Kabanata 36

218K 10.3K 25.8K
                                    

Best friend — Jason Chen

ISCALADE

Kabanata 36

"Iscalade!"

"Wala! Tulog! Nananaginip! Ang gumising sa kan'ya hindi na raw magkaka-syota!" I hissed as I covered myself in my own blanket. Tinakpan ko pa ng mga unan ang tenga ko.

Tangina kasi nitong si Ade, isasama ako sa mga party tapos iiwan ako kapag mag kalandian na siya. Ang malala pa roon, akala ng ibang babae ay nandoon din ako para lumandi.

Mukha ba akong naglalakad na Tinder? Nakakaasar.

My door slammed against the wall. I groaned upon realizing that I almost never lock my door. Dinaganan ako ni Ade kaya naman agad akong bumalikwas para hampasin siya ng unan ko.

"Dali na, ang tagal mo na kayang single. You can't be in love with Caitlyn forever. Si Cait nga may bago na agad e, one week after." panga-alaska ni Ade sa akin, nagawa pa akong siku-sikuhin. Kumunot naman ang noo ko.

Kapag 'to siniko ko sa mukha, ito 'yung makakatulog e. Ayaw magpatulog! Nakakarindi!

Caitlyn and I broke up just after moving up. Sabi ko naman sa kan'ya, I was willing to compromise and move schools for her. Wala namang kaso sa akin at sa mga magulang ko 'yon.

She insisted that we should break up for our own growth. At naniwala naman ako, one week after, may bago na agad siya galing sa senior highschool department.

Wow, ganda naman ng growth natin diyan.

"Si Sarathiel na lang yayain mo," I went over to my own bathroom. Inayos ko ang magulo kong buhok at naghilamos. Alam ko naman kasi ang ending nito ay sasama pa rin ako.

"Alam mo naman na magmula nang mapunta si Sarathiel sa special science class, medyo naging aloof 'yon e."

"Kaklase ko na siya sa school year na ito," I boasted, smirking. "Safe na ako agad sa mahihirap na subjects! ABM ka pa, Ade?"

Matalino si Sarathiel, bukod doon ay hindi siya madamot magbigay ng sagot. Although, I can do well in physics. Hindi naman ako kasing galing ni Sarathiel pagdating sa ibang subjects. Minsan iniisip ko nakakatalino ba 'yung pagtulog?

"Si Andria 'yung nagyaya, sama ka raw kasi..."

"Sino 'yon?" my eyebrows drew together. Nagsuot na ako ng isang plain black shirt. I won't be staying that long anyway.

"'Yung may crush sa'yo?" Ade retorted.

"Ah, sorry. Marami kasi sila..." my tongue touched my inner cheek, trying to contain my laughter.

"Yabang!" binato ako ni Ade ng unan. I only laughed. Hinatid kami ng driver nila Ade sa bahay ni Andria.

Everyone looked our way when we entered the party. The house had the typical atmosphere of those from States. Red cups, bottles of liqour and the smell of rebellious youth welcomed us.

"Iscalade!" Andria hugged me upon seeing my presence. I awkwardly moved away and maintained my distance with her. Tinawa ko na lang ito.

"Andria!" bati ko kahit kanina ko lang siya nakilala; kunyari na lang kilala ko siya.

"I miss you!" dagdag ko pa para ganap na ganap. She smiled with a hint of flirting.

Nagusap lang kami nang sandali ni Andria, humarot na agad si Ade sa mga kaibigan nito. I frowned and clenched my jaw. Asar naman, dapat naglalaro na lang ako ngayong gabi e! Ginagawa talaga akong excuse nitong si Ade para makalandi!

I like parties but there are just some days that I would rather be in my room. Nanonood ng movies o kaya ay naglalaro.

"Uhm, can I get your number?" tumikhim si Andria, presenting her phone infront of me.

Pursuing Our Freedom| ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon