15𝚃𝙷 𝙵𝙰𝙱𝙻𝙴: 𝚃𝙰𝙶𝙰𝙻𝙾𝙶

94 14 0
                                    

"Ang Lalaki at ang mga Buto ng Mangga"

Isang araw may isang lalaking mahilig magtanim ng iba't-ibang uri ng mga buto ng mga iba't ibang uri ng fruit bearing trees.

Ang ilan sa kanyang mga itinatanim na buto ay buto ng Rambutan, Sampalok at buto ng Sineguelas.

Makalipas ang 10 taon sa pagtatanim niya ng mga butong ito ay ito'y lumaki hanggang ang mga ito'y pinagkukuhanan niya na ng kanyang makakaing prutas.

"Ikaw lalaki, salamat sa iyong pagpapalaki sa amin. Bilang pasasalamat, kahit kunin mo na lahat ng aming bunga, iyan ang aming ibibigay bilang pasasalamat," sabi ng puno ng Seneguelas.

"Ako rin po, lalaki. Kunin mo na rin po ang aking mga bunga. Kahit maasim, pwede namang gawing sampalok jam ang aking mga bunga," wika ng puno ng Sampalok.

"Me too, matamis ang aking mga bunga at makatas, bilang pasasalamat po, ibibigay ko lahat ng aking bunga," sabi naman ng Puno ng Rambutan.

"Ako dapat ang magpasalamat dahil binibigyan niyo ako ng inyong mga prutas. Okey, mamaya pipitasin ko na lahat ng inyong mga bunga para ibenta," sabi ng lalaki.

Sa araw na iyon, kinuha ng lalaki ang mga bunga ng mga tatlong punong ito.

Sa sobrang dami ng kanilang bunga ay nagpamigay pa ng lalaki sa kanyang mga kapitbahay.

Labis ang tuwa ng kanyang kapitbahay dahil sa pamimigay niya ng mga prutas na ito.

Nagpasalamat nga ang kanyang kapitbahay sa lalaki at sinabi nilang "more blessings to come."

Masaya naman ang lalaki sa kanyang pamimigay ng mga bunga ng kanyang seneguelas, rambutan at sampalok.

Pagkatapos ng kanyang pamimigay ay ibinenta na niya ito sa mga mamimili.

Mabilis naman niyang naibenta dahil napakasariwang tignan ang kanyang mga ibinebentang mga prutas.

Nakaipon nga siya ng pera na kanyang idagdag sa kanyang naipong pera para gagamitin nga niya sana ito para bumili ng kanyang sariling sasakyan.

Makalipas ang araw na iyon ay nabalitaan ng lalaki na darating ang malakas na ulan dahil natapos nanaman ang araw ng taglamig.

"Magandang umaga mga kabayan, inanunsyo na ng pag-asa na natapos maang taglamig sa ating bansa at iiral na ang panahon ng tag-ulan kaya laging ready sa mga pagbaha at landslide, iyon lang. Dapat laging I am ready mga kabayan."

"Oo nga panahon na naman ng tag-ulan lalo na sa bagyo. Dapat paghahahandaan ko ito para walang masisirang tanim at aking ari-arian," iniisip ng lalaki.

"𝑴𝒚 𝑭𝒂𝒃𝒍𝒆𝒔" 2 (𝙲𝚘𝚖𝚙𝚕𝚎𝚝𝚎𝚍)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon