Prologue

17 3 0
                                    


"Ano lalaban ka pa? Hinayupak na to, bata yang inaaway mo!" Sigaw ng isang babae habang tinatapakan ang likod ng isang lalake na mayroong malaking katawan

"Bitawan mo ako!" Sigaw pabalik ng lalaki

"Akin na ang kinuha mo" mahinahon ang pagkakasabi ng babae habang nakalahad ang kaniyang palad

"Bobo ka ba? Tanggalin mo yang paa mo" tinawanan lamang siya ng babae at tinanggal ang lollipop na nasa kaniyang bibig

"Ako tigil tigilan mo, anong bulsa?" Tanong nito at sinimulang kapkapan ang lalake

Hindi na nakagalaw ang lalake dahil mas diniinan pa ng babae ang kaniyang apak sa likod nito

"Aha! Nakita ko rin, hinayupak ka akin na din itong yosi mo, wala akong pambili eh" nakangiti ang babae ng pag ka tamis sa lalake

Umalis na ang babae sa likod nito at nag simulang mag lakad papunta sa isang batang lalake na umiiyak

"Oh bata!" Sigaw nito sa bata at tinapon ang perang nakuha

Ngumiti ang bata na nag pangiti din sa babae at nilapitan ito

"Sa susunod wag mo hahayaang ginaganiyan ka, pag sinapak ka sapakin mo din pero dapat meron kang bato para ayos" sabi niya habang pinapag pagan ang damit ng bata

"Opo ate" sabi ng bata

"Oh siya una na ako" sabi niya sa bata at tinapik ang balikat nito

"Sandali ate" natigil siya sa pag tawag ng bata

"Anong pangalan mo?" Tanong ng bata

Lihim na napangiti ang babae at nilingon ito ng may ngiti parin sa mukha

"Sestel, wag mo ako kalimutan ha, makakaltukan kita pag kinalimutan mo ako" nakangiti niyang sabi sa bata at nag simula ng mag lakad paalis

Happiest YearTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon