Chapter 19

150 2 2
                                    

Paalis na dapat ako pero bigla akong hinablot sa kamay ni Shin.

"Yancaster!"

Derecho siyang tumitig sa mga mata ko.

"Ano bang maipapalingkod ko sa Mahal na Reyna?"

Tinignan ko siya ng masama. "Tumigil ka nga! Naiirita na ko sa'yo!"

Binitawan naman ako ni Shin.

"E, bakit ka nga kumakatok?"

"Iyong heater kasi sa room ko hindi ko alam kung paano paganahin."

"Teka. 'Yong room pala na 'yan 'yong sinabi ni Mr. Yoon na nasira 'yong heater."

Ngumuso naman ako. "Ang yaman yaman niyo pero hindi mapagawa 'yong heater."

Natawa naman si Shin. "You can use my bathroom. I don't mind."

"Ang dami daming kwarto. Sa ibang room na lang."

Tumango siya. "Okay lang din naman kaya lang wala ngayon si Mr. Yoon and nakalock 'yong ibang rooms so, hihintayin pa natin siya."

"Wala kang susi?"

Umiling naman siya.

"'Yong totoo? Sainyo ba talaga 'tong mansion o nirentahan mo lang?"

Nagulat naman ako nang hatakin ako ni Shin papasok sa kwarto niya.

"O, ikaw na humusga kung kanino ba talagang mansion 'to."

Sa wall ng kwarto niya ay may malaking painting. Painting ko to be exact and yes! Ako talaga 'yong nasa painting.

Nasa classroom ako sa painting pero nakatulala ako sa may bintana.

"Ito ba 'yong painting na sinasabi ni Ae-ra?"

He shook his head. "Nope. May painting ka rin sa kwarto ko sa Montreal."

"Why?"

"Bakit nga ba, Kleiandra Olivia?"

Seryosong seryoso si Shin.

Nataranta ako nang dahan-dahang lumalapit si Shin.

Is he gonna kiss me?

Sa taranta ko ay napatili ako tsaka tinulak si Shin. Humagalpak naman siya tawa.

"What's wrong with you? Aabutin ko lang 'yong remote ng aircon sa likod mo. Nilalamig na ako."

"Bwiset ka, Aishin Yancaster!"

Humagalpak naman siya tawa.

"Maligo ka na. Lalabas na tayo para kumain."

I rolled my eyes. "Fine! Pagamit ng bathroom mo."

Hanggang sa makapasok na 'ko sa kwarto ko ay hiyang hiya pa din ako.

Walanghiya ka, Yancaster! Gusto mo talagang palundagin palabas ang puso ko!

Wala akong choice kung hindi makigamit ng bathroom ni Shin. Ayoko rin naman umalis ng walang ligo, ilang oras ko na suot ang damit ko.

"Please feels free to use my bathroom."

Nakaupo si Shin sa kama niya. Mabuti naman at naisipan na niyang magbihis.

Nakakaloka!

Pagpasok ko sa bathroom niya ay amoy na amoy ko ang napakamanly na musk scent.

Sa personality na meron si Shin ay hindi mo aasahan na ganitong scent ang gamit niyang shower gel.

Napakatapang. Lalaking lalaki.

Chasing Away (Chasing #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon