Buong gabi akong gising. Hindi ako nakatulog nang dahil sa lintik na Rose na to!! Napatingin ako sa kalendaryong na sa pintuan nang kwarto ko.
'The Day is coming, kailangan kong makauwi sa mansyon sa lalong madaling panahon. Malapit nang mag fullmoon at masyado akong delikado kung andito ako.'
Napapikit nalang ako sa naisip ko.
.
.
.
.
.
.'Footsteps! I hear footsteps!!'
Napakunot ang noo ko nung ma kumpirma kong papunta sa kwarto ko yung yabag na naririnig ko. Hearing my doors open, hinayaan kong pumasok kung sino man tong istorbo nato. If it's Jane Im sure matatakot to, of all people sya ang nakaka-alam na ayaw kong ginigising ako lalo na pag weekends.
Nanatili parin akong nakapikit kahit na hindi naman talaga ako tulog. I heard her giggle and walk towards me. Siguro para gisingin na ako, pero di pa sya nakakalapit nung idilat ko yung mga mata ko at deretsyong tumingin sa kanya.
Halatang nagulat sya dahil sa naging reaksyon nya, para syang tinakasan ng dugo sa katawan.
"Hehe! Sorry, peace! Lalabas na ako" sinasabi nya yan habang umaatras, at dali dali na syang lumabas nang kwarto ko.
Natawa naman ako sa naging kilos nya. Umiiling-iling na bumangon ako para umpisahan na ang araw nato. Once again tumingin ako sa kalendaryo ko counting the days I have left before fullmoon.
I sighed with the sight of the days!
'This is my third fullmoon! Im in big trouble'
Napangiwi ako sa sarili kong naisip! Trouble it is!!. Ipinilig ko ang ulo ko para maalis sa isip ko yung bagay nayun. Nag umpisa na akong mag ayos nang sarili ko dahil may mga bwisita pala ako sa baba na hindi pa kumakain.
After kong mag asikaso ng sarili bumaba na ako,
"Morning"
Nakita kong napatingin sakin yung tatlo habang bumababa ako, ayun sila mga nakaupo lang parang mga musmos na batang may nagawang kalokohan at natatakot na mapagalitan.
"Morning Ray"
"Anong gusto nyong almusal"
"Kahit ano nalang"Hindi naman na umalma yung dalawa sa naging sagot ni Jane, Nang tuluyan na akong nakababa nang hagdan ay dumeretsyo na ako sa kusina para mag luto.
Makalipas nang ilang oras tinawag ko na sila para kumain.
"Kakain na" wala pang ilang segundo mga nasa lamesa na sila at inuumpisahan nang kumain. Tahimik lang kaming kumakain nang maka tanggap ako nang tawag. Nung una ay hindi ko pa iniisip na saakin nakompirma ko lang nang makita kong umilaw yung cellphone ko na nasa ibabaw ng counter sa kitchen.
Nalimutan kong may Cellphone pala ako. Hindi ko din naman kasi ginagamit. Tunayo ako para sagutin kung sino man ang tumatawag sakin.
Tinitigan ko nang mabuti ang Caller ID nang tumatawag .
Mansyon!!!
"Tsk! Hello? Bakit?" Bungad ko sa tumawag. Siguro para tanungin ako kung uuwi ako this semestral break.
"Young Lady? Magandang umaga ho! Itatanong ko lang ho sana kung uuwi kayo ngayong sembreak ninyo?"
"Yes po Lola Ester uuwi po ako ihanda nyo ho sana ang kwarto nayon kakailanganin ko po iyon"
Maliban nga pala kay Lola Brent, ang mga kasambahay ko sa mansyon lalo na si Lola Ester ay alam ang tunay na pagkatao ko. Wala kasing itinatago ang Lolo sa kanila at sigurado namang safe ako sa kanila dahil ang mga kasambahay namin sa mansyon ay kung hindi ulilang lubos ay mga lumayas sa kani kanilang tahanan.
BINABASA MO ANG
Alpha (Broken Pieces)
FantasyEven if i tried to hide, My past will find a way To hunt me. The past that i never want to look back!!! But because of one reason And many questions I need to Find the answers that leads me to go back in my past.