Chapter 13

517 8 3
                                    

Author's Note: Sorry late update tagal ko talaga mag-UD pero hinabaan ko ito para makabawi ako, ehehe. Sana magustuhan niyo. Sayo ko nga pala ide-dedicate ito irishanne_0321 dahil nag-pm ka pa talaga sa akin. Salamat sa pagsuporta. :)

**************************

HINAHANAP ni Peter sina Ashley at Mona dahil sa wakas matapos ang halos tatlong araw na di nila pagkikita ay makikita na niya ang mga ito at panigurado magugulat ang mga ito kapag nakita siya ng mga ito. Excited na siya sa magiging reaction ng mga ito lalo na si Ashley. Kinakabahan siya at di mapakali baka kasi di siya magustuhan ni Ashley. Baka masayang lang ang effort nila ni Jillian.

Tandang-tanda niya pa noong pumunta siya sa mansyon ng mga ito at iyon ang araw na pumayag siya makipagsabwatan dito.

Dumalaw si Peter sa mansyon na tinitirhan ni Jillian.

Kung noong mga nagdaang araw ay tumutol siya rito sa gusto nitong mangyari ngunit ngayon ay nagbago na ang isip niya. Buo na ang loob niyang tulungan ito sa mga plano ito.

Pinapasok siya ng maid nito sa kuwarto nito. Mukhang nakikilala pa rin siya nito kahit matagal na siyang hindi nadadalaw sa mansyon at hindi na siya inusisa pa. 

Pagpasok niya sa tinutuluyang kwarto ni Jillian nakita niya itong nagtsatsa sa biranda. Nilapitan niya ito at hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. 

"Sige, pumapayag na ako sa gusto mo. Tuloy na natin ang plano mo" 

Masaya si Jillian nang marinig nito sa bibig niya ang pagsang-ayon niya sa plano nito.

"I am so glad you are now in your right senses. You make the right decision Peter," sa sobrang tuwa nito sa kanya na pa yakap ito sa kanya.

Ahhh~ how he miss her so much. Kaya gumanti rin siya ng yakap dito.

"I'll make sure that Ashley will notice you. I promise." 

Iyon naman talaga ang pinunta niya rito ang plano nitong mapaglapit sila ni Ashley.

Sa totoo lang noong una wala siyang balak sa nakipagkasundo rito ngunit ano ang magagawa niya? Natukso siya sa alok nito lalo na ang madalas na pagkita niya kila Ashley at Jesse na magkasama ay mas nagpausbong ng papaasam niya na mapansin siya ni Ashley. Sawa na siya maging si 'unknown' na isang admirer ni Ashley. Gusto na niya magpakalalaki rito at i-take ang risk ng friendship nila.

Kumawala na sa pagkakayakap si Jillian sa kanya at binabaling siya nito pakanan at pakaliwa na nang oobserba. 

"Para magawa natin ang plano natin kailangan mo ng make-over."

Napakunot ang noo niya. Ano ba ang problema sa suot niya? Ganoon ba siya ka panget? 

Mukhang na basa nito ang nasa isip niya kaya bigla itong nagpaliwanag sa kanya. "Oops! I know what your thinking but believe me this is for your own sake. Kung gusto mo talaga mapansin ka ni Ashley you need some changes and the first thing we should do is your appearance." 

Umikot pa ito sa kanya tila para siyang specimen na tinitigan nito sa microscope at tinignan siya nito mula ulo hanggang paa. At di pa ito nakuntento at pumaikot pa ito sa kanya. Hindi niya tuloy maiwasan hindi ma-conscious at pinagpagpag niya ang damit niya at inaayos ang konti

Himas-himas nito ang baba nito habang nakatayo ito sa harap niya.

"Your fashion sense is too dull as if your always attending to science convention. At ayaw mo ng strip noh? Lagi kita nakikitang nakastrip. Kundi nakastrip nakacheckerd naman. Your too neat and tour hairstyle grabe hindi bagay sayo..."

Napamaang na lamang siya rito. Puro lait kasi naririnig niya rito. Alam niyang may pagkanerd siya pero what's bad for wearing strip or checherd? And what did she say? He is too dull? Lagi kaya nasa uso yung mga damit niya. He always make sure na updated siya noh, how come he still too dull? 

Peerless RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon