Chapter 14

602 9 6
                                    

NAGPASYA si Jesse na puntahan ang ate niya kinabukasan. Sakto naman pagpunta niya sa silid nito ay gising na ito.

Nakaupo lamang ito sa kama nito, habang na nakatanaw sa bintana nito kung saan makikita ang malawak na hardin ng mansyon ng Cantivalez.

Tila nakatingin sa kawalan. Malalim ang iniisip at di nito na pansin ang pagpasok niya.

Hindi na iyon bago sa kanya. Simula ng maikasal ang ate niya lagi na itong malungkot. Hindi na ito ang ate niyang masayahin. Nag-iba na ito.

"Ate? How are you?"

"Ito look beautiful as always, haha," pagak na tawa nito. Alam ni Jesse pinapagaan lang ng ate niya ang loob niya pero hindi pa rin ito nabawasan para hindi mag-alala rito.

"Ate. I know your not okay. When was the time that getting a divorce is okay?"

Saka naman nawala ang ngiti nito ng marinig siya. Napatingin na naman ito sa bintana na mukhang nandoon ang tinititigan.

"Sometimes, getting married is not as blissful as what as we know..."

Napatahimik siya rito. Hinayaan niya magsalita ito at siya ay nakikinig lamang rito.

"We are not like others who get married because of love. In our case, we married because we oblige to. For the benefit of the others, we need to protect them. We need to be secure. Kaya nga bawal mainlove kasi talo tayo. Because falling in love is also a prerequisite of getting hurt."

Maluhaluha pa ito sa habang nakatanaw sa kawalan. Ramdam niya ang lungkot nito. Lahat kasi ng sinabi nito ay tama. Wala sa lugar nila ang magmahal.

"Miguel is a fine man. Wala akong naging problema sa kanya. Ever since siya lang talaga ang matsaga sa akin ako lang naman itong may problema. He all have everything a woman would want to marry pero my heart still choose him. Only Greg."

Hanggang ngayon pa rin pala si Greg, ang dati nitong nobyo, ang mahal nito. Limanh taon na rin ang lumipas simula ang magkahiwalay ang mga ito pero para sa ate niya tila kahapon lamang nangyari iyon.

"With Greg I am willing to sacrifice all my prada bag to divisoria bag. You know how weak I am when it comes to my signature items pero sa kanya I am willing to give it up. Basta siya kasama ko, ayos lang."

Hindi na pigilan ng ate niya ang maluha habang binabalik tanaw nito ang nakaraan. "But it's not the case. I left him behind. Because... I am too impatient. Hindi ko na siya na hintay."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 01, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Peerless RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon