Magkakasama kami ngayon ng mga kaibigan kong sila Thadia, Kiro at Zash.. Ako nga pala si Dieus Lurthan.. College student na ako katulad ng mga kaibigan ko.. Andito kaming apat sa library kasi malapit na ang finals namin kaya kailangan ng magreview.. Halos 3hrs na kaming nagrereview kaya naisipan na naming umuwi dahil hapon na din.. Dumaan muna kami sa silid nila Thadia dahil may kukunin pa daw sya..
Nang malapit na kami sa silid nila Thadia, may napansin akong isang silid sa dulo ng pasilyo.. Di masyado halata ang silid na iyon dahil medyo madilim sa parteng iyong ng gusali..
“Uyy, tignan nyo.. May room pala sa dulo ng hallway..” sabi ko sa mga kaibigan ko.. Ngayon lang din nila yun napansin
“Oo nga noh.. Ngayon ko lang nakita yan.. Puntahin natin pagkakuha ko ng gamit ko” sabi ni Thadia na mukhang gusto ng tignan ang silid na iyon..
“Bukas na lang naten puntahan.. Marami pa tayong gagawin pagkauwi diba?” sabi ko sakanila dahil madaming assignments at projects na gagawin at sa susunod na linggo na ipapasa..
Kinabukasan~
Kagaya kahapon nagreview ulit kami sa library.. Natapos na namin yung mga assignments namin saka malapit na namin matapos yung ilang projects namin.. Sabi nila Kiro at Thadia agahan namin umalis sa library para madaan namin yung silid sa dulo ng pasilyo..
“Ahm, Dieus Happy birthday nga pala..” biglang sabi ni Kiro.. Akala ko nakalimutan nya.. Matagal na akong nililigawan ni Kiro kaya akala ko ay nakalimutan nya..
“Happy birthday Dieus” bati din nila Thadia at Zash.. Malapit na kami sa silid sa dulo ng pasilyo ng may panyong tumakip sa mukha ko.. Hanggang sa naramdaman ko na lang na nawalan na ako ng malay..
***
Nagising ako mula sa pagkahihimbing.. Nandito ako sa isang silid, di ko alam kung saan ito dahil masyadong madilim sa loob.. Wala ako masyadong makita.. Sumisigaw ako dito ng “May tao ba dito?” ng ilang beses pero wala pading sumasagot..
Bumukas ang ilaw sa loob ng silid kaya nakita ko na ang paligid.. May itim na tela na nakahara sa harap ko pagkatapos sa likod ko ay ang pintuan.. Pumunta ako sa may pintuan para buksan ito at hanapin ang mga kaibigan ko,pero nakasarado ang pintuan kaya di ito mabuksan..
Unti unting naalis yung itim na tela sa harap ko at bumungad saken ang mga kaibigan ko, mga magulang ko, ang lola at lolo ko, at ang nga pinsan ko na kapareho ko ng school na pinapasukan..
May na bulaklak si Kiro at binigay ito saken.. Unti unti ng bumagsak ang mga luhang pinipigilan ko.. May hawak sina Thadia at Zash na tarpaulin at may nakasulat na ‘DIEUS WILL YOU BE MY GIRLFRIEND?’ kaya napatingin ako kay Kiro, nakaluhod na sya ngayon at hawak ang mga kamay ko.. Lalong akong naluha sa ginawa nya..
“Dieus, will you be my girlfriend?” tanong saken ni Kiro.. Tinignan ko ang mga magulang ko, tumango lang sila saken pati ang lolo at lola ko.. “Yes” sagot ko kay Kiro kaya napayakap sya saken ng mahigpit..
Sobrang saya ko dahil masaya din ang taong mahal ko.. Hindi ako magsisisi na sinagot ko sya.. Tumingin ako sa mga magulang ko, nakitang kong sabi nila ng walang boses na ‘We’re happy for you anak.. Happy birthday.. We love you’.. Dahil sa sinabi ng magulang ko ay lalo pa akong napaluha at napahigpit ang yakap ko kay Kiro
KIRO’S POV
“Kiro, bat ka nakangiti jan mag-isa?” natatawang tanong saken ng pinakamaganda kong asawa..
“Wala. Inaalala ko lang yung unang beses mo kong sinagot.. Dun yun sa room sa dulo ng hallway” nakangiti kong sabi sakanya.. Umupo sya sa tabi ko kaya inilapit ko sya saken at hinalikan ko ang noo nya..
“Sobrang saya at swerte ko dahil nakilala kita Dieus.. You made me change” sabi ko habang tinitignan sya sa mga mata nyang maganda..
“Hindi.. Ako yung sobrang saya at swerte dahil sayo.. Dahil nakilala kita” sabi ni Dieus at tinignan ako ng deretso sa mata.. Nakangiti sya at halatang masayang masaya sya na kasama ako.. Di ako nagsisi na niligawan ko sya kahit naging matagal ang panliligaw ko sakanya.. Hinalikan ko ulit ang noo nya
“I Love You.”
“I love you too.”
***
azyllaelocinanival(a/n: i know that this story is kinda weird... But pls bare with me HAHAHA baguhan lang po talaga ako sa pagsusulat nung nabuo ko yung story... Ps. Pasensya kung mali man grammar ko sa ilang parts ng story pati sa author's note ko HAHAHAHA btw, thank youuu all for supporting my one shot stories!!)
YOU ARE READING
One Shot Stories
Short StoryAng libro na ito ay ang pinagsama samang one shot stories ko. Hindi po ito by chapter... Sana po ay inyong suportahan ang aking mga likha. Maraming Salamat!! - Ysay (azyllaelocinanival)