11-16-20
10:32 PM
Gianna's POV
Walang sabi sabi akong pumunta sa unit ni Kei. What the fuck did I just learn? His grades are low? What happened to him, sabi ko na nga ba'ng iba na ang nangyayari eh. Hindi na siya yung Kei na balance sa pag-aaral at paglalaro niya. Ibang-iba na siya sa dati, simula nung nanalo sila sa qualifier.
Hindi ako against sa pagkapanalo nila pero yung ganito yung epekto nito? Hindi ko matatanggap 'yon.
I drove on the way to Makati. Agad akong pumunta sa unit niya. Galit ako, galit ako kasi, nangako siya na hindi maaapekto ang pag-aaral niya dyan sa tournament na 'yan. Hindi ko papayagan na maging ganon iyon.
Sabi ko sa kanya, susuportahan ko siya pero hindi sa paraang ganito na ang nangyayari. Is he addicted now for the championship?
Habang naghihintay ako sa elevator na paakyat sa floor niya ay hindi ko na napigilan ang luhang bumabadyang tumulo.
Not now, Kei.
Ang lapit mo na, hindi pwedeng bumalik ka ulit. You want to be a director diba? 'Wag naman ganito.
I knocked to his door. Bumungad agad sa akin ang pagod na mata ni Kei. I heaved a sighed for a long hold of breath.
I noticed his eyebags are black. Mukhang hindi natutulog. Nangayat din siya. Last week ang huling kita namin pero hindi ko inaasahan ang paglaki ng pagbabago niya ngayon. Ano na ang nangyayari, Kei?
"Kei," Tawag ko sa kanya.
"What are you doing here?" Malamig niyang usal. Kumunot ang noo ko sa himig ng boses niya. "Lev, told you." He stated.
Bukas ang pintuan ng tinalikuran niya ako at dumiretso sa kusina.
"Kasi wala kang balak sabihin sa akin diba? Bakit? Bakit naging ganon Kei?" Medyo tumaas ang boses ko at sumunod sa kanya.
"I don't know, hindi ko alam." Tangi niya lang nasabi.
Tama ba yung narinig ko? Hindi niya alam? Paanong hindi niya alam?
"Tangina Kei, paanong hindi mo alam?" Sigaw ko.
"Hindi ko alam." Kibit niya.
Huminga ako ng malalim, dahil hindi ko kinakaya ang tono ng pananalita niya sa akin. Bakit wala siyang pake?
"Kei, ano bang nangyayari sayo? Please, kausapin mo naman ako ng matino oh. Madaming nag-aalala sayo, eh. And also, hindi pa alam ng parents mo about this?"
Nilingon niya ako, pagod ang mga mata at malamig ang tingin sa akin. Nanibago pa ako sa titig niya kasi hindi siya ganito tumitig sa akin noon.
Ibang Kei ang kaharap ko. Hindi siya yung Kei na ang mata ay puno ng kasiyahan at kalambingan.
"Gianna, anong oras na, please umuwi ka na."
Umiling ako, he scratched the upper nose between his eyebrows, tila naiinis na siya sa presensya ko.
"Hindi ako aalis dito nang hindi nalalaman kung bakit ka nagkakaganyan! Sabihin mo sa akin!" Tumaas ang aking boses sa huling salita.
Hinarap niya ako ng puno ng kalamigan ang kanyang mata, matapang ko siyang tinitigan 'rin gamit ang aking nangungusap na mata.
"It's just a grades, Gianna. Babawi nalang ako." Saad niya.
Putangina?
"Nakakalimutan mo sigurong scholar ka no?" I chuckled without a humor. "Kei, nabubulag ka na ba? Sa tingin mo sa araw na araw na practice mo, mananalo kayo? Hindi." Umiling ako. "Kasi Kei, sa player 'yan. Magaling ka nga pero kapag kinabahan o pressured ka sa laro niyo. Hindi kayo mananalo. Sinasabi ko sayo, kung binalanse mo sana pag-aaral mo at itong putanginang call of duty na 'to. Kahit matalo ka dyan sa tournament mo, walang ligoy na mananalo ka sa career mo. Pero yung itinakwil mo yung pagaaral mo? Nang walang kasiguraduhan dyan kung mananalo ka, ewan ko nalang kung saan ka pupulutin."
I've said too much. It's rude.
Umigting ang panga niya, oh gosh, mali yung sinabi ko! I offended him!
"Akala ko may tiwala ka sa akin?" Puno ng hinanakit ang kanyang boses.
I wet lips dahil dry na ito sa tuloy kong salita sa kanya. I have trust on him. I trusted him.
"I trust you, Kei... Pero I trusted you for your future too. Hindi ko alam na babaliwalain mo 'yon. And I'm sorry if I offended you. Sana maging masaya ka dyan sa desisyon mo." Ngumiti ako ng malungkot sa kanya.
"Hindi ito ang nais mo, Kei, alam ko 'yon. At ewan ko kung bakit ka nagkaganito. Siguro nabulag ka na sa pagasang manalo niyo. Hindi naman masama 'yon. Ang masama doon ay yung nawalan ka na ng direksyon sa gusto mong direksyon." Huminahon ako.
"Sana nabukas ko yung isip mo about this. Sana malaman mo na 'rin kung gaano kalaki ang nasayang mo." Ngumit ako ng malungkot sa kanya.
"Gianna, I want to win this game. This is the only chance." Naiiyak niyang usal. Oh my God, why is he crying?
Lumapit ako sa kanya pero bago ko pa siya mayakap ay tinalikuran niya ako at walang sabi-sabing umalis ng unit niya. Napatulala ako sa kawalan.
Ilang minuto pa bago mag-sink in sa akin ang nangyari. Sinuyod ko ng tingin ang buong unit niya. Maraming kalat.
Nilinis ko iyon, para kapag dumating siya ay wala ng mga basura na nakakalat sa unit niya. It took me thirty minutes pero hindi pa din siya dumarating.
I waited for an hour pero wala. Natulog ako sa sofa niya, nagising nalang ako sa pagbukas ng kanyang pintuan.
And there, Kei is drunk.
Inasikaso ko siya tuwing susuka at nanghihingi sa akin ng maiinom. Binantayan ko siya hanggang makatulog siya. Sa susunod nalang kami maguusap. I kissed him on his forehead when I said goodbye to him kahit hindi niya ako marinig.
Umuwi ako ng may bigat sa aking dibdib. Wala pa kaming naging away ni Kei. Eto palang.
Pagkapasok ko palang sa kwarto ko bumuhos lahat ng luhang inipon ko kanina.
Sobrang mahal ko si Kei, hindi ko hahayaang masira siya ng kahit sino o ano. Gusto ko siyang protektahan. Mahal na mahal ko yung tao eh. Hindi ko hahayang mahantong ng mga paghihirap niya sa wala!
Kei please let me help you.
BINABASA MO ANG
last call
Teen Fictioncall of duty #1 - an epistolary. Kei Roan Forzen, a streamer and the captain of a XIV squad clan. He has one goal in mind and numerous options to pursue. However, he has struggled with setting priorities in his life. Living alone is difficult for hi...