Chapter 20

12 1 0
                                    

Hello!! This will be the last chapter, pero meron pang epilogue and many things can happen with just a chapter.

--------
Married

After I said those words, agad silang nag handa. Lahat ay nag aayos

Kita ko sa kanilang mga mata ang saya at hilam na luha

Nandito ang lahat, mula kila mama, kuya at sa mga kaibigan ko, nakakagulat man pero maging ang mga natulungan namin ay nandirito

Katulad ng napag usapan, simple lamang ang aming kasal dahil hindi ko na din kayang lumabas, dito na lamang sa loob ng aking kuwarto

Malaki ang kuwarto na kinuha ni Rei kaya kasiya kaming lahat

"Ang haba naman ng hair" naiiyak na sabi ni ate Aida, siya ang matagal ko ng nurse at naging mag kaibigan na kami nito dahil sa tagal ko sa ospital

"Syempre! Nabingwit ko pa singer oh!" Kahit nang hihina ay pinasigla ko ang aking boses

"Basta beh wag bibitaw ha, lavarn lang" ani nito bago umalis matapos ayusin ang aking IV

Nakikita ko ang pag aayos kay Rei, nakangiti ito habang kinakausap ang make up artist at ang isang camera man

We want to document our wedding, kahit na hindi magarbo, we want his fans to be part of our wedding

"Nakaayos na ang camera, yung pare nandiyan na sa baba" kinabahan ako sa sinabi ni Boss

Kinakabahan na natutuwa, hindi ko alam pero isa lang ang masasabi ko

Magiging Mrs. Sivron na talaga ako ngayong araw, maikakasal na ako sa lalaking simula bata ay kasama ko na

Nahuli kong tumingin sa akin si Rei kaya't agad ko itong nginitian

My only wedding wish is, him to be happy with or without me. I want him to continue our story even though I'm no longer with him

Nang maayos na ang lahat ay doon na pumasok ang pare at pumwesto na sa aking tabi si Rei

Hinawakan nito ang kamay kong walang IV at marahang pinisil, agad ko siyang nginitian dahil dama ko ang panlalamig ng kaniyang kamay

Hindi ko mapigilang matawa dahil mayroong mga butil ng pawis sa kaniyang noo

"Love natatae ka ba?" Natawa ang mga nakarinig, maging ang pare ay natawa sa aking sinabi

"Love pinapahiya mo nanaman ako" mahinang bulong nito na ikinatawa ko muli

Sumenyas na ang pare na mag sisimula na ang seremoniyas, hanggang matapos ang seremoniyas ay nakahawak sa aking kamay si Rei

Oras na para sa aming vows, humarap sa akin si Rei at hinalikan ang aking kamay

"Love? Do you remember our promise? The 'through ups and down we'll support each other'?" Tinanguan ko ito

"Guess what? We are now in upgraded version, its now 'til death do us apart'" sandali itong tumigil

"Simula pag kabata natin, pinangako na sa sarili ko, wala akong ibang pakakasalan kung hindi si Sestel Glaucius, ang batang mahilig makipag away, ang batang lagi akong tinutulak, ang batang nang hawa sa akin ng kuto" nahampas ko ito dahil sa huling sinabi

"Truth hurts love, ikaw naman talaga nang hawa sa akin ng kuto. Pero alam mo? Kulang pa ang depinisiyon ko eh, noon ikaw ang nang aaway pero ngayon ikaw na ang nag tatanggol, noon inaaway at tinutulak mo ako pero ngayon hinahalikan at niyayakap mo na ako, at higit sa lahat you've grown into a strong and beautiful lady" kahit puro kalokohan ay nagagawa niya parin akong mapangiti

"I promise to love you unconditionally, I promise to be by your side and I'll be fighting with you. Gagawa pa tayo ng basketball team" at hinalikan ako nito sa aking noo

Ngayon sa akin na ang pokus ng mga tao

"I don't know what to say, hindi ko pinag handaan ito" mahina akong natawa dahil iyan ang totoo

"Since we we're young, I never imagined you being my husband or even being my crush dahil nga may kuto ka at tarantado. But here I am doing this vow with you beside me"

"I don't want this to be long so I'll just summarise what I want to tell you"

"So love this is it, ako na ang asawa mo, sa akin na mapupunta pera mo, yang oras mo hahatiin mo na dahil mayroon kang susuyuin" natawa ang karamihan dahil sa aking sinabi maging si Rei

"But love I just want to say to you that, even if we we're parted in this lifetime, I'll find a way to be reunited with you again and again"

"Kahit nakakaasiwa ang mukha mo, I would always love to see it first thing in the morning love, mahal na mahal kita at wag na wag mo iyan kakalimutan" hindi ko napansin ang luhang pumatak sa aking pisngi kung hindi pa ito pinunasan ni Rei

"You may now kiss the bride" anunsiyo ni Father

Nagkaroon lamang ng panandaliang picture taking dahil kailangan ko ng mag pahinga

"Love kasal na tayo, baka naman" alam ko ang ibig sabihin nito

"Ikaw hayok na hayok ka no?" Tumango naman ito na ikinatawa ko

"Siraulo ka talaga" ngumiti ito at niyakap na lamang ako

"Ang sarap pala sa feeling na ikasal sa mahal mo ano? Para kang nakalutang sa sobrang saya at sarap sa pakiramdam" mahinang bulong nito

Nakahiga na kami sa aking hospital bed, nakayakap siya sa aking likod habang ang mukha niya ay nakabaon sa aking balikat

I always wondered, what would it feel if someone is hugging you like this, but now I'm experiencing it

Napangiti ako dahil napaka sarap nga sa pakiramdam ng ganito, yakap ka ng mahal mo at kasal kayo

"Love let's do it" bulong ko sa kaniya

"Weh? Mamaya hindi totoo yan ha"

"Ayaw mo edi don't" tumawa muna ito bago umupo at pinaharap ako sa kaniya

"Aren't you tired? Ayaw ko mapagod ka"

"Ang arte mo, bahala ka wag nalang, nag bago na isip ko" tumawa muli ito bago ako hinalikan

And that night, I felt at ease. I don't feel any pain, I only feel him.

Happiest YearTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon