Chapter 3

1 0 0
                                    

NAPATINGALA lang si Nathalia sa labas ng isang hospital. Medyo kinakabahan ito sa magiging resulta ngayon. Nakaraang araw pa lang siya nag pa appointment sa Doctor kaya tinawagan siya kagabi dahil ngayon ang schedule ng kanyang checkup. Kaagad naman siyang pumasok sa hospital, pumasok na rin siya sa elevator at pinindot ang third floor. Nang makarating na siya sa third floor, tumungo naman siya sa room 204 kung saan nandoon ang kanyang doctor.

"Excuse me, ngayon ang appointment ko sa checkup," sabi ni Nathalia sa isang nurse.

"Ano pong apilyedo ninyo ma'am?" Tanong nito sa kanya habang nakangiti.

"Jimenez.."

"Pasok po kayo ma'am," tugon nito saka sinamahan niya si Nathalia sa loob.

Nang nakapasok na sila, nakita niya naman si Dr. Velez, ang kanyang pinsan.

"Oh, Nath, andiyan ka na pala. Kumusta ang araw mo?" Nasasabik na tanong nito sa kanya.

"Ayos lang naman ako at mukhang sumama yata ang pakiramdam ko." Walang gana niyang sambit.

"Inaantok ka ba? Or biglaang napagod?" Seryosong tanong nito sa kanya.

"Oo, inaantok ako ngayon." Natatawa nitong pagkakasabi sa kanyang pinsan na doktor.

"Gamitin mo ito ngayon, Nath, punta ka sa CR." Seryosong pagkakasabi ng doktor habang binigay sa kanya ang pregnancy test saka tumango naman ito at tumungo na rin sa CR.

Nang matapos na niyang nilagyan ng kaunting ihi ang pregnancy test. Nag hintay siya ng ilang minuto upang lumabas ang resulta ng test. Bigla siyang kinabahan ngayon. Paano nalang kapag buntis nga siya? Nakalipas ang ilang minuto ay lumabas na rin ang resulta.

Dalawang linya ang lumabas sa test na ito. Napahilamos nalang siya sa kanyang mukha. Tama nga ang hinala niya, buntis nga siya. Hindi siya makapaniwala kung bakit ngayon lang lumabas ang ganito ni wala na sila ni Symone ngayon.

Lumabas si Nathalia nang wala sa kanyang sarili. Bitbit ang pregnacy test, tahimik naman niyang ipinakita ang iyon sa kanyang pinsan at napangiti naman siya.

"Congrats! Buntis ka." Galak na sambit ng kanyang pinsan. Ngumiti lang nang pilit si Nathalia at doon biglang nagtataka ang doktor. "Hindi ka ba masaya?"

"Gusto ko itong tanggalin sa sinapupunan ko." Seryosong pagkakasabi ni Nathlia at doon ay biglang nagalit ang doctor.

"Anong pinagsasabi mo? Gusto mo iyan ipa-abort? Nahihibang ka na ba, Nathalia? Anak mo iyan! Bakit mo naman gagawin iyan sa sarili mong anak?" Galit na sabi nito sa kanyang pinsan at doon ay napaiyak naman si Nathalia.

Litonglito na siya ngayon kung ano ang gagawin nito. Hindi niya lubos akalain na buntis siya, mas lalo siyang naguguluhan kung paano niya ito haharapin ni walang tatay ang anak nito.

"Kristal, wala na kami ni Symone.."

"Ano? Kailan lang?" Gulat niyang tanong.

"Noong nakaraang linggo lang. Paano na ito? Buntis pa ako at wala na kaming dalawa." Umiiyak na pagkakasabi ni Nathalia. Agad namang tumayo ang doktor at nilapitan siya nito upang pakalmahin ang sarili.

"Huwag kang umiyak, Nath, kawawa ang bata." Malungkot na sambit nito. "Kailangan mong ipaalam kay Symone na ikaw'y buntis."

"Wala na kami.."

"Kahit wala na kayo, anak niyo iyan. Nagmamahaln kayo habang ginawa niyo ang batang iyan. Sana naman huwag mong gawin ang binabalak mo, maawa ka sa kanya, Nath. Inosente pa iyan at ramdam ko na masaya ang batang iyan dahil nabuo siya saiyo." Seryosong sabi nito sabay nag buntonghininga.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko. Marami na akong iniisip at masyado na akong stress sa kalagayan kong ito." Humahagulhol ito sa kakaiyak habang hinahawakan niya ang kanyang tiyan.

"Shh. Huwag ka ng umiyak, iwasan mo na ang pagiging stress dahil apektado ang bata ngayon sa sitwasyon mo. Mararamdam niya kung ano ang mararamdaman niya saiyo." Malungkot na sabi niya sa kanyang pinsan. "Ang gagawin mo lang ay ipabalita mo kay Symone na ikaw ay buntis. Huwag mong ipalaglag ang bata."

KANINA pa nakatunganga si Nathalia habang nakasakay sa taxi. Papunta siya ngayon sa bahay ni Symone. Iniisip niya ng mabuti ang mga sinasabi ng kanyang pinsan. Sumakit pa ang ulo nito dahil sa kakaisip tungkol doon.

Nang makarating na siya sa bahay ni Symone, agad naman niyang pinara ang taxi saka bumaba na rin ito. Kaagad naman siyang lumapit sa gate at binuksan ito. Naabutan naman niya si Symone na nagmamadaling umalis.

"Anong ginagawa mo rito?" Walang ka emosyon niyang pagkakasabi kay Nathalia.

"Kailangan nating mag-usap," sabi niya.

"Ano naman ang pag-usapan natin? Wala na tayo." Walang gana niyang sabi, aalis na sana ito nang agad namang hinawakan ni Nathalia ang braso ni Symone upang pigilan ito.

"Symone, buntis ako.."

Bigla namang napatigil si Symone dahilan sa sinabi ni Nathalia. Hindi siya kumibo habang si Nathalia naman ay napaiyak na rin. "Buntis ako Symone, dalawang buwan akong buntis."

Hinarap naman ni Symone si Nathalia at pumiglas sa pagkakahawak nito. "Anong buntis? Hindi ka buntis at isa pa pinalabas mo lang na ikaw'y buntis para balikan kita. Pwede ba? Maawa ka naman sa sarili mo, Nathalia, huwag mo nang pilitin ang sarili mo! Tanngapin mo nalang kasi na wala na tayo!"

"Maniwala ka, buntis nga ako! Mali iyang mga sinasabi mo. Please lang makinig ka naman oh?" Umiiyak na sambit ni Nathalia.

"Akin ba iyan? Baka sa ibang lalake iyan, Nathalia.."

Nagulat naman si Nathalia sa kanyang sinabi. Sa loob ng tatlong taon nilang pagsasama habang ginawa nila iyan, hindi siya makapaniwala na ganyan ang kanyang sinabi. Mas lalo siyang nasaktan at napaiyak dahil doon.

"Wow, Symone, ikaw lang ang gumalaw sa akin. Imposible namang meron akong iba?! Bakit ka ganyan? Pati ba anak mo iiwasan mo na rin?!" Halos mapaos na si Nathalia dahil sa kakaiyak niya. Sobra na siyang nasaktan, halos nanginginig na siya dahil sa sakit na kanyang dinama. Para bang tinusok ng daang-daang karayom ang kanyang puso ngayon. Hindi niya ma-explain ang narardaman niya, gusto na niyang magpahinga.

"Hindi ako naniniwala na akin iyan, huwag ka ng pupunta rito sa susunod. Sinabihan ko na sina Mommy na wala na tayo at sinabi ko na rin sa kanila ang mga pinaggagawa mo. Umuwi ka na sainyo." Walang gana niyang sambit saka umalis na ito sa kanyang kinatatayuan.

"Please, Symone, huwag mo naman akong iwan oh? Totoo ang sinabi ko, tanggap kong saktan mo ako huwag naman sa magiging anak natin."

"Tama na!" Singhal nito sabay tulak niya kay Nathalia, napa upo naman si Nathalia dahilan sa pagkatulak ni Symone sa kanya. Napaiyak ng todo si Nathalia, mabuti nalang ay walang dugo ang umaagos at hindi ito nakunan. Natulala si Symone dahil sa kanyang ginawa, kita sa kanyang dalawang mga mata na siya ay naawa.

Tulungan niya sana ito ngunit nangunguna pa rin ang kanyang pride. Kaya agad naman niyang iniiwasan si Nathalia at umalis.

Halos napahagulhol sa kakaiyak si Nathalia dahil siya ay iniwan ni Symone. Panay hingal pa niya rito dahil sa sakit ng kanyang dibdib. Gusto ko mag pakamatay.

Sobrang nasaktan na ako, hindi ko na kaya.

Perks of Fallen ApartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon