Chapter 4

10 2 0
                                    

Argue

"Hey you alright?" Tanong sa akin ni Serpheus ng hindi ako tumigil sa kakaubo

"Yeah I'm fine" it was a lie, I feel like throwing up, my chest hurts everytime I cough

Ilang linggo na ba ako mayroong ubo? Hindi ko na alam, ayaw ko mag pa check up dahil kinakabahan ako

"Are you drinking meds?" Tanong nito

"Oo" sagot ko lamang

Kahit nanghihina at hindi gaanong makahinga ay pumunta parin ako dito sa aming HQ para makipag kulitan sa kanila

"Namumutla ka, sure ka ayos ka lang dai?" Tanong ni Nath sa akin at inilapat pa ang kaniyang kamay sa aking noo

"Ayos nga lang ako, uuwi naman ako kapag hindi ako ok eh" nginitian ko lamang ito at humilig sa braso ni boss

"Matulog ka nalang muna diyan, pahinga ka" sabi nito at inakbayan ako para hindi mahirapan

Lalo akong sumiksik dito at sinubukang matulog, pero hindi ako makahinga ng maayos at mayroon pa kaming video call mamaya ni Rei

Nag simulang mag vibrate ang aking telepono at alam kong si Rei na ang tumatawag doon

"Ako na sasagot" hindi na ako makaalma sa sinabi ni boss dahil parang nanghina ang katawan ko 

"Bakit ikaw ang sumagot? Asan si Ses?" Natawa ako sa narinig ko

Kahit kailan talaga itong si Rei, minsan naiisip ko talagang may galit si Rei kay boss eh

"Masama pakiramdam" kinurot ko sa tagiliran si boss dahil sa sinabi

Hayop! Hindi nanaman ako nito titigilan

"Ses, you alright?" Nakita ko ang pag aalala nito mula sa screen ng aking telepono

"Kahit namang sabihin ko na ayos lang ako hindi ka maniniwala" sabi ko dito habang nakangiti

"Stop smiling Sestel, this is a serious matter" here we go again

"Rei stop over reacting" inis kong sabi dito

"Ses I'm not over reacting, you just don't care about yourself" nainis ako lalo sa sinabi nito

"Ano bang problema mo? Sinabi ko namang ayos lang ako" singhal ko dito

"Ikaw Ses! Ikaw ang problema ko! Can't you see? I'm worried sick yet there you are doing nothing, ano ayaw mo na ba mabuhay?" Kita ko ang galit sa mukha nito

"Paano kung ayoko na? May magagawa ka ba? Puwede ba Rei ayoko na marinig ang sermon mo" sabi ko dito at binabaan ito ng tawag

Inis akong tumayo para umuwi ng bigla akong pigilan ni Nathalie

Hinawakan ako nito sa braso at nakita ko silang apat na nakatingin sa akin na nag aalala, just like Rei

"Oh come on guys, I'm tired" sabi ko sa kanila bago tumalikod uli

"The guy's just worried about you" rinig kong sabi ni Sepheus

Hindi ko ito sinagot at kinuha ko ang bag, katabi ito ni boss kaya hinawakan niya ito at itinago sa kaniyang likod

"Why don't you just listen to Qyrei? He's just worried" Nainis ako dahil mas kinakampihan pa nila si Rei kaysa sa akin

"Just let me live my life, Simba" sabi ko dito at pilit inaagaw ang bag sa kaniya

"Bakit ba kasi ayaw mo mag pa check-up? Natatakot ka ba sa resulga? May nararamdaman ka ba?" Sunod sunod na tanong ni Nyx sa akin

"Pag sinabi kong ayoko mag pa check-up ayoko! Buhay ko ito, ako ang masusunod" sabi ko dito at hinigit ang bag sa likuran ni Simba

I don't like the idea of going to the hospital, I feel like I'm dying just by looking at it

I don't want to go there, I don't want to be disappointed that I'll not live longer

Sabihin niyo ng OA ako pero ayoko, ayoko dahil isa lang ang ibigsabihin ng ospital, doon dinadala ang mga may sakit

Ayokong maging mahina, ayokong mag mukhang mahina

Sinalubong ako ni mama pag uwi at seryoso ang mukha nito, mukhang kinausap siya ni Rei

"Anak bakit ayaw mo mag pa check-up?" Tanong niya sa akin

"Ma, alam mo namang ayoko sa ospital" sabi ko dito

"Uuwi na ang mga kuya mo mamaya, bukas na bukas ay mag papa check-up ka" seryoso nitong sabi

Bago pa man ako maka alma ay tumayo na ito at umakyat pa akyat sa kuwarto

Now what? Wala na akong magagawa, I need to get ready

Ayaw man ng aking kalooban ay tinawagan ko parin si Rei, I need to say sorry

Hindi pa nakaka dalawang ring ay sinagot na niya ito, maayos na ang itsura nito

Mukhang mag peperform na ito at inistorbo ko sa kaniyang pag aayos

"Ano?" Inis nitong bungad

"Sorry" mahina kong sabi

"Yeah, mag pa check-up ka na daw bukas sabi ni tita" sandali itong tumigil dahil nilgyan siya ng lipstick

"Bukas sasama din sila Simba sayo, you don't have to be worried alright? Andito naman kami eh"

"Through ups and down?" Itinapat ko ang hinliliit sa camera

"In sickness or in health" ipinakita din nito ang hinliliit

Corny man, pero simula bata ay ginagawa na namin ito

This became our way of doing a promise, we want it to be unique kaya ginaya namin ang sa mga ikinakasal

"Hindi ka na galit?" Tanong ko dito at humiga padapa sa aking kama

"Hindi na, basta bukas balitaan mo ako, dapat pag uwi ko mag bonding tayo" nakangiti nitong sabi

"Oo naman, basta ba walang kalimutan ng pasalubong" sabi ko dito

"Pati rin pala sila boss bigyan mo, may bago din kaming miyembro tapos alam mo ba ang gwapo non" dagdag ko 

"Yeah Simba said that to me, by the way I need to go" bago pakomakapag salita ay pinatay na nito ang tawag

Problema non? Hayop di manlang ako pinag salita

Sa gabing iyon ay pinanood ko lamang siya sa isang site kung saan pwedeng manood ng live performance

Happiest YearTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon