Alpha 6

16 10 0
                                    

Jane's P.O.V

Nagising ako dahil sa huni ng mga ibon sa labas. For a while nalimutan kong nasa probinsya nga pala ako.. "Good morning birds" Bumangon nalang ako binati ang mga ibon na gumising sakin. "Naku kung si Rayla ang nagising nyo malaman nasigawan na kayo nun" natawa naman ako sa sarili kong sinabi. Now now hindi naman siguro maninigaw ng ibon yung bestfriend mo Jane!

Lumabas ako sa may veranda ng kwartong tinutulugan ko ngayon. Sobrang ganda ng view dito, sobrang tahimik. Alam mo yung pakiramdam na guminhawa yung tenga mo kasi nagising ka dahil sa ingay ng mga ibon or nature sa paligid mo di tulad ng nagising ka dahil sa ingay ng mga sasakyan sa paligid. Hindi talaga ako nag kamali nung pinilit kong sumama dito hehehe!


By the way siguro naman kilala nyo na ako. Pero sige papakilala parin ako, Im Jane bestfriend ni Rayla. Diko alam kung nakukwento nya na ako sa inyo pero siguro naman nabanggit nya na ako.

Mentioning Rayla kahapon ko pa sya hindi nakikita. Mag mula kasi nung dumating kami dito sa Mansyon eh nawala sya bigla. Hindi namin sya nakita mula pa kahapon pangatlong araw na namin dito and yet dalawang araw na syang missing in action. Hayst matanong na ngalang si Nana Ester mamaya.

Matapos kong mag sight seeing inumpisahan ko na ang morning rituals ko nang matapos ako ay saka na ako bumaba. Naka-salubong ko naman si Cherry nung pababa na ako siguro para tawagin na kami. Sa tatlong araw na pamamalagi namin dito laging ganon ang ginagawa nila every meal lagi kaming tinatawag minsan nga sa sobrang nag eenjoy kami sa pag stay naming dito nakakalimutan na namin yung oras.


"Miss Jane kakain na po ng agahan, gigisingin ko palang sana ho kayo eh, naka handa napo ang agahan ninyo."

"Yung dalawang tukmol ba andun na?"

"Yes po Miss kayo nalang po ang hinihintay"

"That's means adyan na din si Rayla?"

"Ahhhmm wala pa po si Miss Rayla"

"Asan ba sya? Alam mo ba?"


Parang naging asiwa naman sya sa huli kong tanong. Ako lang ba or talagang para syang kinabahan sa tanong nayon. Sa tuwing mag tatanong ako sa katulong dito laging ganon ang reakyon na nikikita ko.


"H...hindi k..ko ho kasi a..alam eh"

"What's with the stutter."


Hindi ko nalang pinansin since hindi naman daw nya alam eh pero nakakapag taka parin sa tatlong napag tanungan ko eh parang tinatago nila si Rayla. Anong meron?

Dumeretsyo nalang ako sa Dining area para sa agahan. Nakita ko naman na hindi pa kumakain yung dalawa, hinihintay kasi nila ako, dito kasi hindi mag uumpisa sa pag kain hanggat hindi kumpleto ang mga kakain. Yun ang sabi sa amin ni Nana Ester ganon daw kasi talaga sa kanila dahil yun ang nakasanayan nila. Ayaw din kasi ni Rayla yung ganon kaya sinusunod nila.


"Hi! Good Morning Boys"

Bati ko sa dalawang lalaki sa kaliwa ko. Wala parin si Rayla kaya nung dumating ako ay sinerve na nang mga katulong yung mga pagkain. Nung naihain na lahat ng pag kain ay lumabas si Nana Ester para i-check kung ayos na lahat. Si Nana Ester kasi ang Mayordoma ng Mansyon ang pag kakatanda ko sya din ang nag alaga kay Rayla nung maliit pa sya.

Hindi ko naman pinaglapas yung chance na maitanong kung nasaan si Rayla. Kung sino man ang nakaka alam kung nasaan sya ay malamang si Nana Ester yun.

"Nana Alam nyo po ba kung nasan si Rayla?"

Tulad kanina nung nag tanong ako kay Cherry parang naging asiwa si Nana sa tanong ko. Ano ba kasing meron. Lintyak naman oh!! Sasagot lang eh1 parang nakakatakot naman yung tanong ko eh!

Alpha (Broken Pieces)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon