14𝚃𝙷 𝙵𝙰𝙱𝙻𝙴: 𝚃𝙰𝙶𝙰𝙻𝙾𝙶

103 17 0
                                    

"Ang mga Kayamanan sa Ilalim ng Puno"

Isang araw, may dalawang batang naglalaro sa ilalim ng puno.

Ang pangalan ng mga batang iyon ay sina Paul at si Jay.

Sila ay palaging naglalaro ng holen doon kapag oras ng gitnang umaga.

Sa kanilang dalawa ay madalas panalo si Jay kaysa kay Paul sa kanilang paglalaro ng holen.

"Jay, ang galing mong maglaro ng holen. Paturo naman," sabi ni Paul sa kanya.

"Sige, Paul. Bakit naman hindi, kaibigan kita," ngiting sabi ni Jay sa kanya.

Tinuruan nga niya kong paano ang technique ng kanilang laro hanggang natuto si Paul sa itinuro sa kanya ni Jay.

"Ayan, ang galing-galing mo na. Oras na sa seryosong laban," sabi ni Jay.

"Sige, Jay," sabi ni Paul.

Sa kanilang larong iyon ay halos tabla na ang kanilang laban pero mas magaling pa rin si Jay sa kanya.

Ang dalawang batang iyon ay magkaibigan ngunit sila rin pala ay magkapatid.

Ang unang kaibigan ni Paul ay si Jay na kanyang kapatid at ang unang kaibigan ni Jay ay si Paul na kanyang kapatid.

Pero makalipas ang ilang oras ay tinawagan na sila ng kanilang magulang.

"Halina kayo mga bata, oras na para magmeryenda," sabi ng kanilang nanay.

Tumakbo nga ang dalawang batang iyon at nagunahan hanggang makapunta sila sa kanilang tahanan.

Naamoy nila ang kanilang meryenda at alam na nilang ito ang kanilang paborito.

Ito ay ang pineapple pie at apple pie na-kakabake lang nang kanilang nanay.

"Ma, amoy palang masarap na. Hindi na ako makapaghintay," sabi ni Jay.

"Ako rin, nagutom agad nang nakita ko ito," sabi ni Paul.

Nagpasalamat nga ang dalawang bata sa kanilang nanay dahil ipinagluto na naman sila ng kanilang paboritong meryenda.

Kumain nga ang dalawang bata at nalasahan nanaman nila ang sarap ng luto ng kanilang nanay.

Marami silang kinain hanggang naubos nila ang anim na pirasong apple pie at anim na pirasong pineapple pie.

Busog na busog ang dalawa at saka sila'y nagpahinga.

Noong natapos silang namahinga ay nagpaalam ang dalawa sa kanilang nanay para maglaro ulit sa ilalim ng puno ng holen.

Sila nga ay pumunta doon at sila ulit ay naglaro.

Naglaro sila hanggang malapit nang magtanghali.

"Halika na Jay, umuwi na tayo para mananghalian," sabi ni Paul sa kanya.

"Mamaya na, maglaro pa tayo. Nagsisimula pa lamang akong magpawis," sabi naman Jay.

"Naku! Mapapagalitan tayo ni nanay niyan," sabi ni Paul.

"Sige isa nalang talaga," sabi ni Jay.

"𝑴𝒚 𝑭𝒂𝒃𝒍𝒆𝒔" 2 (𝙲𝚘𝚖𝚙𝚕𝚎𝚝𝚎𝚍)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon