang babae..

.....
.....

*Ring~ring~ Ring~*

Malagshit na pinakbet naman oh! Panaginip lang pala yun!

Saturday ngayon, at walang pasok. Pero may trabaho ako mamayang gabi.

Nag-ayos muna ako bago bumaba. Pagbaba ko, nakita kong nandun si Tita Kyryl. Kapatid ni mommy.Close kami nyan kaya, mabait ako sa kanya. Para ko na siyang totoong Ina.

"Oh, Kath. Kumain ka na ba? Pinaghandaan kita ng almusal."

"Salamat po Tita. Pero bakit kayo napadaan dito? May pinadala po ba sina mommy" ako sabay upo.

"Oo, eto oh." May inabot siya sa akin na maliit na envelope.

"Meron diyang allowance mo for this week. At may sulat din diyan galing sa parents mo"

"Oh, talaga? Buti naman na isipan nila na may anak pa sila dito"

Totoo naman eh. Hindi na nga sila umuuwi dito.

"Kath, you have to understand them. Kahit anong gawin mo, they're still your parents."

"Parents, meron ba ako nun?"

"Kath-"

Fraternity vs. Sorority(KathNielFanFic.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon