12-04
9:39 PM
Gianna's POV
Kasalukuyan kaming nasa tabi ng Manila Bay, konti nalang ang mga tao kasi malapit na silang magsara. Payapa at tahimik ang hampas ng alon sa mga bato-bato. May mga ilaw sa malayong gilid, sigurado akong Roxas Boulevard na roon.
Kei is beside me. Namumula at namumugto ang kanyang mata sa pagiyak. Nilingon ko siya. Tahimik at umiigting ang kanyang panga habang nakatanaw sa itim na dagat.
"Why did you bring me here?" Marahan kong tanong sa kanya na hanggang ngayon ay tinitingnan ko parin siya.
"I want to talk about my sudden changes." He said.
Tumango ako. Naiintindihan ang sinasabi niya, I'm curious about that. I know meron pang iba siyang dahilan kung bakit siya nagkakaganyan. Hindi iresponsable si Kei sa pag-aaral niya pero feeling ko may iba pa siyang rason. And I also respect why he didn't want me know that, siguro sa relasyon kailangan mong sabihin ang mga problema o naisin mo pero hindi sa lahat ng pagkakataon ay ganoon. Kung komportable kang isarili iyon, why not? Siguro ayon ang desisyon niya kung bakit niya hindi sinabi sa akin iyon.
"Go, I'll listen and understand." Nilingon niya ako, doon ako ngumiti sa kanya. Ngumiti rin siya ng malungkot at dahan-dahang tumango.
"My Lola is sick, malaki ang gastos sa hospital. Mom hid it from me, kasi ayaw niya akong maabala sa pag-aaral ko. Kaso lumala ang kondisyon ng Lola at umabot sa critical. Hindi na naging sapat yung pera sa factory, nabawasan ng mga tao at nagresign. Medyo nalugi ang factory namin kaya wala kaming makuhanan ng pera, mga magulang ko naman naubos sa chemo ni Lola. Binenta ko yung sasakyan ko, and all my things na pwedeng ibenta."
Nagulat ako sa kwento niya.
"So the tournament was my only chance kasi malaki ang mapapalanuhan, sabi rin ni Coach na kapag nanalo daw kami, ayon ang magiging tulong nila sa akin. Kaya Gianna, I drowned myself from practicing para manalo. I'm sorry if I failed all of my subjects.
Pasensya kung hindi ko nasabi sayo kasi ayokong dumagdag sa mga problema mo."Iniharap niya yung sarili niya sa akin at matamang hinawakan ang aking mga kamay. Marahan ang kanyang pagkakahaplos roon na para bang iyon ay mababasagin. May luhang nagbabadya sa aking mata at sa kanya rin.
I'm sorry Kei na ganito na pala ang nararanasan mo. Sorry kasi hindi ko alam. Yumuko ako ng tumulo ang isang butil ng luha sa aking mata.
"Ayokong mahirapan ka, Gianna. Iyon ang hindi ko mapapayagan, ayoko yung naghihirap na ako, pati ba naman ikaw. Gusto ko kapag nandyan ka, mayayakap kita na may ngiti sa labi. Ayokong kaawaan mo ko sa mga pinag-dadaanan ko. Ikaw ang pahinga ko sa lahat ng 'to, ayokong sad ang baby ko ha?" He tried to smile pero iyak ang nabigay ko sa kanya.
Pinunasan niya ang lahat ng luha sa mata ko. Kita ko ang lungkot na dumaan sa kanyang mata habang pinupunasan niya ang lahat ng iyon. Para bang ayaw niyang may nakikitang luha sa mata ko.
"Baby, you should have told me. So I can help. Pero tutulong ako, magkano ang kailangan? Lola's fine, right?" I desperately said, umiling siya at hinaplos ang aking pisngi.
"No need. Kaya ko 'to." Aniya.
"Kei, please, don't let your pride on! Kailangan niyo diba ng pera para matustusan na ang babayaran? Magkano ba?" Tuloy tuloy kong sabi.
Pero naka-titig lang siya sa akin na para bang, magbibigay ba talaga ako.
"Half a million." He said.
Nanghina ako. Parang tumaas ang balahibo ko sa sinabi niya. Ganon kalaki? They tried to ask in PhilHealth?
"Baka makatulong ang PhilHealth, Kei?" Suggest ko.
"We already asked, nagbigay naman. Pero sobrang laki ng gastusin eh. Baka mabenta ko na kidney ko sa black market nyan." Nagbiro pa siya pero hindi ko iyon matawanan. We're serious here!
Sinamaan ko siya ng tingin pero pagod ang mata niya sa akin na nakatitig.
I held his both hands and I intertwined them. I looked at our bracelet in our both right wrist. The promised we made that night. We vowed to each other that we'll never let ourselves go through a broken pieces alone. We have to be together fighting it, that no one have to battle alone in his or her fight. Na dapat magkasama kami sa anumang unos na dumating sa amin.
Now, I won't let him battle alone in his game. If we lose, may our last call to each other will end peacefully, but still remembered.
His love has no ending, and my love for him will be forever.
"I love you, my best captain." I said wholeheartedly.
"I love you more, my Miss AK-47..."
He kissed my forehead and feel the cold wind of the bay. Our last call yesterday, he was cold like how the breeze of the air tonight. But tonight his voice were like deep yet gentle, again.
May our future calls be full of love and joy. Tonight, I'll start to understand and support you no matter what. Our love will have no ending, I promised.
BINABASA MO ANG
last call
Teen Fictioncall of duty #1 - an epistolary. Kei Roan Forzen, a streamer and the captain of a XIV squad clan. He has one goal in mind and numerous options to pursue. However, he has struggled with setting priorities in his life. Living alone is difficult for hi...