Hospital
Nagising akong masama ang pakiramdam, hirap sa pag hinga at masakit ang dibdib
Agad kong kinuha ang inhaler sa bed side table, umaasa na mapapagaan nito kahit papaano ang pag hinga
Ipinikit ko muli ang mata, at doon napagtanto na kailangan ko nga talagang pumunta sa ospital
Nakarinig ako ng katok, agad ko itong binuksan at doon tumambad sa akin ang dalawa kong kuya
"Kuya Steel! Kuya Sev!" Sigaw ko sa kanila at niyakap ng mahigpit
"Ang bigat!" Rinig kong sabi nila pero niyakap lang ako
"Mag ayos ka na, ipapa check up ka namin" sabi ni kuya Steel
Gaya ng sabi ni kuya ay nag ayos na ako, naligo ako at nang humarap ako sa salamin ay doon ko nakita ang sarili
Ang putla ng labi at medyo pumayat ako, kahit kumakain naman sa tamang oras
Mabilis lamang ang pag aayos ko dahil narinig ko na rin ang boses nila boss sa sala
"Tara na" sabi ko ng makababa
"Sunod nalang kami sa inyo, sasama kami" nakangiting sabi Nyx
Naging maingay ang biyahe naming mag kakapatid dahil matagal hindi nag kakwentuhan
"Asaan nga pala si Rei?" Tanong ni kuya Steel
"May tour siya kuya pabalik na rin yon" mag iisang buwan na rin pala at malapitna bumalik si Rei
"Eh ikaw? Gumagawa ka parin ba ng kanta? Di mo pa din sinasabi kay Rei?" Tanong naman ni kuya Sev
"Kuya napag usapan naman na natin to, mas malaki ang posibilidad na hindi ko kayanin ang ganon" pero ang totoo ayaw ko lang, gusto ko mag kaiba kami ni Rei at mas may talento siya kaysa sa akin
"Bunso tigilan mo na kami sa ganiyan mo, alam na namin pinag gagawa mo" nagulat ako dahil sa sinabi ni kuya Sev
"H-huh?" Maang maangan ko kahit na kinakabahan
"Sinabi na sa amin ni Simba" lintik talaga yang si boss hindi mapag ka tiwalaan
"Ayos lang naman ang ginagawa mo bunso, ang amin lang sana nag sabi ka at sana hindi ka padalos dalos" sabi ni kuya Steel
"Oo nga, ang sabi ni Simba madalas kang inaatake kapag may hinahabol kayo, buti nalang nga daw at mabilis silang natatapos at nadadala ka nila agad sa HQ ninyo" dagdag ni kuya Sev
"Alam na ba ni mama?" Tanong ko
"Hindi pa namin sinasabi bunso, pero sana mamaya sabihin mo na" doon nag tama ang mata namin ni kuya Steel
Malumanay lamang silang dalawa pag pinapagalitan ako dahil alam nilang mabilis ako mag tanim ng galit, mababaw akong tao at mabilis masaktan
Nakarating kami sa ospital at nang makita ko si boss ay agad ko siyang pinaulanan ng suntok at sabunot
"Aray! Hinayupak ka! Nyx tulungan niyo ako!" Pero walang tumutulong sa kaniya
"Bakit mo sinabi kila kuya? Alam mo namang ayaw kong malaman nila ginagawa ko?! Hinayupak ka boss!" Si kuya Sev ang humila sa akin at inilayo ako kay Boss
"Ses tama na, pumasok na tayo sa loob" mahinahon na sabi ni kuya
Nakita ko pa na pinag tatawanan nila Nath si boss dahil mayroong pasa ito sa gilid ng labi
Hindi puwedeang marami sa loob ng clinic kaya sa labas nag hintay sila boss at ang tanging kasama ko lang ay sila kuya Sev
"Long time no see Mr. Glaucius and I see kasama niyo na ang kapatid niyo" at tumingin sa akin ang doktor
"Matagal tagal na nga rin dok noong nag punta dito si Ses, gusto lang namin siya ipa check-up" nakangiting sabi ni kuya Sev
Sus sumama lang naman ata si kuya para landiin ang doktor ko eh, siya rin ang laging nag pupunta dito para sa mga kailangan kong inumin dati
"Alright let's see Ms. Glaucius" itinapat ni doktora ang kaniyang stethoscope sa iba't ibang parte ng aking katawan
"How are you feeling? Base sa narinig ko something's not right, so I need you to be honest" seryosong sabi nito
Tumingin ako kila kuya at nakita kong nag aantay sila ng sagot mula sa akin
"Uhm, dok kasi inuubo ako sumila pa noong nakaraang linggo, almost 2 weeks na ata" tumango lamang ito at may isinulat sa kaniyang papel
"And? Any difficulties of breathing? Chest pains?" Tanong nito muli
"Kahapon at kanina po dok, I had chest pain and every time I'm coughing at napapadalas din akong atakihin ng asthma" bumuntong hininga ang doktor
"Can I talk to your guardian first?" Tinanguan ko ito at tinignan sila kuya
Seryoso ang dalawa at sinenyasan akong lumabas muna
Nang makalabas ay nakaramdam ako ng hindi maganda
"Oh ano daw resulta?" Tanong agad ni Nyx
Hindi ko ito sinagot dahil parang mayroong bumabara sa aking lalamunan, gusto ko itong ilabas
Naging sunod sunod ang aking pag ubo at nanghina, agad akong nasalo ni Sepheus at unti unti akong nahihilo
"Hey you alright?" Kita ko ang pag aalala sa kanila
Patuloy lamang ako sa pag ubo at may roon ang naramdamang basa sa aking kamay, doon ko nakitang may dugo ito
Naging malabo ang paligid sa akin at pa onti onti akong nanghina
Huli kong naalala ang pag buhat sa akin ni Serpheus at ang mukha ni boss na tila natataranta habang mayroong tinatawag
BINABASA MO ANG
Happiest Year
RandomSestel Glaucius is known as the weakest yet also the strongest girl in their neighbourhood Qyrei Sivron is one of the rising male singer and song writer They have each other's back in sickness and in health but life betrays Sestel was diagnosed wit...