Prolouge

3 2 0
                                    

Ang sarap sa pakiramdam pagmasdan at pakinggan ang ngiti at mga halakhak ngayon ng aking anak na si Zach kasama ang kaniyang ama habang sila'y naglalaro ng video games sa harapan ko, habang ako'y nakaupo lamang sa sopa at pinagmamasdan silang nagsasaya sa paglalaro. Limang taong gulang pa lamang ngayon si Zach at lubos na napaka-inosente at walang alam sa takbo ng mundo at buhay na mayroon kami, at ngayo'y nagagalak siyang nakasama niya ngayong araw ang kaniyang ama dito sa tinutuluyan naming apartment.

Madalang lang kasi kung bumisita ang kaniyang ama kung kaya'y labis na lamang ang sabik at galak ng bata sa yakap ng kaniyang ama. Habang pinagmamasdan ko sila ay di' ko maiwasan ang maluha sa saya sa nakikita ko sa bata ngunit ganoon na lang din ang lungkot na aking nararamdaman sa t'wing napagmamasdan ko si Symone.

Nang matapos na silang maglarong dalawa ay naisipan kong paakyatin na at patulugin  na si Zach sa kwarto nito dahil gabi na at aalis na rin ang kaniyang ama dahil bago kasi aalis ito kailangan tulog na si Zach.

"Aalis na ako tutal tulog naman na ang bata," sambit ni Symone saka kinuha ang kaniyang mga gamit na nakalatag sa sopa namin.

"Ihahatid na kita sa labas," lahad ko sa kaniya ng walang emosyong pagkakasabi saka sumunod sa kaniya papuntang labasan.

Nang tuluyan na siyang makalabas sa pintuan at aalis na sana ay di' ko napigilang pahintuin siya at pigilan.

"Sandali," pigil ko sa kanya.

"Ano?" Tanong nito habang nakatingin sa kanyang cellphone.

"Nag text na ba siya? Pauuwiin ka na ba niya?" Sunod-sunod kong tanong sa kanya.

"Oo, pauuwiin na niya ako akala niya kasi nag over time lamang ako sa trabaho namin ngayon, and also we have our monthsary ngayon kaya kailangan ko siyang puntahan sa kanila." Seryoso niyang pagkakasabi sa akin.

"Hindi mo pa rin ba ako papakasalan? Mayroon na tayong anak-"

Agad niyang pinutol ang sasabihin ko saka siya nagsalita agad.

"Ilang beses ko ng sinabi sa iyo Nathalia na hinding-hindi ako magpapakasal sa iyo, dahil wala akong nararamdamang kahit katiting na pagmamahal sa para sayo at ang tanging obligasyon ko lamangg dito ay ang anak ko dahil gusto kong mapabuti ang kaniyang kalagayan. Hindi kita mahal, at mas lalong hindi kita mamahalin. Sapat na siguro ang rason na iyan para malaman mo yung totoong namamagitan sa atin naiintindihan mo?" Naiirita niyang sambit sa akin.

At bigla naman akong napatahimik at napayuko sa kinalalagyan ko saka siya umalis na ng tuluyan. Nang makaalis siya ay ganoon na lamang ang pagbulusok ng mga luhang kumawala sa aking mga mata na ang tanging dahilan ay ang mga katagang binitawan niya sa harapan ko at sinampal sa aking pagkatao ang katotohanang di' maaaring mangyari ang kagustuhan ko.

Tama nga siya—tama ngang ganito na lamang kami dahil di' maaaring magsama ang dalawang di' kailan man maging isa sa pananaw ng tadhana.

Perks of Fallen ApartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon