Chapter 6

176 3 1
                                    

Hindi rin makapaniwala maging si Ana na sisiw ko lang na sinagutan sa board ang assignments na binigay sa amin. Si Ma'am Alvarez ay hindi rin makapaniwala kaya binigyan niya ako ng panibagong set pero dahil si Aishin ang tutor ko ay walang kahirap-hirap kong nasagutan iyon.

"I'm so impressed, Ms. Almonte." Ngumiti pa nang malaki si Ma'am Alvarez bago lumabas.

"Kaloka ka, ah? Kapag ako ang nagtuturo sa'yo hindi ka naman gumagaling nang ganyan."

Natawa naman ako sa sinabi ni Ana.

"Ganoon talaga, 'cous! Bukod sa ang galing ni Shin magturo ay ang gwapo niya pa!" kinikilig pa na sabi ko.

Humagikhik naman si Ana. "Buti nakayanan mo? Buti 'di ka nadistract?"

"Gaga! Anong hindi? Ang tagal kaya bago nagsink in sa utak ko lahat ng itinuro ni Shin."

Nagtawanan naman kami.

Bumeso na ako kay Ana dahil nasa labas na ang sundo ko.

"Ang landi mo!" pang-aasar niya pa.

Natawa na lang ako sa sinabi ni Anastasia.

Agad na kinuha ni Shin ang bag ko. Pupunta ulit kami sa bahay nila dahil nagpresinta siyang magtutor sa akin. At sino ba naman ako para tumanggi?

Hanggang ngayon ay center of attraction pa rin kami, parang gustong magtanong ng mga kapwa ko studyante kung ano bang meron samin ni Shin.

Malapit na kami sa kotse niya nang biglang sumulpot si Kimberly.

"Shin, let's talk."

Nagsusumamo ang mga mata niya at tila hindi niya ako nakikita.

Hello! I'm here!

"Wala akong panahon makipag-usap sa'yo, at hindi ka ba nahihiya? Sa harap pa talaga ng girlfriend ko?"

Gusto kong mangiti sa sinabi na 'yon ni Shin.

"Wala naman kayong relasyon!" sigaw niya.

"Anong pinagsasasabi mo? Tara na." Hinawakan ni Shin ang kamay ko pero hinawakan naman siya ni Kimberly sa braso.

"Alam kong wala kayong relasyon at palabas niyo lang 'yan para pagmukhain na kayang-kaya mo akong palitan!"

"Ano bang pinagsasabi mo? Nababaliw ka na ba?" hindi ko na napigilan at napasabat na ako.

"You shut up! Hindi ikaw ang kausap ko!" nanggalaiting sabi niya.

"Shin, bakit ba hindi mo na lang ako balikan?"

Tinignan ko ang magiging reaksyon ni Shin. He just smiled.

"Alam kong hindi pa gaanong matagal mula nang magbreak tayo, Kimberly. But believe or not, napalitan ka na sa puso ko."

He smiled to me making my heart beats faster.

"Let's go." Umakbay pa sa akin Shin at tuluyan na naming iniwan ang mangiyak ngiyak na si Kimberly.

Karma is a bitch, cheater!

Nagtawanan kami ni Shin nang makasakay kami sa kotse niya.

Umiling-iling pa siya. "Ayaw ko naman na makasakit ng babae 'cause that's what my father taught me, kaya lang ay hindi mo pala maiiwasan. Nasaktan ko siya dahil nagsabi ako ng totoo. Valid excuse naman siguro 'yon, no?"

"You're such a good man, Shin. Imagine? Niloko at sinaktan ka niya pero ayaw mo pa rin na masaktan mo siya." I smiled.

He shrugged his shoulders. "Hindi naman kailangan ibalik 'yong sakit na naramdaman. Mas magiging masaya ka if you live like that."

Chasing Away (Chasing #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon