EPILOGUE
"Ma kamusta na si Lizette? Yung baby po nakalabas na? My God gustong gusto ko nang umuwi pero di pa tapos ang seminar. Bakit ba kasi natyempo pa itong lintek na seminar sa panganganak ni Lizette eh!"napapraning na sabi ni Brix sa cellphone kausap ang kaniyang mama na kasalukuyang nasa ospital dahil kay Lizette at siya naman ay nasa seminar sa Singapore.
"Don't worry too much iho...Babalitaan naman kita kaya magrelax ka lang dyan ok? Nandito naman kami ng papa mo saka ang mga biyenan mo kaya kami na ang bahala kay Lizette. Si Sean naman ay alaga ni Laine at ng mga maids natin. Basta after na lang ng seminar mo ay dumiretso ka na lang dito."sagot ng mama niya sa kabilang linya.
Kahit na anong sabihin ng mama niya ay hindi pa rin talaga maalis ang pag-aalala ni Brix kay Lizette at sa baby nila. Hindi pa kasi schedule ng paglabas ng anak nila pero dahil bigla daw humilab at sumakit ang tiyan ni Lizette kaya agad nilang dinala sa ospital.
Dalawang buwan niyang hinanap si Lizette at Sean na nagtago pala sa probinsya nila Mark. Lumayas sila dahil sa pag-aakala ni Lizette na patuloy pa rin ang relasyon nina Brix at Brenda.Nasa office siya nang maalala niya na naiwan pala niya ang cellphone niya sa kanila kaya tumawag siya para itanong kay Lizette ang number ng client niya na naka-save sa cellphone niya pero sinabi ni yaya Ingrid na umalis si Lizette kasama si Sean at may dalang bag. Hindi daw sila sinagot nung tinanong nila kung saan pupunta.
Muntik pa silang magkapatayan ni Mark ng malaman niya na tinatago nito ang mag-ina niya. Pero nalaman niya na magkaibigan lang talaga sila ni Lizette dahil si Laine pala ang pinopormahan nito.Nung una ay hindi niya malaman kung ano ang dahilan bakit biglang lumayas si Lizette pero nung gabing magcheck siya ng cellphone at nakita niya sa call register ang pangalan ni Brenda ay doon na siya naghinala. Hindi rin alam ng mga magulang ni Lizette kung saan nagtago ang anak nila kaya nahirapan talaga si Brix sa paghahanap sa kaniyang mag-ina.
Pinuntahan niya si Brenda para i-confront pero sinabi nito na nagkamali siya ng dial. Inakala daw nito na si Jethro na bago nitong boylet ang natawagan niya dahil di niya na raw nacheck ang number kaya ang ginawa niya ay isinama niya ito at yung Jethro para magpaliwanag kay Lizette nung aminin sa kaniya ni Mark na nasa probinsya nila ang kaniyang mag-ina.
Nasabunutan pa ni Lizette si Brenda nung makita nito na kasama niya sa pagsundo sa kaniya kaya nahirapan pa silang awatin ito. Naging masyadong sensitive si Lizette nung nagbuntis sa pangalawa nilang anak.
"Salamat at natapos din ang seminar..woooh!" sabi ni Brix sabay takbo pagkakuha sa gamit. Agad siyang bumili ng ticket pabalik ng manila dahil kailangan na siya ni Lizette. Ayaw niyang sa pangalawang pagkakataon ay hindi niya na naman masuportahan ito sa panganganak.Pagkalipas ng ilang oras ay nakarating din siya sa ospital at dumiretso sa delivery room. Nakita niya ang parents at biyenan niyang babae kaya agad siyang lumapit sa mga ito.
"Anak kasalukuyang nagli-labor pa lang si Lizette...Pwede kang pumasok sa loob sabi ng doctor."sabi kay Brix ng mama ni Lizette.Mag-alas siyete ng gabi ng lumabas ang baby kaya tuwang-tuwa si Brix kahit expected na nila na baby girl ito. Pagkalinis sa baby nila ay agad itong inilapit kay Lizette para makita.
"Anong magiging name ng baby natin honey?"tanong ni Brix kay Lizette na nakatitig sa kaniya.
"Brianna sana what do you think honey?"tanong ni Lizette sabay halik sa braso ni Brix."Maganda honey...Kasing-ganda mo. Another blessing for us. Kuya na si baby Sean. I'm so happy and so proud for having you and our children. I love you Lizette. Sana h'wag mo nang pagdudahan ang feelings ko sa'yo. Mamamatay na ko kapag nawala ka na naman."sabi ni Brix sabay halik sa noo ni Lizette na nakahiga sa hospital bed.
"Hindi na ko mawawala sa'yo Brix. Sorry talaga sa mga katangahan ko. I love you so much lang talaga kaya nagiging paranoid ako."sagot ni Lizette habang hinahaplos ang pisngi ni Brix.
Hindi na nakapagpigil pa si Brix kaya agad na hinalikan niya si Lizette sa labi kahit alam niyang nandoon pa ang mga nurse.Wala na siyang pakialam pa sa iba basta ang mahalaga sa kaniya ngayon ay ang nararamdaman niya kay Lizette at nangangako siya na hindi na sila magkakahiwalay pa.
(background music---> Angel's Brought Me Here)
-
-
-
-
-
-
-
BINABASA MO ANG
Haunted By A Memory...
RomanceWhen Brix unexpectedly came back into her life...Lizette was not sure that she could handle everything...even though Brix was the only man she had ever loved. She's still haunted by a memory about that night when she gave herself to Brix...