Nanonood kami ni kuya Andrei ng cartoons sa sala kasi wala kaming pasok ngayon dahil sabado ngayon
Sobrang close kami ni kuya nung mga bata pa kami palagi kaming magkatabi matulog pero ngayon hindi na.. Sya yung palagi kong kasama at kausap pagwala sila mama
Kay kuya ko madalas inilalabas yung sama ng loob ko, mga problema ko, at yung mga bagay na hindi ko talaga kayang sabihin sa mga magulang namin na sakanya ko lang talaga nagsasabi..
"Anne, ito nga pala ang girlfriend ko.. Si Crystal.. Crystal, ito ang kapatid ko, si Anne"
"Hello Anne" nilahad saken nung gf ni kuya yung kamay nya tinignan ko muna yun bago ko abutin.. ngitian ko lang sya
"Ahh kuya punta lang akong kwarto" paalam ko kay kuya kase medyo naluluha na ako
"sige"
Umiyak ako ng umiyak sa kwarto.. Nawala ang atensyon saken ni Kuya dahil may gf na sya.. Di alam ni kuya na may sakit ako, sasabihin ko dapat sakanya yung nung araw na yun pero kasama nya yung gf nya kaya di ko nasabi..
Gabi gabi umiiyak ako at kapag nakita ako ni kuya na umiiyak tapos itatanong nya na "Anne bkt ka umiiyak?" ang isasagot ko lang ay "Wala 'toh kuya.. May role play kasi kami nagpapractice lang akong umiyak"
Nagpacheck up ako kasama si mama.. Sabi ng doctor na lumalala daw ang sakit ko... Nang maconfine ako sa hospital si kuya na ang nagbabantay saken palagi kaya hindi na madalas nakakapagdate si kuya at yung gf nya
"Anne pupuntahan ko lang yung gf ko sa park malapit dito sa Hospital"
"Sige kuya, balik ka kaagad" nanghihina kong sabi kasi bawat araw ay pakiramdam ko ay mamatay na ako anu mang oras
Nag aagaw buhay na ako nung dumating si Kuya Andrei.. Umiiyak ako pati sya umiiyak na din
"Sorry kuya Andrei" hinawakan ko ang kamay ni kuya
"Okay lang yun Anne"
Hanggang sa nabawian ako ng buhay.. Hindi kita kakalimutan kuya Andrei ikaw lang ang nag iisang kuya Andrei ko.. Hindi ko kakalimutan ang mga masasaya at malulungkot na memories na nagawa naten at yung mga araw na ikaw ang umaalalay saken sa mga problema ko..
Mahal na mahal kita Kuya Andrei.. Mahal na mahal ko din kayo mama at papa
***
azyllaelocinanivala/n: napost ko na po ito dati sa aking rp account.. Kaya po kung familiar sainyo, ako po yun HAHAHAHA mema lang po ang author's note na ito
YOU ARE READING
One Shot Stories
Short StoryAng libro na ito ay ang pinagsama samang one shot stories ko. Hindi po ito by chapter... Sana po ay inyong suportahan ang aking mga likha. Maraming Salamat!! - Ysay (azyllaelocinanival)