Chapter 2

2 1 0
                                    

Chapter 2

NAPAGISING nalang si Nathalia dahil sa kanyang naamoy. Nagluto kasi ang mama niya sa kusina habang ang pintuan ng kanyang kwarto ay nakabukas. Kaya pumasok ang amoy sa kanyang kwarto. Hindi niya nagustuhan ang ito, kaya medyo nandiri ito. Pilit niyang bumangon sa kama kahit sobrang sakit ng kanyang ulo. 'Yong ultimong sasabog na ito dahil sa sobrang sakit ganoon din ang kanyang mga mata. Dahan-dahan naman siyang naglalakad tungo sa kusina upang kumain.

"Kumusta ang kalagayan mo anak?" Nag-alalang tanong ng kanyang Ina sabay patong ng agahan sa mesa.

"Ano po ba iyan?" Nandiri nitong tanong.

"Diba paborito mo ito? Adobong manok ito." Nagtatakang sambit habang nakakunot ang kanyang noo.

"Bakit ang baho?" Naiirita niyang tanong saka kinuha niya ang tinapay sa mesa at nginunuya ito.

"Baka expired na ang toyo'ng nailagay ko," sabi nito saka kinain naman ng kanyang Ina ang ulam kahit hindi naman ito mabaho at masarap naman ang luto.

"Ma, wala na po pala kami ni Symone." Walang emosyong pagkakasabi ni Nathalia sa kanyang Ina kahit pilit niyang hindi tumulo ang kanyang mga luha ngunit hindi pa rin niya ito kayang mapigilan at kusa lang silang nagsilabasan sa kanyang mga mata.

"Alam ko anak, sinabi ni Symone sa akin kagabi kaya nga nagpunta ako rito para bantayin ka kasi may kutob siya na may mangyayari sa iyo ng masama. Kaya buti nalang naabutan kitang hindi mo pa iyan nagawa."

Bigla naman napatigil si Nathalia sa kanyang ginagawa. Hindi siya makapaniwala na sinabihan pala ni Symone ang kanyang Ina na wala na sila. Mas lalo siyang nasaktan kahit wala na sila, concern pa rin ang ex boyfriend nito sa kanya.

"May sinabi pa ba siya, Nay?" Tanong ni Nathalia habang umasa siyang baka may sinabi pa ito tungkol sa kanya.

"Iyon lang anak, at pinabalik niya lang lahat ng mga gamit mo na binigay mo sa kanya." Napakagat na lamang siya sa kanyang pang-ibabang labi nito.

Hindi siya makapaniwala na binalik lahat ni Symone ang mga regalo na galing sa kanya. Tumango ito saka bumalik sa kwarto upang doon magpatuloy sa pag-iyak. Nang makita niya ang malaking kahon, dahan-dahan naman niyang binuksan ito kahit nanginginig na siya.

At doon ay nakikita niya ang mga samo't-saring mga regalo na ibinigay niya kay Symone. Isa-isa naman niyang nilabas ang mga gamit galing sa kahon. Habang tinitignan niya ang lahat ng ito,patuloy namang bumuhos ang mga luha na kanina pang umaagos. Bagama't tinitignan niya ang mga ito, agad naman niyang naalala ang mga alaala nilang dalawa.

Agad naman niyang ibinalik sa kahon ang mga gamit dahil hindi na niya kinaya ang sakit na dinulot nito. Gustong-gusto niyang kausapin si Symone ngayon ngunit hindi niya ito ma contact. Tuluyan na nga siyang kinalimutan ni Symone. Samantalang siya naman ay pilit na kalimutan ang taong pinakamamahal niya kahit sobrang sakit.

Kailangan niya ng kausap ngayon. O di kaya ay gusto niyang pumunta kahit saan upang makalimutan niya ang sakit na nararamdaman niya ngayon. Agad naman niyang kino-contact ang kaibigan niya na si Mary Grace.

"Hello? Nasaan ka ba? Bakit hindi ka pumapasok?" Nagtatakang tanong nito sa kabilang linya.

Imbis na sumagot ito, tuluyan na siyang umiiyak. "Bakit ka umiiyak? Anong nangyari sayo?"

"Wala na kami, Grace, iniwan na niya ako." Hagulhol nito habang yakap niya ang kanyang unan.

"Ano? Nasaan ka? Mag-usap tayo." Natarantang pagkakasabi nito.

"Magkikita nalang tayo sa isang Coffee Shop malapit lang sa opisina natin," sabi nito kay Grace.

"Sige, hihintayin kita dito. Mag-iingat ka sa byahe." Kaagad naman ibinaba ang tawag.

KAAGAD naman siyang bumaba sa taxi at pumasok na rin sa loob ng Coffe Shop na malapit lang sa opisina nila. Suot lamang niya ang isang itim na jacket, puting T-shirt at kulay itim na jeans. Sinuot din niya ang sunglasses dahil sobrang maga ng kanyang mga mata dahil sa kaiiyak.

Nang makita niya si Grace, agad naman siyang umupo sa tabi nito.

"Grace..." Mangiyak-iyak na tawag nito sa kanyang kaibigan habang niyakap niya ito ng mahigpit.

"Ano bang nagyari sa inyong dalawa? Oh, heto muna." Nag-alalang sabi ni Grace sabay bigay naman nito ng kape, tinanggap naman niya ito at ininom ng kaunti.

"Bakit ba kasi kayo naghiwalay? Noong nakaraang araw sobrang saya niyo pa sa monthsary niyo. Tapos, ngayon naghiwalay na kayo?" Nagtatakang tanong nito kay Nathalia.

"Sawa na raw siya sa ugali ko." Halata sa boses niyo na ay sobrang nasaktan lalo na't sa tuwing pag-usapan nila tungkol kay Symone.

"Ano? Ang babaw naman ng rason niya. Baka meron na siyang iba?"

Tuluyan na ngang umiyak si Nathalia. "Oo, meron na raw siyang iba. Mas mahal niya pa iyon kasi mas maintindihan siya sa lahat ng bagay. Unlike sa akin, sobrang toxic kong babae. Kaya siguro palagi akong iniwan dahil sa ugali ko."

"Huwag mong sisihin ang sarili mo, Nath. Babae ka tatandaan mo iyan. Pinapahalagahan ka at aalagan. Wala siyang kwenta at hindi ka niya pinapahalagan ang halaga mo. Huwag kang mag-alala magsisisi rin iyon."

Nagbikit-balikat nalang si Nathalia sa mga sinabi ni Grace. Sobrang nasaktan lang naman siya. Hindi  niya kasi akalain na ganoon lang, basta-basta lang bibitaw.

"Gusto mo siyang makalimutan?" Tanong ni Grace sa kanyanh kaibigan.

"Hindi ko kaya.."

"Kaya mo iyan. Gawin mong busy ang sarili mo. Alam mo naman iyon, total magiging busy naman sa office kasi marami ng mga papeles na naghihintay sa atin." Natatawang tugon ni Grace.

"Sana nga magiging ayos na ako." Malungkot na sabi ni Nathalia.

"Sus, sa simula lang iyan. Habang tumatagal maging maayos din ang lahat. Makalimutan mo rin siya." Nakangiting sambit ni Grace sa kanyang kaibigan.

Sana ganoon lang kadali. Sana makalimutan ko na siya. Ayoko ng makulong sa pagmamahal ni Symone. Nahihirapan na ako.

"Gusto ko ng uminom ng alak." Walang ganang sabi ni Nathalia sa kanyang kaibigan.

"Naisipan mo ng uminom? Akala ko ba hindi ka umiinom ng alak." Natatawa nitong pagkakasabi sabay higop nito ng kanyang kape.

"Gusto ko na, total wala naman kami. Shit, ang sakit pakinggan kapag sinabi ko na wala na kami." Muli na naman siyang umiiyak habang si Grace naman ay panay comfort nito.

"Magiging maayos ka rin, Nathalia, huwag kang mag-alala sasamahan kitang uminom bukas." Nasasabik na tugon ni Grace habang pinahid ang mga luha ni Nathalia.

KAKAUWI ko lang galing sa Coffee Shop. Agad ko naman hinanap si Mama ngunit wala ito sa loob. Siguro nag grocery ito. Agad naman siyang tumungo sa kusina upang uminom ng tubig. Kinuha niya ang baso saka nilagyan niya ito ng tubig.

Iinom na sana siya nang bigla itong nandiri. Hindi niya maintindihan ang kanyang nararamdaman. Agad naman siyang tumungo sa lababo para magduwal. Nanlaki naman ang kanyang nga mata.

Hindi maaari, hindi dapat ako mabuntis.

Perks of Fallen ApartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon