Mama

13 4 0
                                    

"San mo gustong pumunta, nak?" tanong ni mama

"sa Jollibee po, mama.. Gutom na po ako eh" sabi ko kay mama sabay himas sa tyan

"Sige, nak.. Tara, bibihisan muna kita"

Pumunta kami ni mama sa kwarto.. Binihisan nya ako ng magandang dress.. Paborito ko po ang dress na ito kase regalo saken ito ni mama..

"Ang ganda ganda naman ng anak ko.. Bagay na bagay talaga sayo anak ang bestidang regalo ko.. Ikot ka nga, nak" sabi ni mama at umikot ako na parang prinsesa

"Tara na po, mama" sabi ko kay mama sabay hila sakanya palabas ng bahay

Nakita ko si ate Lene na papunta sa dereksyon namin ni mama.. Ang bahay nila ate Lene ay tabi lang ng bahay namin..

"Ate Lene!" tawag ko kay ate Lene at kumaway

"Oh! Jean.. San ka pupunta?"

"Pupunta kami ni mama sa Jollibee.. Kakain kami dun ate Lene.. Sama ka po?" nakangiti kong sabi kay ate Lene

***

Lene's POV

Nagulat ako sa sinabi ni Jean.. Nanlaki ang mata ko at nakaramdam ng takot at lungkot para kay Jean..

"Ate Lene, bakit ka po umiiyak?" hinawakan ko ang pisnge ko, umiiyak nga ako

"Ah, napuwing lang ako baby Jean" sabi ko kay Jean at ngumiti "Ah Jean, sama ka muna saken.. May ikukwento ako sayo"

"Sige po, ate Lene.. Tara mama, punta muna tayo kila ate Lene" tumingin si Jean sa tabi nya na parang may kausap at ngumiti

"Isang araw, may isang batang babae sa park kasama yung mama nya.. Suot nung batang babae yung regalo sakanya ng mama nya na bestida.. Ang saya saya nila tignan nung mga oras na yun.. Paalis na dapat sila ng Park, pero may bumaril sa likod nung mama ng batang babae.. Pagkatapos dinala ng mga tao yung mama ng bata sa hospital.. Pero ang sabi ng doktor ay patay na daw yung mama ng batang babae.. Sa Hospital, nakita ng isang mama ang batang babae na umiiyak sa tabi ng bangkay ng mama nya.. Inampon nya ito at tinulungan ipalibing ang mama nya.. Nakalipas ang ilang taon, hindi na maalala ng batang babae ang pangyayaring yun dahil ang alam nya ay kasama nya pa ang kanyang mama" kwento ko kay Jean na nakikinig lang saken, pinunasan ni Jean ang mga luha ko

"Ate Lene, kawawa naman po yung batang babae.. Wala na po syang mama" malungkot na sabi ni Jean kaya lalo akong naiyak at napayakap sakanya

"Jean, alam mo yung heaven diba?"

"Opo ate Lene.. Dun po nagpupunta yung taong mababait"

"Ganito kasi yun Jean.. Ang Mama mo ay nasa heaven na.. Nagpapahinga na sya dun kasi napagod magtrabaho at mabait sya kaya sya pumunta dun" pinunasan ko ang luha ni Jean, niyakap ko si Jean at niyakap nya din ako ng mahigpit

Naaawa ako kay Jean kasi ang bata nya pa para maulila.. Kasama nila ako nung mga panahon na yun.. Ako ay pinsan ni Jean, si mama ang umampon kay Jean.. Kitang kita ni mama ang sobrang lungkot sa mga mata ni Jean.. Nakalipas ang ilang taon napansin namin ni mama na hindi na naaalala ni Jean ang lahat pero mabuti na rin yun, kaya nagulat ako sa sinabi nya na may pupuntahan daw sila ng mama nya..

But I admired my cousin, because she's a brave little girl.. Kasi kahit hindi nya maalala ang mga nangyari ay lumalaban parin sya para sa sarili nya kahit bata palang sya.. May rason naman lahat ng pangyayari..

***
azyllaelocinanival

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now