Chapter 1

3 1 0
                                    

Chapter 1

Simula

KASALUKUYANG nakaupo sina Symone at Nathalia sa isang upuan dito sa parke. Makulimlim ang kalangitan at halatang uulan ito maya't-maya. Walang gaanong taong namasyal dito kaya tahimik ang buong paligid, ganoon din ang dalawa.

Inantay ni Nathalia na umimik si Symone. Kailangan nilang magkita ngayon dahil may gusto raw'ng  sasabihin si Symone kay Nathalia.  Kinabahan siya ngayon sa maaari niyang sasabahin. Kahapon kasi hindi sila nagkaintindihan at nagdulot ng away. Kaya, buong gabi silang hindi nag-uusap sa cellphone.
"Galit pa kaya siya?" Tanong sa sarili ni Nathalia.
Gusto na niyang humingi ng tawad  ngayon. Gusto rin niyang magiging okay na silang dalawa. Ayaw kasi niyang mag tanim pa sila ng masamang loob sa isa't-isa. Sobrang mahal niya si Symone at ganoon din siya sa kanya.
Muli itong tumingin sa kanya at nag buntong-hininga, dahan-dahan niyang hinawakan ang kamay nito sa kanyang nobyo.

Hihingi na sana ito ng tawad nang bigla nagsalita si Symone. "Nath, I think we should end our relationship."

Napawang ang bibig ng dalaga sa kanyang sinabi. Tila'y parang nabingi ito ngayon. "A-ano?" Ulit nitong tanong sa kanya. This time, humarap na si Symone ng walang emosyon sa mukha. Halos hindi mo talaga mababasa kung ano ang nararamdaman niya ngayon. Buong gabi niyang iniisip na kailangan niya nang makipag-hiwalay sa kanyang nobya dahil sa ugali nito.

"Maghiwalay na tayo, Nath."Seryoso nitong sabi habang nakatingin siya sa malayo.

Hindi makapaniwala si Nathalia sa sinasabi nito. Dahil ang isang Symone na pinakamamahal niyang  lalaki ay nakikipaghiwalay na sa kanya. Ang taong nandiyan palagi sa kanya kapag kailangan niya ito. 'Yong lalaking mamahalin siya kahit marami itong kulang. Ramdam nito ang kirot ng kanyang puso ngayon.

Nasasaktan si Symone sa nangyari. Ngunit wala siyang nagawa kundi ang makipaghiwalay. Gusto niya na kasing magpahinga sa relasyon. Hindi niya intensyong saktan si Nathalia. Gusto niyang yakapin ito ngunit hindi pwede, baka mas lalong lalapit pa ang loob ng dalaga sa kanya.

"Pwede naman natin itong idaan sa usapan diba?" Mangiyak-ngiyak nitong tanong sa kanya. Pilit na hindi kumawala ang mga luha ni Symone sa kanyang mga mata. "Bakit mo ako iiwan? Nangako ka sa akin, Symone, nangako ka."

"Alam kong nangako ako, Nath, pero tao rin ako. Nasasaktan din ako. Sawa na ako sa ganito, sawa na ako sa ugaling mong iyan. Noon pa man nangako ka na magbabago ka. Pero hindi eh, mas lalo mo lang akong sinaktan dahil sa ugaling mong iyan."

"Akala ko ba tanggap mo ako? Nangako ka sa akin na tatanggapin mo ako kahit anong mangyari? Tatangapin mo ako kahit ganito ako? Symone naman, hindi ko kaya kapag wala ka." Hindi mapigilan ni Nathalia na siya ay maluha. Sobrang nasaktan ito ngayon.

"Oo, nangako ako. Pero tama na, Nath, ayoko na talaga. Sawa na ako sa ganiyang ugali mo. Hindi na kita maintindihan talaga." Naiinis niyang sambit kay Nathalia. Dahil sa galit ni Symone, hindi niya mapigilang masabi ang mga katagang iyon. Kaagad namang  lumapit ang dalaga sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.

"For almost three years, Symone, tatlong taon tayong nagsasama. Tapos ganito lang? Basta-basta ka nalang susuko? Paano na ako? Paano na tayo? Paano na mga pangarap nating dalawa? Paano na ang future? Bibitawan mo lang?"

"Oo, magagawa natin ang mga pangarap natin pero sa ibang tao na iyon at hindi sa ating dalawa. Pasensya na, Nath, pero hindi ko na talaga kaya. Sawa na ako sa ganito, sawa na akong makita ang katulad mo. Laging magagalit, makulit, tinotoyo. Oo, ang babaw ng rason ko pero ayoko na talaga." Sabi niya habang binibitawan niya ang pagkayakap ni Nathalia sa kanya.

"May iba na ba?" Hinihingal na tanong sa kanya. Umiwas siya ng tingin at tumango. Sumagot nalang siya kahit puro lamang itong mga kasinungalingan. Gagawin niya na lang ito upang tatantanan na siya ni Nathalia. Magkunyari na mayroon pero wala naman talaga.

"Sino?"

"Hindi mo na kailangang malaman pa iyon. Iba siya sayo, Nath, sobrang maunawain niya to the point na maiintindihan niya ako kahit sobrang busy ako. Nandiyan siya palagi at sinusuportahan niya ang mga gusto ko. Hindi siya madaling magalit kasi napaka-bait niya sa akin."

"Ginawa ko rin naman iyan sayo-" Agad naman niyang pinutol ang sinasabi nito sa kanya.
"Hindi ka ganyan, Nath, sakal na sakal na ako." Walang gana niyang sabi sabay iwas nitong tingin.

"Umamin ka nga, dahil ba ito kagabi? Nagalit lang naman ako kasi ang tagal mo," sabi nito habang umiiyak.

"Hindi na natin maibabalik ang nakaraan. Tanggapin nalang natin na wala na tayong dalawa. Salamat sa lahat, sa pagmamahal mo sa akin. Balang araw, makikita mo rin iyong taong nakalaan saiyo. Paalam.."

Hindi mapigilan ni Nathalia na humahagulhol ito sa parke. Wala siyang nagawa kundi ang tignan lang siyang umalis sa tabi niya. Iyon ang gusto niya eh, kahit ang hirap tanggapin. Pero may part sa kanya na ang hirap niyang bitawan kasi sobrang nasanay na ito sa kanya.

Sinisisi niya rin ang sarili nito kung bakit ganito siya. Kung bakit lagi nalang siyang iniiwan. Hindi niya alam pero kadalasan kasi dahil sa ugali niya. Napaka-toxic niyang tao. Ang bilis kung magalit at mainitin ang ulo. Ma-pride pa tsaka ang hirap intindihin. Mahirap din siyang pakisamahan kaya walang manatili sa tabi niya. Silang lahat iniiwan ito. Hindi niya akalain na iiwan din lang pala siya ni Symone.

Ramdam niyang pumatak ang likido na galing sa itaas at tumingala ito habang nakapikit ang mga mata. Napangiti ito nang mapakla dahil kasabay ng kanyang nararamdaman ngayon ay ganoon din ang pagbuhos ng kanyang mga luha sa ilalim ng ulan. Kasabay ng pagpatak ng ulan ay ganoon din ang kanyang mga luha.

KAKAUWI niya lang at wala siyang ganang pumasok sa loob ng kanyang apartment. Agad naman siyang tumungo sa CR upang maligo na rin. Basang-basa siya sa ulan na para bang isang basang siwsiw na naglalakad sa daan. Nang makapasok na siya sa loob ng CR, agad niya  namang hinubad ang basa niyang damit.

Kanina pa itong nakatunganga sa loob habang naka on ang shower. Para siyang nabaliw sa kakaisip tungkol kanina. Sana masamang panaginip lang iyon. Napaiyak naman siya dahil naalala niya ang masasayang araw nilang dalawa. Hindi niya akalain na magsawa rin pala si Symone sa huli.

Hindi  makapaniwala si Nathalia na halos naibigay niya na ito ang lahat niyang pagmamahal sa kanya. Halos wala ngang natira sa sarili nito. Iba kasi magmahal ang isang Nathalia Jimenez, halos ibigay niya na ang lahat. Napailing lang ito at nagpatuloy na sa pag ligo.

Kakatapos niya lang maligo ay kaagad naman siyang humiga sa kama. Ramdam niyang namumugto na ang kanyang mga mata. Napatingin naman siya sa gilid at kinuha ang kanyang cellphone. Nang binuksan ito ay napaluha naman siya dahil nakita niya ang larawan nilang dalawa sa kanyang lock screen.

Nang binuksan niya  ang kanyang facebook account at sinearch ang account ni Symone, hindi siyamakapaniwala na blinock pala siya. Napaiyak na naman ito. Hindi ko na talaga kaya. Bakit niya ito ginawa sa akin? Hindi ko na talaga kaya.

Dahil wala na siya sa tuliro ay tumungo ito sa kusina at hinanap ang lubid. Nang mahanap niya na ito, agad naman siyang pumunta sa sala at pumatong na rin sa upuan. Tinali ko niya ang lubid sa may bandang kisame. Itinali  na rin ito sa kanyang eeg. Itumba niya na sana ang upuan na  pinatungan nito nang may biglang bumukas sa pintuan.

"Nathalia! Anong ginawa mo?!" Singhal nito sabay nagmamadaling tumungo kay Nathalia. Napaiyak naman siya saka binitawan ang lubid. Kaagad  niyang niyakap ang kanyang Ina.

"Sorry Mama, sorry..."

"Bakit? Anong nangyari?" Taranta nitong tanong. Hindi na narinig ng dalaga ang kanyang sinabi nang biglang nandilim ang kanyang paningin at nawalan ng malay.

Perks of Fallen ApartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon