Kabanata 24
"Gusto mo bang masabihan ng malandi? Bakit palagi kang sumasama sa mga lalaki?" naiiritang tanong ni Mommy.
"Bakit naman po ako naging malandi?"
"You always hung out with guys. Dapat sa babae ka lang sumasama. At minsan gabi ka pa umuuwi! Ano na lang sa tingin mo ang iisipin ng tao?"
My Mommy frustratedly sigh. Agad naman akong ngumuso, I didn't know that being a flirt can be classified just by knowing who you hang out with or the time you went home.
Pero kahit papaano ay naibsan ang tampo ko sa kanila. Hindi naman ako mapagtanim at medyo naging maluwag siya sa curfew ko. Even Dad was surprised I was able to travel alone without any drivers or helpers with me. Palagi lang nila akong binibigyan ng paalala na tumawag sa kanila at kailangan nasa bahay na ako ng alas sais ng gabi at pinaka-late na ang alas otso sakaling hindi kaya ng alas sais.
I became busy the following days, ang dami kasi naming binabasa tapos halos araw-araw ay meron kaming recitation. Walang araw na hindi 'yata ako natawag, madalas tuloy ay hindi ko maiwasan matakot na baka matuod na naman ako tulad noon.
I was still building my confidence. Ang hirap lang dahil napapalibutan ako ng mga tao na magagaling magsalita. Lalo na nalipat na sa section namin si Icarus.
Icarus is literally the only person who can debate with our teacher without blinking an eye; siya 'yung tipong kinukwestiyon talaga 'yung guro at walang takot na nagbibigay ng opinyon niya.
"Ubos na ubos na vocabulary ko, baka naman pwedeng awat muna," reklamo ng kaklase ko.
"Kailangan daw may rason bakit titigil. Prepare an essay to justify your answer. Make sure it's Arial, 12 ang size ng font, at 2.5 ang margin —" biro ng kausap niya.
Nagunat-unat naman ako matapos ko gawin ang isang activity para sa PhilGov. Diretso na Practical Research II ang subject namin pagkatapos nito.
Matapos ang madugong recitation sa PPG o Philippine Politics and Governance ay kailangan namin agad bumalik sa wisyo para naman sa PracRe. Napabuntong hininga na lamang ako.
"Stand if you want to be a leader," anunsyo ng guro namin.
Tumayo agad si Icarus, sumunod naman ang ilan sa kanya. A total of ten groups are concluded in the end.
Hindi ako tumayo, I know pracre can really be hectic — hindi maiwasan ang mapagalitan ang kagrupo mo. I don't have the heart to do that because I don't know how to scold someone without knowing their circumstances.
"Pick your group mates. Icarus," tawag ng guro namin. Agad na lumipad ang tingin ni Icarus sa akin.
"Valderama," Icarus adjusted his eyeglasses. Agad naman na nagreklamo ang mga kaklase ko.
"Sir! Hindi 'yon pwede!"
"Mas madaya pa 'to sa 1986 snap election!"
"Hindi pwedeng magsama 'yang dalawa, Sir!"
"Class, quiet down. Next group, continue."
Mayabang na nagkibit balikat si Icarus. Hanggang sa napansin ko na kinukuha niya lahat ng magagaling sa classroom namin. He even choose Mila, at nang magkaroon kami ng meeting ay sinabi niya kung bakit niya kami pinili.
He choose me because I was easy to talk to. Wala raw akong reklamo sa mga pinapagawa. Si Mila naman ay magaling manghatak ng mga tao, para siguro sa mga respondents. At halos lahat ng pinili niya ay may kanya-kanyang toka na.
"Huwag niyo ako i-layo kay Philo," nagtatampong saad ni Iscalade. Kunot ang noo habang pilit siyang hinahatak ni Sach.
"May gagawin pa tayo," Sach muttered.
BINABASA MO ANG
Pursuing Our Freedom| ✓
Jugendliteratur[SOON TO BE PUBLISHED UNDER LIBxWattpad] seniors series #3 A Senior Highschool series. complete [unedited] We are expected to be filial to the ones who brought us into this world. Pero hanggang saan ba ang hangganan ng pagiging mabuting anak? Philom...