Chapter 8

10 1 0
                                    

Surprise

Ngayon ang uwi ni Rei, pero heto ako nakahiga at mayroong oxygen dahil kinakapos sa paghinga

"Mamaya na ang uwi ni Rei, bukas naman ang start ng chemo mo" paalala sa akin ni kuya Steel

"Kuya sa tingin mo, mag tatagal pa ako?" Tumingin ito sa akin

"Bunso, alam mo naman na kahit na anong mangyare gagawin namin nila mama ang lahat diba? Sana pati ikaw lumaban para sa amin" nakangiting sabi ni kuya Steel sa akin

Oo kuya, lalaban ako, lalaban ako para sa inyo at para sa sarili ko

Mayroon na silang schedule sa pag babantay sa akin, tuwing lunes at martes ay sila boss, si mama naman ay tuwing miyerkules, huwebes hanggang biyernes naman palitan sila kuya Steel at kuya Sev at tuwing sabado at linggo ay kumpleto kami

Simula noong ma confine ako ay parati na silang umuuwi at binabantayan siya

"Ang sabi ni Rei mamayang gabi daw baka makauwi na siya" nag salita muli si kuya Steel

"I'll surprise him" agad napatingin sa akin si kuya

"You can't go out, mahina ka pa bunso" seryosong sabi nito

"That's what I mean, I'll suprise him here" nalungkot ang mata nito

"Don't worry kuya, alam ko namang matatanggap niya agad ito eh" nakangiti kong sabi dito

Sumapit na ang gabi at hinihintay ko na ang pag dating ni Rei

Kuya Steel:
Malapit na kami bunso

Any minute now he'll know my condition, I wonder what his reaction will be

Siguro oras narin para sabihin ko sa kaniya ang nararamdaman ko, ang totoong tingin ko sa kaniya

"Are you ready?" Narinig ko ang boses ni kuya Steel sa may pintuan

They're here, alright Sestel just stay calm

Bumukas ang pinto ang nakita niya si Rei, mayroon itong ngiti sa mukha habang mayroong mga paper bags at isang bouquet ng puting rosas sa kamay

I was surprised, I said I'll surprise him but look at me now tearing up because I can see his smile

"Yow Ses!" Masigla nitong sabi at nilapitan ako at hinagkan

Naamoy ko ang natural na amoy niya kahit pa mayroong oxygen na nakakabit sa akin

"Hindi bagay sayo dito Ses" pang aasar nito habang nakangiti pero hindi ito umaabot sa kaniyang mata

"I know, asaan na ang pasalubong ko?" Inilahad ko ang palad ko sa kaniya

"Hindi mo manlang ako kamustahin st pasalubong agad ang hiningi mo" nakasimagot nitong saad

Mukha lang kaming normal, parang wala akong sakit, parang lumakas ako ng mayakap ako nito

Yakapsule lang ata talaga ang kailangan ko, pero parang mas effective ang kisspirine

Natawa ako sa naisip at napatingin siya sa akin

"Hindi ka pa nag chechemo niyan pero tumatawa ka na mag isa" sira ulo

"Kuya Steel sure ka bang itong hospital ang kailangan ni Ses? Kailangan ata nitong mental eh" binatukan ito

"Ikaw, di ka nalang sana umuwi, bubwisitin mo lang pala ako" asik ko dito

"Asan sila Simba?" Tanong niya

"Bukas daw babalik kasi bukas ang start ng chemo ko" sabi ko dito habang kinakalkal ang kaniyang pasalubong

"Bukas ang start mo? Edi dito nalang muna ako para samahan na kita bukas" nagulat ako sa sinabi nito

"Umuwi ka nalang, galing ka sa tour tsaka sila kuya ang naka toka na mag bantay sakin ngayon" sabi ko dito

Agad itong tumingin kay kuya at nakita kong tumango lang si kuya sa kaniya

"Pag bigyan mo na yan bunso, malaki na yang si Rei alam na niya ginagawa niya" sabi ni kuya bago lumabas

Mukhang uuwi na si kuya at talagang iiwan niya kami ni Rei dito

"May kasalanan ka pa sakin Ses" napatingin ako sa kaniya sa kaniyang sinabi

"Anong kasalanan?"

"Bakit hindi mo sakin sinabi? Bakit nag sinungaling ka? Kung sinabi mo sana nasamahan kita" sabi nito habang naluluha

"Rei, hindi ko naman pwedeng sirain ang tour mo at isa pa masasamahan mo naman na ako ngayon" pinilit kong ngumiti kahit na lumuluha ito

"Halika nga dito, napaka iyakin mo" lumapit ito sakin at niyakap ako

"Andito ka naman na Rei, you can now be with me and cheer for me to beat this piece of sht" sabi ko dito

Baka hindi pa ito ang tamang oras para sabihin sa kaniya, maybe some other time

Happiest YearTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon