2

78 2 0
                                    

2

*Sammy’s POV

Ano ba naman itong report na ito, hindi ko na yata natapos? Tsk…

Basa… Basa… Basa…

Waaaaaaaahhhh……

Maloloka na yata ako dito sa mga pinagbababasa ko. Bakit ba hindi ako makapag-concentrate ngayon?

Ibili ko kaya s’ya ng relo??

Tsk… Kaya di makaconcentrate eh! Regalo kay Vince ang iniisip ko.

“Love…”

Brrr… Nagtaasan yata lahat ng balahibo ko sa leeg at braso. Binulong kasi sa’kin yun ni Vince.

“I hate it when you does that.” Bulong ko din sa kanya.

Umupo na s’ya sa tabi ko.

“What are you doing, Miss?” tanong n’ya sa’kin.

‘Yan ang endearment namin kapag nasa school kami. Mister and Miss. Kapag naman kaming dalawa lang ay ‘Love’ ang tawagan namin. Nagsimula ‘yan noong nasa high school kami sa States. Kutakot na torture ang nangyari sa’min noong high school dahil sa mga inggitera kong kaklase na panay ang flirt kay Vince. Buti na lang matatag si Vince. Whahahahaha… Hindi nagpapatukso.

“I’m trying to finish my report, Mister.”

“Uhmm…?” tiningnan niya ang ginagawa ko. Ako naman nakatingin sa kanya.

Kumunot ang noo niya.

“Kanina ka pa dito?” tanong n’ya uli habang binabasa ang report ko.

“Uh-huh… Why? ‘Di ko pa nga matapos iyang report na ‘yan eh.”

Lalong kumunot ang noo niya at tumingin sa ‘kin.

“Bakit ganito ang report mo? Merong nakalagay na, ‘Buy Love a gift later’?”

O__O

Wooothhh???! Shoot!

“Ah… hehehe, akala ko memo ko ‘yung napaglagyan ko n’yan. Hahahahaha!!!”

Palusot.com

I saw him grinning from ear to ear.

“Memo your face, Miss! Hahahahaha… Samahan na lang kita mamaya kung bibili ka.” Sabi niya.

Adik ba ‘to? Ibibili ko s’ya ng regalo pero sasamahan daw n’ya ‘ko?

“Naadik ka na naman, Mister. Ibibili kita ng regalo tapos sasama ka pa? E di nakita mo iyong ibibigay ko sa’yo?”

“Okay lang ‘yun. Makikita ko din naman ‘yun eh!”

“Eeeehhhhh!!! Hindi na magiging surprise kapag nakita mo.”

“Fine! Ihahatid na lang kita tapos kita na lang tayo sa Starbucks.”

“Owwwkey!!!” ^_______^

Tapos ayun ginawa ko na uli ‘yung report ko.

At least ngayon nakakapag-concentrate na ako sa report.

….

Matapos ang ilang sandali ay napasandal na ako sa upuan ko at pinabasa kay Vince ang report ko.

My hands are on my sides.

Naramdaman kong hinawakan ni Vince ang isa kong kamay at itinago iyon sa may pagitan namin sa ilalim ng mesa kaya hindi kita.

0__0

Oh myy!!! Baka may makakita!

“Hi, baby girl!!”

The Nerd have a Secret HOT Childhood Sweetheart?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon