Chapter 4

198 4 2
                                    

Hindi mawala-wala ang mga ngiti sa labi ko, panay rin ang paghawak ko sa labi ko. Damn! Totoo ba ang nangyari kanina? Hindi ba 'yon panaginip? Promise?

"Cous!" Siniko pa ako ni Ana.

Kumunot ang noo ko. "Bakit?"

May ininguso siya sa may labas at doon ko nakita si Shin na nakatayo sa tapat ng classroom namin. Tinawag niya pa ako kaya nagmadali akong tumayo. Nang makalapit na ako kay Shin ay naalala ko nanaman 'yong kiss at nakaramdam nanaman ako ng hiya.

"Hi!" bati niya sabay ngiti.

Ito ang unang beses na sinadya ako ni Shin sa classroom ko, kadalasan kasi ay kapag may kailangan siya ay itinetext niya lang ako.

"Hey!"

Pinilit ko na umaktong normal lang. Kay Shin ay wala lang naman talaga ang nangyari kanina, ginawa niya lang 'yon para patunayan kay Kimberly na may iba na siya.

"Sabay na tayo maglunch? Sama mo na rin si Anastasia," aniya.

Tumango naman ako. "Sige, wait lang."

Anong meron? Ngayon lang ako niyaya ni Shin na maglunch kami ng sabay.

"Cous, sasabay raw sa atin si Shin maglunch."

Ngumisi naman sa akin si Ana.

"Kayo na lang, kina Georgie na lang ako sasabay." Kumindat pa siya sa akin.

Mahina naman akong natawa. "The best ka talaga!"

Natawa rin siya dahil sa sinabi ko.

Nagpaalam na ako kay Ana tsaka nagtungo kay Shin.

"Sa mga pinsan ko na sasabay maglunch si Ana, tara?"

Ngumiti naman si Shin tsaka tumango. Nagulat pa ako nang kuhain ni Shin ang bag ko. At siyempre! Lumundag ang puso ko.

"Talagang pursigido ka na mapaniwala si Kimberly na may tayo, ah?"

Siyempre may halong pait sa boses ko. Sino ba naman may gustong gawin siyang panakit butas? Pero sabagay, hindi naman alam ni Shin ang tungkol sa nararamdaman ko para sa kanya.

"Sino bang nagsabi na ginagawa ko 'to para may patunayan sa kanya? I don't care about her, I'm doing this 'cause I want to."

I felt butterflies in my stomach! Tama ba ang narinig ko?

Kinagat ko ang ibabang labi ko. Hindi ko alam kung paano itatago ang kilig na nararamdaman ko.

Sa dulong spot kami pumwesto ni Shin.

"Ako na oorder ng pagkain mo, ano ba sa'yo?" tanong niya.

"Fried chicken na lang."

Tumango naman siya tsaka umalis.

Namataan ko pa ang matatalim na titig sa akin ni Kimberly pero imbis na matakot sa mga titig na 'yon ay inirapan ko siya.

Dukutin ko pa ang mga mata mo, e. Cheater!

Pagbalik ni Shin ay nakangisi siya kaya kumunot ang noo ko sa kanya.

"Ang cute mo talaga!" He pinched my nose.

"Problema mo?"

He chuckled. "Kita ko 'yong pag-irap mo kay Kimberly, ah? Palaban ka rin talaga, e no?"

"Alam na alam e, no? Halatang-halata na tumitingin pa rin kay Kimberly."

Sobrang bitter lang, Klea?

He chuckled. "I'm not looking at her, I'm looking at you."

My heart races. Damn! Bakit ganyan ka ngayon, Shin?

Chasing Away (Chasing #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon