LIMANG buwan ang nakalipas ay lumubo na ang tiyan ni Nathalia. Siyam na buwan na itong buntis at ngayong buwan ng September ang kanyang kabuwanan.
Kasalukuyang nag-grocery si Nathalia sa malapit na grocery store sa kanyang inuupahang apartment. Pagkatapos kasinng insedenteng iyon, naisip niya na magpakalayo muna siya sa lugar na iyon. Limang buwan na ang nagdaan naaalala pa rin niya ang sakit ng mga salitang binibitawan ni Symone sa kanya.
Kahit ilang beses siyang nag mamakaawa na hindi siya iwan nito, ngunit sa huli siya ay nabigo. Ilang beses na rin siyang umiyak sa harapan ni Symone pero hindi pa rin siya nagpapatinag.
"Pwede ba, Nathalia? Tigil-tigilan mo na ang kahibangan mo! Hindi nga kita mahal at mas lalong hindi kita tatanggapin dahil ss pinag-gagawa mong pahihiya sa akin." Galit na pagkakasabi nito kay Nathalia.
Napaupo naman siya dahil sa kaiiyak nito sabay nag mamakaawa at hinawakan ang mga tuhod nito upang hindi siya iwan.
"Please, Symone, pakinggan mo naman ako oh? Ginawa ko lang naman iyon kasi naguguluhan na ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung paano kita kumbinsihin." Naluluhang sabi nito sa kanyang harapan. Hindi pa rin ito nagpapatinig, nangunguna pa rin ang kanyang galit kay Nathalia sa dahilanan sa pagpapahiya 'kuno' sa kanya.
Kung tutuusin ay sobrang stress na siya dahil hindi na niya alam ang gagawin. Kahit nakikita ni Symone na lumubo na ang tiyan nito, wala pa rin siyang pake. Galit pa rin ito sa kanyang pinag-gagawa.
"Alam mo? Tutulungan na sana kita eh, makipag-balikan sana ako sa iyo. Pero sinira mo, sinira mo ang pagtitiwala ko sa iyo. Sinira mo ang pagmamahal ko sa iyo. Dahil lang sa pahihiya mo sa akin."
"Symone, I'm so sorry..."
"Huwag na, sapat na ang mga ginawa mo sa akin upang kalimutan ka. Huwag kang mag-aalala, suportahan kita sa mga kailangan mo para sa anak ko. Tatandaan mo lang na hindi talaga tayo magbabalikan pa." Mahabang eksplinasyon nito saka umalis na sa kinatatayuan.
Napangiti naman si Nathalia habang kinuha niya ang isang biscuits at iniligay sa cart. Hindi niya akalain na magiging maayos na ang kanyang pakiramdam. Ni wala ng Symone na magsasabi ng mga masasakit na salita galing sa kanya. Hindi siya sasaktan, at pabayaan.
"Iyan lang ba ang bibilhin natin? Baka may kulang pa?" Nag alalang tanong ni Damon sa kanya, ang kanyang nobyo.
Tatlong buwan na silang magkasintahan. Nakilala ito ni Nathalia dahil siya ang lalakeng tumulong at nag comfort sa kanyang mga problema. At hindi akalain ni Nathalia na siya'y mahuhulog din sa lalakeng ito dahilan sa sobrang bait at maalagang lalake sa kanya.
Tanggap ni Damon na siya ay nagdadalang tao. Wala siyang pake sa mga sinasabi ng mga tao. Kahit hindi siya ang ama ng batang dala-dala nito, buong puso niyang tanggapin ito at magpaka-tatay sa magiging anak nila.
Kahit ilang beses na silang itinaboy ng kanyang ama ay andiyan naman si Damon handang maging tatay sa anak nila.
Napangiti naman si Nathalia dahil sa sobrang maalalahanin nito sa kanya. "Oo, ayos na iyan ang lahat. Huwag kang mag-aalala, hindi pa ako manganganak ano ka ba."
"Oh siya, maghintay ka roon saka ako na ang magbabayad ng mga binibili natin. Stay put ka lang okay? Ayokong mapagod ang magiging asawa ko." Nakangiting sambit nito kay Nathalia saka hinalikan ang noo nito.
Umalis naman si Nathalia saka nag-antay kay Damon doon. Hindi siya makapaniwala na si Damon ang tatayong ama ng kanyang anak. Kahit na maraming pagkukulang si Symone sa mag-ina, andyan naman si Damon para tatayong maging ama ng kanyang anak.
Hindi rin siya makapaniwala'ng may lalake palang tatanggap sa kanya kahit buntis ito. Laking pasalamat niya kay Damon, dahil sa kanya ay nagiging masaya ang buhay niya kasama ang kanilang anak. Kung wala si Damon, baka ikamamatay din ng mag-ina dahilan sa sobrang stress at pagod sa kakaiyak.
Pinagmasdan niya lang si Damon. Masayang-masaya na ang dalawa sa kanilang pagsasaahan. Sana naman ay wala nang makisawsaw sa kanilang pagsasamahan.
NANG makarating na sila sa kanilang inuupahang apartment, pansin ni Nathalia tila'y sumasakit na ang kanyang tiyan. Hindi siya mapakale at kaagad naman siyang uminom ng tubig.
"Ayos ka lang ba?" Nagtatakang tanong ni Damon habang inayos ang kanilang mga bilihin.
"Sumakit na tiyan ko, manganganak na yata ako."Tugon nito saka hinawakan ang kanyang lumubo niyang tiyan.
"Ano? Teka lang kunin ko lang lahat ng gamit mo." Tarantanta niyang pagkakasabi, sabay tungo nito sa kanilang kwarto upang kunin ang mga gamit nila.
Pagkatapos ay agad naman niyang kinarga si Nathalia kahit mabigat ito. Tiniis ni Damon na kargahin siya dahil sumasakit na ang tiyan ni Nathalia. Kaagad naman siyang nagpara ng taxi saka sumakay sila doon.
"Manong, sa pinaka malapit po tayo ng hospital." Kinakabahan nitong tugon sa driver saka pinaharurot na ito ang taxi.
Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na sila sa hospital. Kaagad naman silang nilapitan ng mga nurse at pinapaupo naman si Nathalia sa isang wheel chair. Mariing hinahawakan nito ang kamay ni Damon upang pakalmahin ang sarili nito. Ngunit hindi pa rin gumagana dahil sa sakit ng kanyang naramdaman.
"Magpapakatatag ka, mahal. Lalabas na baby natin oh? Huwag kang mapapagod okay? Kaya mo iyan." Positibong sambit ni Damon sa kanyang nobya saka hinalikan ito sa noo kahit puno ito ng mga pawis.
Agad namang tinulak ng isang nurse ang wheel chair papasok sa Delivery Room kung saan doon manganganak si Nathalia.
NAKALIPAS ang ilang oras ng pag-aantay ni Damon sa kanyang nobya halata sa kanyang ikinikilos na siya ay kabado sa maaaring mangyari ng kanyang mag ina.
'Mag ina'
Napayuko nalang si Damon sa kanyang iniisip. Kahit na hindi siya ang totoong ama ng anak ni Nathalia, handa pa rin niya itong tanggapin kahit hindi sila parehas ng dugo nito. Kahit na binabatikos na siya ng ibang tao, wala pa rin siyang pake dahil sobrang mahal niya si Nathalia.
Tanggap niya ang buong pagkatao nito kahit na may anak pa siya'ng dinadala noong nanligaw pa ito sa kanya. Noong college pa siya ay matagal na niyang gusto si Nathalia kahit na may boyfriend na ito. Manghang-mangha siya sa ganda ni Nathalia at kabait nito.
Hindi siya makapaniwala na magiging sila ng kanyang taong matagal na niyang gusto.
Dahil sa lalim ng kanyang iniisip, napalingon naman siya sa pamilyar na boses na iyon.
"Nasaan si Nathalia?"
![](https://img.wattpad.com/cover/255221307-288-k941581.jpg)
BINABASA MO ANG
Perks of Fallen Apart
RomanceEveryone of us dreamed to have a happy family, a complete foundation indeed. Kung saan nandiyaan ang asawa upang alagaan ang kanyang mag-ina. Kung saan mahalin niya ng buong puso ang kanyang pamilya upang hindi sila maghihiwalay. Ngunit sa buhay ni...