PART XICHAPTER 30
Mag-alas tres ng hapon ng bumangon ako sa kama. Kahit paano ay hindi na gaanong masama ang pakiramdam ko. Nakita ko ang baby kong si Sean na naglalaro ng lego sa ibaba ng kama ko.
"Hi baby!"bati ko kay Sean nang hindi niya pa rin ako napapansin dahil masyadong busy sa paglalaro.
"Ay mommy gising na po kayo? How are you na po? I told lolo and lola na I want to stay here para bantayan po kita saka ang new baby po sa tummy niyo." sabi ni Sean sabay punta sa akin para yumakap. Napakasweet talaga ng baby ko.
"How did you know na may baby na si mommy sa tummy? Sino nagsabi sa iyo?"gulat kong tanong sa kaniya."Si lola po. She told me the reason why you ran away po from us kanina kasi I thought natakot po kayo sa mumu." sabi ni Sean sabay yakap ng mahigpit sa akin.
"I'm not sure yet Sean kung may baby na si mommy sa tummy. Magpapachek-up pa lang ako bukas."sagot ko sabay haplos sa ulo ng anak ko.
Nakita ko naman na parang nalungkot si Sean kaya niyakap ko na lang uli siya at hinalikan.
Sabay kaming nagulat ni Sean nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Brix."Daddy!"tawag ni Sean sabay takbo kay Brix.
"Anak nasa labas ng room si yaya Ingrid sama ka muna sa kaniya mag-uusap lang kami ni mommy."sabi ni Brix kay Sean habang binubuksan ang pinto ng kwarto. Sumunod naman agad si Sean sa sinabi ni Brix at lumabas ng kwarto para puntahan si yaya Ingrid.
Parang may nagdaan na anghel dahil parehas kaming natahimik ni Brix pagkalabas ni Sean ng kwarto. Maya-maya ay naramdaman kong tumabi sa akin si Brix sa kama.
"Is that true? Buntis ka?" tanong ni Brix sa akin.Seryoso ang mukha niya kaya hindi ko mahulaan kung ano ang nararamdaman niya.
"O-oo." maikling sagot ko. Yumuko ako dahil natatakot akong baka magalit siya sa akin."Yes!!! I'm so happy Lizette! Magkaka-baby na uli tayo." natutuwang sigaw ni Brix sabay yakap ng mahigpit sa akin.
"H-hindi ka galit?"tanong kong nakakunot ang noo.
"Bakit naman ako magagalit? Sobrang saya ko nga at magkakaanak uli tayo. Ikaw lang Lizette ang babaeng gusto kong maging ina ng mga anak at magiging mga anak ko." sagot ni Brix na todo ang pagkakangiti kaya nahawa na rin ako sa pagkakangiti niya.
Nawala ang bagabag na nararamdaman ko.
"Paano si Brenda?" tanong ko sa kaniya nakatitig ng diretso sa mga mata niya.Masaktan na ako kung masasaktan pero gusto ko nang magkaroon ng kasagutan ang mga tanong sa isip ko tungkol sa kanila ng malanding Brenda.
"Bakit napasok si Brenda sa usapan? You know Lizette, totoo aaminin ko nagkaroon kami ng relasyon ni Brenda. Iyon yung panahon na hinahanap kita. Lagi siyang nakasunod sa akin na halos ayaw nang umalis sa unit ko sa London kaya ang nangyari para kaming naglive-in pero honestly hanggang kama lang kami. Wala akong nararamdaman na kahit ano sa kaniya."sagot ni Brix na kinagulat ko.
"Bakit mo ko hinanap? Saka kung totoo iyan, ano yung nakita ko kayo ni Brenda sa kotse mo na naghahalikan? Nagdrive ako pauwi pero hindi ako tumuloy dahil nakita ko kayo kaya pinuntahan ko si Charles. Kaya pala hindi mo ko nasundo noon at hindi mo sinasagot ang mga text at tawag ko ay kasama mo siya!"sumbat ko kay Brix kaya hindi ko na napigilan ang maiyak dahil naalala ko na naman yung araw na nakita ko sila ni Brenda na naghahalikan.
BINABASA MO ANG
Haunted By A Memory...
RomanceWhen Brix unexpectedly came back into her life...Lizette was not sure that she could handle everything...even though Brix was the only man she had ever loved. She's still haunted by a memory about that night when she gave herself to Brix...