Chapter 9

10 2 0
                                    

First

Nagising akong mayroong nakahawak sa aking kamay, ng aking tignan ay nakita ko si Rei na natutulog habang nakaupo

Hindi ko napigilan ang sarili na titigan ito, ang suwerte ng magiging jowa nitong kolokoy na to

Gwapo na, malaki pa sahod tapos araw araw ka pang mahaharana

"Suwerte talaga ng magiging jowa mo" bulong ko dito

Pwede bang ako nalang iyon? Pwede bang ako nalang yung mamahalin mo? Yung gagawan mo ng kanta

"Hayop kang kolokoy ka ang lakas ng charisma mo, pati ako nadale" bulong ko muli dito

Nakita ko ang pag kunot ng noo nito at ang unti unti nitong pag dilat, inantay ko lamang itong magising

Nang maidilat na niya ang kaniyang mata ay ngumiti ako ng pag ka tamis

"Gutom ka na?" Tanong nito sa akin, tinanguan ko lamang ito

"Mamaya pa naman ang chemo mo diba?" Tinanguan ko uli ito

"Ano gusto mo?"

"Chicken, spaghetti at burger steak dapat yung jollibee" sabi ko dito habang nakangiti

"Pwede ka ba non?"

"Oo naman" nakangiti ko paring sabi dito

"Bibili lang ako doon tawagan mo ako kapag may kailangan ka pa ha" sabi nito bago lumabas sa aking kwarto

Kinakabahan ako para mamaya, ang sabi ng doktor ko ay mang hihina ako sa unang chemo ko

"Kailangan ko na kayang mag wig?" Ganon ang nakikita ko sa mga palabas

Pag nag kakaroon ng cancer ang bida nalalagas ang buhok nito, siguro dahil sa chemo

Taena naman kung kailan naman may alone time ako kay Rei doon pa ako makakalbo, badtrip naman!

Nakabalik agad si Rei na mayroong dalang paper bags na mayroong tatak na bubuyog

Napapalakpak agad ako at lumapit sa kaniya para tulungan

"Ako na, umupo ka nalang doon baka mahilo ka pa"

"Bilis! Gutom na ako, kain na tayo!" Excited kong sabi

Naging tahimik ang aming pag kain dahil parehas gutom at seryoso sa pag kain

"Sandali" timingin ako dito, itinaas niya ang kamay at pinunasan ang gilid ng aming bibig

"May gravy" sabi nito at ipinunas ito sa tissue

Hutaness bakit ka ganiyan! Paasa ang hayop! Sigurado namumula na ako at sigurado nawala ang pamumutla ng mukha ko

"Ayos ka lang? Namumula ka" itinapat nito ang kamay sa aking noo

"Nahihirapan ka bang huminga?" Tanong nito na ikinailing ko

"Bakit ka namumula?" Umiling lang uli ako, at doon nakita ko ang mapag larong ngisi nito

"Kinikilig ka noh? Yiie!" Hayop nang asar pa nga

"Alam mo assumero ka din eh noh?"

"Sus, Ses alam mo ayos lang sakin na crush mo ako, crush din naman kita" tangna ano kami teenager

"Hoy mahiya ka nga! Hindi na tayo teenager"

"Ayos lang baby face naman tayo eh, di nga halata na mag fo-forty ka na eh" kapal talaga

"Gago mas matanda ka sakin" asik ko dito na ikinatawa niya lamang

Natigil kami sa pag kukulitan ng bumukas ang pinto at iniluwa nito sila Boss

"Sht boss ayos ka lang?" Tanong ni Nyx ng mapang asar

"Gago" sabi naman ni boss at binatukan ito

"Boss ayos lang yan parehas lang kayo ni Serpheus bokya" narinig ko din sabi ni Nath

"Bakit kayo nandiyan? Pasok kayo" sabi ko sa kanila

"Boss pasok daw" sabi ni Nyx at tinulak si Boss

Sabay sabay kaming kumain dahil hindi din pala nag almusal ang mga loko dahil gusto akong kasabay

"Alam niyo ba nung bata kami, lampa yan si Ses laging may sugat kasi napapatid" Tumawa pa si Rei habang nag kukwento

"Sa sobrang lampa nalingat lang kami sandali may sugat na agad siya sa tuhod" natawa sila habang ako ay hindi na makangiti

Mga sira ulo, kung mag usap sila parang wala ako dito

Natigil sila sa pag tawa ng muling bumukas ang pinto at iniluwa noon sila kuya kasama ang doktor

"Anak start na ng chemo mo" kinabahan ako

"Wag ka kabahan Ses, lampa ka man matatag ka naman" bulong ni Rei sa akin

Napapatingin ang mga nasa ospital dahil sino ba ang hindi, isang pasyente lang pero napakadami na ng kasama, lahat sila ay nag pumilit na pumasok sa maliit na kuwarto

"Pag tapos nito ay baka mawalan ka ng gana kumain pero kailangan mong kumain, may mga time din na mag susuka ka bilang side effect, kailangan niya po lagi ng bantay dahil pwede siyang mag choke pag hindi nailabas ang suka and she'll be more prone to infection" paalala ni Doc bago idikit ang kung ano sa aking dibdib

"Pag masakit hawakan mo lang kamay namin" sabi sa akin ni Rei

Nasa kanan ko si Rei habang nasa kaliwa ko naman sila kuya, si mama naman ay nanonood lang pati sila boss

"I'll start the session now" anunsiyo ng doktora

Walang sakit akong naramdaman pero patuloy lamang ang panginginig ng aking mga kamay

Natapos ang session na iyon at doon ko naramdaman ang sinasabi ni doc

"That's normal, masasanay din ang katawan mo, just be strong sweetheart" sabi sa akin ng doktor

Nang makabalik sa aking kwarto ay nakatulog agad ako, hindi na ako nakapag paalam kila boss dahil sa pagod

Kinabukasan ay nagising akong walang gana at kulang sa enerhiya

"Hey" narinig kong bulong ng kung sino

Nang tignan ko iyon ay si Rei ito, napangiti ako doon

"H-hey" mahina kong sabi

"Gutom ka?" Inilingan ko lamang ito

"Nasusuka ka?" Muli ko itong inilingan

Kinahapunan ay nag suka ako at nawalan ng gana, sabi ng doctor ay normal lang ito dahil nga side effect ito ng chemo na ginawa namin

Happiest YearTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon