12𝚃𝙷 𝙵𝙰𝙱𝙻𝙴: 𝚃𝙰𝙶𝙰𝙻𝙾𝙶

222 33 2
                                    

"Ang Lalaki sa Isla ng Acacia"

Noong unang panahon may isang lalaking hilig ang pagtuklas ng mga Isla.

Gamit ang kanyang bangka ay nakararating ito sa ibat-ibang mga Isla.

Marami nang Isla ang kanyang napuntahan gaya ng Isla ng mga Mangus, Phainople at Wathermelan.

Buti nalang talaga nakakaligtas siya sa masamang panahon. Maswerte siya at nakakapunta doon ng ligtas.

Pero may isa nalang Isla siyang pupuntahan para may bago at una siyang achievement sa kanyang buhay, ito ay ang pumunta sa Isla ng Acacia.

Lahat ng mga pumunta ditong adventurer ay hindi na nakababalik sa kanilang sariling lugar ayon sa mga kwento-kwento sa kanilang lugar, iyon pa ay mga sikat.

Kaya sila'y natatakot na pumunta rito.

Sinasabi rin nilang walang taong nakatira dito.

Kaya siya lang ang naglakas-loob na pumunta roon para sa kanyang achievement at para matupad na rin ang kanyang pangarap na bilang sikat na adventurer o adbenturero.

Pangarap niya nga ang maging adbenturero at natupad niya iyon.

Pero mas pangarap niya ang maging sikat na adbenturero at makilala siya bilang matagumpay sa kanyang pagiging adbenturero.

Kaya ngayong araw nga ay naghahanda na ang lalaki sa kanyang pagpunta sa Isla ng Acacia.

"Isa nalang, matutupad ko na ang aking pinakapangarap sa buhay," sabi ng lalaki.

Inayos at inihanda na ng lalaki ang kanyang mga gamit para pumunta doon sa Isla ng Acacia.

Noong natapos nga niyang ayusin ang mga ito ay ipinunta na nito lahat sa kanyang bangka.

Noong una noong nalaman ng kanyang magulang ng kanyang planong ito ay pinigilan siya ng kanyang magulang na pumunta roon dahil mapanganib ngunit sinabi ng kanilang anak na kaya niya itong harapin at ipapakita niyang magtatagumpay siya basta magtiwala daw sila sa kanya.

Nagdesisyon ulit ang kanilang magulang at pinayagan nga siya sa kanyang nais pero nandoon pa rin ang kanilang pag-aalala.

Pero nabuo na ang kanyang magulang ay may tiwalang kayang-kaya nito ng kanilang anak na lalaki.

"Anak, mag-iingat ka, alam naming delekado at mapanganib ang pagpunta mo doon at saka mapanganib rin ang lugar na iyon. Pero kaya mo iyan anak, malalampasan mo lahat ng iyan basta magtiwala ka lang sa iyong sarili," sabi ng kanyang nanay.

"Oo anak, at kung nakapag-adventure ka ng matagumpay sa tatlong islang iyon, kayang-kaya mo rin iyan anak. May tiwala ako sa iyo anak. Mag-iingat ka," sabi ng kanyang ama.

"Opo, dad, kayang-kaya ko ito. Salamat sa inyong suporta. Pangako, inay at itay, magiging matagumpay ako dito sa aking mapanganib na paglalakbay. Inay at itay, salamat sa inyong suporta," sabi ng lalaki.

"𝑴𝒚 𝑭𝒂𝒃𝒍𝒆𝒔" 2 (𝙲𝚘𝚖𝚙𝚕𝚎𝚝𝚎𝚍)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon