Chapter 33

152 3 1
                                    

Ngayon ay ang flight namin pabalik ng Maynila. Noong araw na magpropose si Luca ay iyon din ang huling araw na nakita ko si Shin. After noong araw na 'yon ay nagcheck out na siya sa hotel pero nangako naman siya kay Kyovin na magkikita raw sila ulit.

"Mama, aren't we gonna go back in Philly?"

Kuryosong tanong ni Kyovin matapos niyang basahin ang nakalagay sa plane ticket namin.

I shook my head. "We're gonna live in the Philippines na, kina Mommy La mo."

Patungkol ko kay Mommy.

"But I told Papa Shin that we're living in Philly. Baka po pumunta siya roon?"

"I'll message him, okay?" sabi ko para hindi na mag-alala pa si Kyovin.

Ngumiti naman si Kyovin at tumango.

Excited na excited si Kyovin na makita ang lolo't lola niya maging ang mga auntie niya.

"Oh, My God!"

Hindi makapaniwala si Kattlea nang makita niya kami sa labas ng gate.

"Come in! Katnisse!" sigaw niya pa.

"Kung makasigaw ka- Kleiandra!"

Agad na tumakbo sa akin si Katnisse at yumakap.

"Are you even real?"

Natawa naman ako sa sinabi niya.

Matapos niya akong yakapin ay bumaling siya kay Kyovin na ngayon ay buhat buhat ni Kattlea.

"Sina Mommy?" tanong ko nang makapasok na kami sa loob.

"May inasikaso lang si Daddy pero pauwi na rin 'yon. Feel at home lang, Luca."

Ngumiti si Luca kay Katnisse. "Thank you, Katnisse."

Umakyat muna kami sa magiging kwarto naming tatlo, ito rin 'yong kwarto ko noong dito pa kami nakatira.

Minemaintain ni Mommy ang paglilinis dito every week para raw kung sakaling maisipan na naming umuwi.

"Oh, Klea!"

Bumukas ang pinto at agad na yumakap sa akin si Mommy.

"I missed you so much!"

Nangiti naman ako. "I missed you too, Mommy!"

"Kyovin, apo ko!"

"Hello po, Mommy La!" Agad na yumakap din si Kyovin kay Mommy.

"Mabuti naman at umuwi na kayo! My heart is so happy."

Nag-angat ng tingin si Mommy kay Luca.

"Thanks for taking care of them, Luca. I owe you a lot."

Luca shook his head. "No worries po, Tita."

"You can actually call me Mommy. Kasal naman na kayo ni Klea, you're my son now."

Lumawak naman ang ngiti ni Luca. "Thank you po, Mommy."

Napabaling ako sa pintuan at nakatayo doon si Daddy. Bigla namang pumasok sa isip ko ang lahat ng sinabi ni Shin.

My heart aches.

"Klea."

I faked a smile. "Dad."

"Daddy Lo!"

Tumakbo si Kyovin papunta kay Daddy at nagpakarga.

Tila sinaksak naman ang puso ko.

Paano kaya kung hindi ginawa 'yon ni Daddy kay Shin? Hindi na rin sana kailangan pang maipit ni Kyovin sa sitwasyon, we could have been a happy family.

Chasing Away (Chasing #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon