Can I rest?

14 2 7
                                    

"Asdfghjkl" sigaw ni mama

"qwertyuiop" sigaw pabalik ni papa

"Ma, Pa tama na yan" awat ko sakanila

Palagi na lang silang nag aaway at nagsisigawan.. Kapag inaawat ko sila ay ako naman ang sinisigawan nila..

"Ikaw bata ka! Bkt ka ba nakikialam?! Anong bang alam mo sa pinag aawayan namin ng papa mo?! Ha?!" sigaw saken ni mama

"Alam mo perwisyo ka lang naman dito eh!! Lumayas ka na lang dito!! Baon na kami sa utang ng papa mo dahil sayo" sigaw ulit ni mama saken

"Bkt ba kase ikaw ang naging anak ko?!! Bkt kasi sakitin ka??! Edi sana hindi tayo baon sa utang ngayon.. At nakakakain tayo ng 3 beses sa isang araw!! Lumayas ka na dito!!" sunod sunod na sigaw saken ni mama

Andito ako ngayon sa sulok, umiiyak.. Alam ko naman na baon na kami sa utang eh.. Galit din ako sa sarili ko.. Bkt kasi sakitin ako? Bkt ganto ang buhay na binigay samin?

"Oh ayan, gamit mo! Lumayas ka na dito! Perwisyo ka lang samin Catalina!!" sigaw saken ni mama saka hinagis saken yung mga gamit ko

Umiiyak ako habang kinukuha yung mga gamit ko.. Palabas na ko ng pintuan, tinignan ko ulit sila mama at papa.. Si mama ay nasa kusina habang si papa ay nasa sala nakaupo.. Tinignan ko pa sila ng ilang segundo bago ako umalis gaya ng sabi nila..

***

Di ko alam kung saan ako ngayon pupunta.. Lakad lang ako ng lakad dito sa gilid ng kalsada.. Kahit natatakot ako dahil sa kumakalat na virus ay nagderederetso lang ako sa paglakad.. Hanggang sa may marinig akong pumito, tumingin ako sa likod ko at tumakbo..

Naabutan ako ng mga tanod at dinala sa barangay.. Tinanong nila ako ng tinanong pero hindi ako sumasagot..

"Bata, san ka nakatira?" tanong nung brgy. Kaptain nila

"Bata, alam mo ba kung anong oras na?? Bawal na ang tao nakatambay sa ganitong oras" sabi nung isang tanod

"Bata, sumagot ka naman.. Pano ka namin mahahatid sainyo?" sabi naman nung isa pang tanod

Tinignan ko sila, biglang dumoble ang paningin ko.. Hinawakan ko yung ulo ko sabay kapit din sa lamesa ng kapitan nila.. Hanggang sa namalayan ko na lang na nahimatay na ako..

***

"asdfghjkl" rinig kong sabi

Unti unti kong binuksan yung mga mata ko.. Unang nakita ko ay ang puting liwanag.. Teka, patay na ba ako?? Pero nung tinignan ko ang paligid ang nakahinga ako ng maluwag.. Hindi pa ako patay, pero anong ginagawa ko dito sa hospital??

Biglang may pumasok na doctor at nurse, balot na balot sila.. Para bang takot sila na mahawaan ng sakit.. May sinasabi sila sa isa't isa na hindi ko maintindihan..

"Anong pangalan mo??" tanong nung doctor

"Catalina po"

"Catalina, wag kang matatakot.. Tutulungan ka namin gumaling" sabi ng doctor

"Ha? Ano po bang sakit ko doc?" tanong ko

"Catalina, you're a COVID 19 positive"

Hindi ako nakapagsalita agad dahil sa pagkabigla.. Di ko alam na umiiyak na pala ako.. Tiningnan ko si doc

"D-doc, s-seryoso po ba k-kayo??" utal kong tanong kay doc

"Oo, Catalina.. Pero wag ka mag alala, gagawin namin ang lahat para gumaling ka" sabi ni doc

"Basta Catalina, magdasal ka lang palagi at smile ka lang palagi.. Think positive Ha? Sa ngayon yun ang gamot namin sa sakit mo, pero naghahanap na kami ng paraan para sainyo lahat.. Cheer up lang palagi ahh? Ako ang magiging nurse mo ngayon.. Ako si ate Liz.. Aalis na kami, Catalina.. Basta lagi ka lang magdasal ahh?" masayang sabi ate Liz na chinicheer up ako

Pinunasan ko ang mga luha ko saka nguti kay ate Liz bago sila lumabas ng kwarto na ito.. Bago lumabas sila ate Liz nakita kong nginitian nya rin ako kahit nakaface mask sya dahil sa mga mata nyang sumingkit..

Habang tumatagal, lalo akong nanghihina.. Araw araw akong tinitignan ni ate Liz sa bintana ng kwarto na ito.. Pumapasok lang kapag binibigyan nya ako ng pagkain.. Lagi lang syang nakangiti saken..

Ngayong araw, pakiramdam ko ay parang pasan ko ang buong mundo dahil sa sobrang bigat ng pakiramdam ko.. Pilit kong nilalaban ang bigat ng pakiramdam ko kahit gusto ko ng sumuko.. Hanggang sa unti unti na akong sumuko at unti unti pumikit ang mga mata ko.. Bago ko tuluyang napikit ang mga mata nakita ko si ate Liz na nakasilip sa bintana ng kwarto ko at nakangiti sya kahit lumuluha..

Tuluyan na akong nalagutan ng hininga.. Masaya ako kahit inabanduna ako ng mga magulang ko dahil perwisyo lang ako sakanila ay meron parin nagmahal saken kahit na sa maikling panahon.. Nagpapasalamat ako kay ate Liz kase sya yung taong tinulungan akong lumaban sa sakit na COVID 19 pero hindi na talaga kinaya ng katawan ko dahil sakitin ako.. Masaya ako dahil kahit sa huling pagkakataon ay LUMABAN ako kahit alam kong mahihirapan lang ako..

Hanggang sa muli, ate Liz.. Sana magkita pa tayo sa susunod kong buhay

***
azyllaelocinanival

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now