Haunted By A Memory - PART 8

829 10 2
                                    

PART VIII

CHAPTER 22

Ini-off ko muna ang cellphone ko dahil ayokong makatanggap muna ng mga text or tawag sa ngayon. Sobrang sakit pa ng nararamdaman ko sa nakita ko kanina.Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Brix tungkol sa nakita ko.

Dapat ko ba siyang komprontahin about doon sa babaeng kahalikan niya? May karapatan nga ba ako? Paano kung mapahiya lang ako? Hindi ko kayang marinig mula sa labi niya na hindi niya ko mahal...na pinakasalan niya lang ako dahil sa anak namin. Nasasaktan ako sa isipin na iyon!

"Baka naman balewala lang kay Brix yung babae na yun? Baka one of her friends..."sabi ni Charles na bigla kong pinutol dahil sa pagtatanggol niya kay Brix.

"FRIENDS? Tae nila! Naghahalikan ng ganun tapos friends lang??? Pagbuhulin ko dila nila!!!"pasigaw kong sagot dahil sobrang naha-highblood talaga ako.

Kung ano ano na tuloy lumalabas sa bibig ko dahil sa sobrang pagkainis ko.

"Magrelax ka nga lang dyan Lizette...Baka pumutok mga ugat mo sa leeg patayin pa ko ng di oras ni Brix!"sabi ni Charles sabay hagod sa likod ko para payapain ang kalooban ko.

"Baka nga matuwa pa yun at bigyan ka ng award dahil at least biyudo na siya tapos maiiwan pa sa kaniya si Sean!"sagot ko pa uli dahil talagang nanggigigil ako.

Kapag talaga pag dating kay Brix kung anu-anong emosyon ang nararamdaman ko. Niyaya muna ako ni Charles sa loob ng kitchen para painumin ng tubig. Matapos kong makainom ay narelax ako kahit paano. Maya-maya ay nararamdaman ko na naman ang mga luha ko na nag-uunahan sa pagpatak.

Agad namang lumapit si Charles sa akin paraa punasan ang mga luha ko.

Sobrang sweet talaga ni Charles sa akin. Sana talaga siya na lang at hindi na si Brix. Pero hindi eh! Lintek kasing PUSO ito.. si Brix lang ang kinikilala.

Sa katabing kwarto ako pinatulog ni Charles kung saan dating ginamit ng kapatid niyang kaibigan ko rin na si Cheska. Nasa London pa rin kasi si Cheska at next year pa balak umuwi ng pinas. Ginamit ko muna ang naiwang damit ni Cheska na nasa closet after kong magshower. Naiilang lang ako sa damit dahil ang sexy ng tabas.

"Para naman akong model ng FHM nito...nakakahiya.Bakit ba ganito mga damit ni Cheska? Wala na kong makitang ibang medyo matino kundi ito lang. Tss!Di bale na nga...Pagtitiyagaan ko na tutal isang gabi ko lang naman gagamitin dahil uuwi na rin ako bukas." bulong ko sa sarili habang namimili ng ibang maisusuot.

Alas onse ng gabi.

Namimigat na ang mga mata ko kaya umaayos na ko ng higa at itinabi ang librong binabasa ko na nakalagay sa side table ng kama ni Cheska. Nagulat ako nang pabalyang bumukas ang pinto ng kwartong gamit ko kaya napaupo ako sa kama.

"Ano ba naman Charles..Bakit ba?"tanong ko habang kinukusot ang mata dahil sa pagkasilaw nang biglang pagbukas ng ilaw.

"You lied to me...Sinasabi ko na nga ba..Halika na at iuuwi na kita!"sigaw ni Brix sabay hablot sa braso ko kaya nalaglag ang kumot mula sa katawan ko.

Haunted By A Memory...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon