030

311 9 0
                                    

5-20

4:11 PM

Gianna's POV

Papunta kami ngayon sa wearhouse ng mga Forzen rito sa La Union, hindi naman kalayuan sa kanila kaya madali naming tinahak yung daan papunta roon.

Sabi sa akin ng Lola ni Kei na kaya naming gumawa ng kahit tatlo ngayong araw. Hindi ako maruning sa pagtatahi ng basahan pero sabi ni Lola ay madali lang daw.

"Lola, kailan na po tong wearhouse niyo?" tanong ko habang papalapit na kami sa wearhouse nila.

"Noong mga 1961 pa ito, hija."

Si Kei ay nasa tabi ko lang at nakamasid sa buong tanawin rito sa may lupain nila. Naka-suot lang siya ng white shirt at maong jeans but damn he looks so goddamn hot.

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at nagbalik ng tingin sa nilalakaran naming papuntang malaking gate.

"Dito hija matututo kang magtahi, pero madali lang, papasok tas labas mo lang ang tela." Marahang baling niya sakin at ngiti.

I awkwardly smile to her but my mind wants to laugh it out. Gosh, dumi ng utak mo, G.

Nakarinig ako ng konting pagtawa ni Kei kaya lumingon ako sa kanya. Pinanlakihan ko siya ng mata para patigilin siyang tumawa pero ang mokong ay lumakas pa lalo!

"Oh hijo? Tawa ka ng tawa wala namang nakakatawa. Jusko ka, mamaya isipin pa nitong bisita mo e, baliw ka." saway niya rito. Binalingan niya ako at iginiya papasok. " Nako hija, pagpasenyahan mo na 'yang apo ko. Talaga't namang bigla-bigla yang tumatawa. Kahit noon pa man."

"Ah okay lang po, 'la. Sanay narin ho ako dyan sa apo niyo. Hehe." Sagot ko. Mukhang naiwan si Kei sa labas at Kami lang ni Lola ang pumasok muna.

"Saan pala kayo nagkakilala ng apo ko hija?" si Lola.

"Sa laro po. Nakalaro ko nalang po siya ng biglaan. Ayon ho, nagkatuwaan at nagkakilanlan din po."

"Alam mo bang isa lang ang naging kaibigan niyang babae rito sa La Union dahil hindi talaga siya konportable sa mga babae? Kaya't nagulat akong may dala-dala siyang magandang dilag rito sa probinsya." sabay tawa ni Lola na siyang nagpatawa rin sa akin.

"Sino ho yung babae?"

Siguro sa curiosity ko ay naitanong ko na rin.

"Ay si Dela? Ayon nasa Maynila na rin. Balak atang manirahan sa tinutuluyan nitong apo ko. Noong nakaraang linggo lang din umalis."

Sagot ni Lola habang nagaayos ng mga kagamitan para sa gagamitin namin. May isang rectangular na kahoy na may mga pakong nakakabit ito sa mga gilid-gilid. Meron din siyang kinuha na mga thread na tela na sa iba't-ibang kulay.

By the way, Dela? Who is she at bakit sa condo pa mismo ni Kei titira? Malay mo G wala lang matuluyan yung tao kaya doon titira. Whatevs.

Sinimulan na akong turuan ni Lola, mabilis kong naintindihan yung mga tinuro niya kaya maaga ko rin natapos. Halos wala pang 45 minutes ay natapos ko na agad yung basahan at si Kei ay hindi parin pumapasok sa loob ng wearhouse.

last callTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon