“Mommy!”
“Ano ba 'yan!” Nagtalukbong siya ng kumot sa ulo para kahit papaano ay hindi tuluyang mabulahaw ang tulog niya. Alam niyang maaga pa dahil malamig pa ang hangin, saka hindi pa nakakasilaw ang sikat ng araw. Masakit din ang ulo niya, parang hinampas siya ng maso. Kaunting pahinga pa. Sabado naman, wala siyang pasok sa university.
“Mommy!” Isang sigaw na naman. Mas malakas nga lang kaysa kanina. Sa pagkakatanda niya ay wala pang may anak sa mga kapitbahay niya. Ang okupante ng unit sa kanan ay si Jessa, kasamahan niya sa university at tropa niya. Sa kaliwa naman ay si Ran, na sa pagkakaalam niya ay single din, walang anak sa labas, at isang dakilang playboy. Kaya kung may ingay siyang maririnig na galing sa unit ni Ran, malamang ay hagikhik iyon ng mga ka-date nito, hindi sigaw ng isang bata.
“Mommy, wake up!”
Kasabay niyon ay ang pag-alog naman ng kama niya ang naramdaman niya. Daig pa ang intensity 7 na lindol! Hindi lang ang ulo niya ang masakit, pati na rin ang tainga niya. Sino ba ang batang nakapasok sa kuwarto niya?
Panaginip lang ito. Panaginip lang ito, sabi niya sa sarili niya. Pasasaan ba at aalis din ang kung sino mang makulit na nilalang na gumugulo sa kanya. Kapag nangyari iyon ay balik na ulit sa normal ang tulog niya.
Pero mukhang hindi talaga siya makakatulog. Naramdaman niya ang pagkaalis ng kumot niya, pati ang unan niya. Wala siyang pakialam—teka, wala nga ba? Pati ang paa niya ay halos matanggal na rin sa paghila ng maliliit na kamay na iyon.
“Mommy, please? Wake up now! I want my milk!”
“Sino bang pambulahaw 'yan?!” aniya, sabay bangon.
Nasaan ako? This is not my room.
Iginala niya ang paningin. Hindi blue and black ang color combination ng kuwarto niya. Wala iyong balkonahe, king-size water bed, poster ng Ferrari car sa isang bahagi ng pader, entertainment set, portable refrigerator, at mga basyo ng San Mig Light sa coffee table na nasa labas ng balkonahe. Wala ring blinds ang mga bintana niya dahil puro drapes iyon. At lalong…walang bata sa bahay niya.
“Ylvanna?” gulat na tanong niya pagkakita sa bata na nakaupo sa kama, nakatitig sa kanya. Ngumiti ito pagkarinig sa pangalan nito, saka siya sinugod ng yakap.
“Akala ko, hindi ka na babalik, Mommy! Tinupad ni Daddy ang promise niya, kasi ‘eto ka na ulit sa’min!” sabi ng bata.
“Ha? What are you talking about, kid?” Naguguluhan pa rin siya.
“Sabi ni Daddy, you’ll live with us starting today…ay mali, last night pala.”
“You must be mistaken. I’m not your Mom, Ylvanna.” Ano bang kaguluhan ang nangyayari? Hindi niya malaman kung saan siya pupunta nang hindi nasusundan ng bata.
“No! You are my Mom! No!” Halos mapaos na ang bata sa lakas ng sigaw nito. Nag-umpisa na ring tumulo ang luha nito.
“Ylvanna, you have to understand…”
“Understand what? You are my Mom!” Yumakap na naman ito sa kanya na parang ayaw na siyang pakawalan pa. Panay pa rin ang hikbi nito.
“But—”
“Yes, she is your Mom, princess,” sagot ng isang baritonong tinig sa may pintuan.
Sabay pa silang napalingon doon ng bata. Hindi niya mapigilan na hindi manlisik ang mga mata pagkakita sa lalaking iyon.
Ylvanna’s father.
BINABASA MO ANG
Men in Love 1: The Chinky-Eyed Lover
Teen FictionInstant baby sitter. Iyon ang tingin ni Eiyu kay Angela. Panay ang panggugulo nito sa kanya para may makatulong umano ito sa pag-aalaga sa anak nito. Bakit kasi hindi siya makita ni Eiyu bilang girlfriend material sa halip na babysitter?